Solbi's POV:Nung narinig naming tumunog ang lunch bell ay pumunta na agad kami sa auditorium para kumain.
Lumabas muna ako para magtapon ng basura at sila ay kumakain na ng lunch.
Napansin ko noong lumabas ako ay kasunod ko si Suga.
"Hi" sabi ko
Tiningnan nya ako ng masama na parang hindi ko alam.
Magkasabay kaming bumalik sa auditorium at parang napansin nilang lahat na sabay kaming dumating.
Nagtataka ako na noong umupo ako ay katabi ko na si Suho, kasi noong una katabi ko sina Sohee at Jiwoo at mas nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Suga.
"Hey Solbi, don't do anything, baka makasagasa mo si SWAEG!" sabi nya
Aba nang-aasar ata ito ah, haynako.
Magkasabay kaming tatlo kumain nang bigla akong nabulunan.
Me: *ubo ubo*
"Hyung nabubulunan si Solbi tulungan nyo ako" paghingi ng tulong ni Suga
Sya ang tumulong sa akin na matanggal ang buto ng chicken kaya ako nabulunan.
Kinikilig talaga ako ng bonggang bongga kasi akala ko magiging sobrang cold si Suga sa akin, pero hindi.
Crush na crush ko talaga si Suga since G7 pa ako kasi parehas kaming maputi at hindi katangkaran.
At noong G8 ako nakilala ko ang EXO at saka ko nagustuhan si Suho kasi hindi naman din sya katangkaran pero sabi nila mabait daw siya.
Parehas gwapo ang mga idol ko at parehas ding maliliit (sorry si Suga at Suho Biased dyan) pero ang pagkakaiba nila, si Suho ay mabait at si Suga ay Savage.
Suga's POV:
---FLASHBACK---
Nakipag deal sa akin si Jimin hyung.
"Dahil hindi ka pa nagkakaGF ide-dare kita na syotain ang isa sa tatlong lilipat sa atin at kailangan mong ma-fell in love at kakalimutan mo na may dare ako sayo dahil tuluyan ka nang nahulog sa kanya"
---END OF FLASHBACK---
Kaya ang napili ko ay si Solbi kasi may nakapagsabi na sa kanilang tatlo si Solbi ang idol ako at para sa akin si Solbi ang pinakamaganda.
Pero parang mauunahan pa ako ni Suho sa puso ni Solbi, pero bago ang lahat idedevelop ko muna ang sarili ko sa kanya.
Solbi's POV:
Natapos na ang lahat ng kahihiyan noong lunch. Tumunog na rin ang bell kaya bumalik na kami sa room.
Naglalakad na kami noong nakita ko si Suga na nakaupo pa rin at bigla nya akong tinawag.
"Solbi-ah" tawag nya.
Lumingon ako at nakita ko syang tumayo at biglang ngumiti.
"Pwede bang samahan mo ako papuntang room?" Tanong nya sa akin
Lumapit ako sa kanya at nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko.
Biglang dumating si Suho upang tawagin na sana kami nang nakita nyang magkahawak ang kamay namin ni Suga.
"G-guys bilisan nyo at bumalik na t-tayo sa room" pautal-utal nyang sabi.
Bigla kong binitawan ang kamay ko sa kanya at bumalik na sa room, malaki ang ngiti ni Suga ngunit noong tiningnan ko si Suho, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Bakit kaya?
~~~
Natapos na ang klase ni Ms. Choi at hinatid na ako ng Twice sa aming bahay.
Hay isa nanaman nakakakilig na araw ang nagdaan
To Be Continued~~~
BINABASA MO ANG
BTS OR EXO? -YOONGIFIED
FanfictionAno kaya ang mangyayari kung magcaclash ang ibat ibang famous groups sa isang elegant school. Abangan po natin ang magandang paglalakbay nina Sohee, Jiwoo, At Solbi. Ano nga ba ang pipiliin nila BTS ba o EXO? Tunghayan po natin ang isang napakaganda...