~23~ Practice with him

501 27 4
                                    

Chapter -23-

Samantha Point of View


It's first week of july. Last week of June I start to sleep in my condo unit. Nagpaalam naman ako. Ayaw ko lang makakita ng weird na tao sa bahay na yon. Nung una namamahay ako pero medyo nasasanay na din ako. Palabas na ako ng lobby sa condominium. Simula nung nakatira na ako sa condo unit ko (for a while) nagta-taxi nalang ako. Bahala silang gumamit dun sa Lamborghini ko. Namimiss ko tuloy yun huhu T__T.



Pumara na ako ng taxi. Papasok na sana ako ng biglang may bumusina na kotse sa likod ng taxing pinara ko. Napatingin ako sa SUV na nagbusina. Lumabas yung driver neto. Wow naka shade si manong! Haha!





Ngayon na sa harap ko na siya. He take it off his shade then our eyes met. My heart beat so fast, like there's no tomorrow. Bakit ang gwapo niya?



"Laway mo tutulo na. Haha!"


Bumalik ako sa huwisyo ko ng inasar niya ako. Panira siya ng moment eh! Haha! Tumingin ako sa ibang direksyon umiinit na naman kasi yung mga rosy cheeks ko. Nilapit niya yung mukha niya saakin pero umiwas ako. Mas nilapit niya pa yung mukha niya saakin. Ngayon nagkakatitigan na kami. My heart beats so fast again!!! Argh!!! Bakit ganyan ka!!




Ngumisi niya ng nakakaloko "Bakit na mumutla ka? May sakit ka ba?"




Tinulak ko siya papalayo saakin "Ah...hindi ah! Blush on lang yan!" Pagtatanggi ko. Bakit ako na uutal?



Ngumiti siya ng nakakaasar "Eh? Di nga?"




"Oo nga! Bakit ka ba andito?"



Ngumisi si Jacob ng nakakaloko "Halika na. Sabay na tayong pumasok"




Tumingin ako dun sa driver ng taxi. Nakabukas kasi yung car door sa backseat. Tumingin saakin yung driver na parang inip na inip na "Ano miss? Hindi ka ba sasakay?"





"Hindi na po manong. Salamat po" hinila ako ni Jacob papalayo din sa taxi. Sinarado naman ni Jacob yung car door sa backseat tapos umalis na yung taxi. Naiwan tuloy akong tulala.





Lumingon saakin si Jacob ng nakangiti "Tara?"


Nag cross arm ako at pinaningkitan ko siya ng mata "I have no choice"


He chuckled "Halika ka na nga!"


****


"Andito na tayo"



Tinanggal ko yung seatbelt ko tapos dali dali akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay pa. Pake ko dun? Hmmm!


"Your so rude!" Biglang sabi niya


Nagulat naman ako dito. Parang kabute bigla bigla nalang sumusulpot. Hinahawakan ko nalang yung dibdib ko dahil sa gulat. Ang bilis ng tibok eh! Kainis talaga tong lalakeng toh!  Pinalo ko siya sa braso "Bakit ka ba nanggu-gulat!? Bigla ka nalang sumusulpot!" Sigaw ko sakanya habang naglalakad. Na sa hallway na kami sa loob ng campus. Kasabay ko siyang naglalakad.


Hinimas himas niya yung part na pinalo ko sakanya which is sa braso niya "Aray ko! Ikaw na nga tong hinatid ikaw pa may ganang mamalo ah! Tss!"

Bigla tuloy akong na guilty. Pero bakit naman ako magui-guilty? Eh, kasalanan niya yan eh! Huminga ako ng malalim "Kasalanan mo din! Kung hindi mo pinauna kanina yung taxi hindi sana ako nakasabay sayo!" I just rolled my eyes at him.


"Magpasalamat ka nalang saakin. Buti pa nga andun ako. Kundi nagsayang ka na naman siguro ng pera mo para lang sa pamasahe. Buti nga yung pagsabay mo saakin libre unless kung bibigyan mo ako ng kapalit" tumingin ako sakanya. Nakita ko yung ngiting kakaiba sa mukha niya. Iba na naman kasi iniisip neto eh! Malapit na rin kami sa first subject room namin ni Jacob. Pero may point siya kung wala siya dun nagsayang na naman ako ng pera para lang sa pamasahe. Taghirap pa naman ako ngayon.


Na sa harap na kami ng pinto pero huminto muna ako saglit ganun din siya kaya nilingon niya ako "Bakit? Tara na!" Sabi niya saakin pero nanatili akong nakayuko. Naguilty kasi ako sa sinabi niya eh! Ang rude ko naman pag hindi pa ako nag thank you nagmalasakit na nga siya saakin.




Inangat ko yung ulo ko. Nakita ko siya na naghihintay ng sagot ko "Ahmm....Jacob?" Bakit ako nahihiya? Aishh!





"Hmmm?"




Our eyes met. I felt my heart beat so fast. Umiwas ako ng tingin sakanya tapos pinaglaruan ko yung mga daliri ko sa likod ko. "Thank you?" Tumingin ako sakanya pero slight lang. Nakita ko siyang ngumiti "Wala yun. So Tara?"






Ngumiti ako sakanya "Tara!"





"Sabi ko sayo wag mo akong masyadong nginingitian baka mahalikan kita" pang aasarin niya saakin




"Bastos! Bahala ka nga diyan!"



****


"You may now start your practice" pagpapaaalala ng math teacher namin


Pinapaala kasi niya na malapit na daw yung program eh! Pero problema ko ang magiging partner ko! Sabi ko sa math teacher ko sa susunod nalang ako magpra-practice hindi ko pa kasi alam ang kakantahin ko! Ayaw na ayaw ko ang ganito eh! Kainis!




"But sir, wala pa akong napipiling kanta!" Pagmamaktol ko sakanya


Bigla naman pumunta si Jacob sa pwesto namin. Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay ko pero ngumiti lang siya saakin pagkatapos bumaling sa teacher "Sir, ako nalang ang kasama ni Sam"


Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano daw? Sigurado pa siya? Tumingin siya saakin ng nakakaloko tapos ngumiti na naman. Naagaw ang atensyon namin ng nagsalita ang math teacher namin "That is good idea, Mr. Andres" masayang sabi niya



Kinindatan ako ni Jacob ng tumingin ako sakanya. Seriously? Siya talaga?



"Sige. As soon as possible dapat makapili na kayo ng kakantahin niyo" Sabi nung math teacher

"Yes, sir!"

Nagpaalam na kami sa teacher na yun na aalis na kami. Wala kaming second subject absent daw yung teacher namin dun hindi ko alam kung bakit. Kaya naisipan namin na pumunta ng music Hall dito sa school. Maraming instrument sa music room namin. Kumpleto yun. May piano, guitar bass, guitar, drums, trumpet at iba pang instruments. Ganyan kayaman ang school namin. Haha.




Kinuha niya yung gitara sa tabi ng piano. Sinubukan niya yung string neto. Pwede pa siya. Kaya tumingin muna siya saakin na parang nagi-isip. Meron ba sa mukha ko ang sagot?


"Alam ko na ang kakantahin natin" ngumiti siya ng malapad saakin. Sinimulan niyang tumipa sa gitara. Random strings at first, but eventually turned into a song that I don't want to listen ever!



"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumali ~ at sa tuwing ikaw ay nadama ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo~ tibok ng puso~"

Kumanta siya sabay sa pag timpa ng gitara niya. He's sweet voice make my heart beat. Nakatitig lang ako sakanya. Ang ganda kasing pagmasdan ang napakagwapong mukha niya. Jeezz!









A/n: Don't forget to vote ^_^

The Playboy and The Bad Girl[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon