~21~ Something wrong

510 18 0
                                    


Hi! Hahaha. Are you enjoying my story? Hahaha. Salamat nga po pala sa mga votes niyo. Sana patuloy niyo pa pong iboto ang story ko salamat^_^




Chapter -21-



Samantha Point of View


Pagkatapos ng eksenang lunch idagdag mo pa si Jacob na muntik na akong nagka heart attack sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Actually, tapos na lahat ng subjects namin. So uwian na. Hinintay ko si kuya dito sa gate ng school. Dadaanan niya daw ako. Sakanya kasi ako sasabay remember? Hiniram ni dad yung kotse ko. Kaya eto ako ngayon sa shed.

May humintong kotse sa harap ko it must be kuya. Tumayo na ako at pumunta sa kotse. Binuksan ko yung pinto ng kotse sa passenger seat. Kinabit ko yung seatbelt ko bago bumaling kay kuya. Napakaseryoso ng mukha niya. Parang hindi maipinta. Nagtataka lang ako kaninang umaga pa siya ganyan eh! Something wrong that I need to figure out.

"Kuya? May problema ba? Kanina ka pa ganyan eh"


Tinapunan lang ako ng tingin ni kuya. Pinaandar niya na yung kotse. Buong biyahe tahimik lang kami. Hindi ako sanay. Pag dalawa lang kasi kami nagaasaran o kaya nagpipikunan na kami, but this day is so different. I don't know why!


Pagkadating namin sa bahay agad agad na tinanggal ni kuya ang seatbelt niya at lumabas na. May nagawa ba ako para iwasan niya?


Lumabas na din ako sa kotse. Pumasok ako sa bahay at dumaretso sa kwarto ko. Nagbihis naman agad ako at humiga saglit sa kama ko.



Pati si daddy ganyan na ganyan siya katulad ni kuya ngayon. Ang weird! Kapag tinatanong ko sila hindi naman nila ako sinasagot! Ano bang Mali?! Napaka tahimik tuloy ng bahay hindi talaga ako sanay!



I stop thinking when I heard the knock at my door "Ma'am kain na po kayo" Sabi nung maid na nasa labas


"Sige po!" Sigaw ko



I stood up and I took a deep breath before I leave my room. Pagpunta sa dining area napakatahimik. Andito na din si daddy. Umupo ako sa pwesto ko at sinimulan ko ng kumuha ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain, tanging kutsara at tinidor lang ang maririnig mo. Hindi ko na kaya!



Binaba ko yung kutsara at tinidor ko at tumingin sa dalawa naagaw ko naman ang atensyon nila "Ano bang nangyayare? Kuya!? Daddy? May nagawa ba akong Mali?!"



Nagkatinginan ang dalawa. Si kuya bumalik sa kinakain niya si daddy naman tapos ng kumain. Nakatingin lang ako kay daddy "Ano?!" I shouted out of my frustration.




"Nothing's to worry about, Sam" Dad said with a cold voice




Among wala? Pahalata pa nga sila! Sa kinikilos palang nila ngayon parang may alam sila na hindi ko alam.



Tumayo na ako at napatingin naman sila kuya at daddy saakin "Matutulog na ako"




Umalis na ako dun sa dining area at dumaretso sa kwarto ko. Kung ayaw nilang magsalita bahala sila! Humiga ako sa kama ko at huminga ng malalim. Bakit parang may siseskreto sila? May mali ba? Hayst! Kainis!

****

KINABUKASAN maaga na naman akong nagising. Wala lang. Iba kasi ang atmosphere dito sa bahay napaka tahimik. Wala namang pasok kaya pwede akong pumunta kahit saan ko gusto. I decided na pumunta nalang sa ice cream shop ni klarra. Yayayain ko din si pathricia para may makausap man lang ako. Ang tagal ko na din silang nakakausap noh!




The Playboy and The Bad Girl[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon