Unang Pimpy Ni Ara

294 12 13
                                    

CHAPTER I

"Ara! Gumising ka na! Malalate ka na, alas syete na. Tumutulo pa laway mo dyan! Ano ba! sigaw ni ate ko

"Ate natutulog pa ko ee! sagot ko

"Tatayo ka dyan o papatayin kita!? Ikaw na nga tong pinag-aaral, ikaw pa tong tatamad tamad! Kaya walang nagkakagusto sayo ee! sigaw na naman nya

"Ito na nga ee! Ito talagang matandang dalagang to! pati ba naman lovelife ko pinapakialaman! HUH! Teka bakit basa yung kama? ARIES !!! Umihi ka na naman! Bwisit ka talagang bata ka!!! nakakainis kong sigaw

"Ate? tawag ni aries

"Bakit? Bakit nakatulala ka ? tanung ko

"Tao ka ba?

"HA? OO naman anu bang klaseng tanung yan?

"Ay! Akala ko kasi kalsadang lubak yang muka mo eh! HAHAHA !

Napatingin ako sa salamin sa tabi ng kama ko.

"AH. . . .(tili) Ang Dami! Oh MY GOSH! Barabs Hestas Hudas! Ang tigyawat ko dumadami! Hayop ka talagang Aries ka !!

hay ! Bwisit tong umaga na to! By the way, Im Ara short for ARALINDA APAYAO SARMIENTO, ang panget ng pangalan ko noh? Nahiya naman ako sa pangalan ng ate ko, BACTORINA APAYAO SARMIENTO hahaha.... Im 15 yrs. old, magte-third year na ko. Papasok na naman ako sa bagong paaralan kasi naman NPA kmi. Oo tama kayo NPA kami................. NO PERMANENT ADDRESS! Lumaki akong walang magulang 8 yrs. old ako at 3 yrs.old na c aries nang sabihin ni ate na patay na sina nanay at tatay. samantalang sya ay 23 na.

Bilib ako jan kay ate. Bakit kasi sya lang ang nagtaguyod sa amin ni aries, ang tumayong nanay at tatay namin. DRAMA !!

Naiinis ako dahil hindi pa ko dalaga. Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng dalaw! Nakakainggit na pinag-uusapan nung mga babae sa labas na kung anung gamit mung pangtapal at kung kulot ba! INGGIT ako !!!

SA SCHOOL

"Ate, mag-iingat ka ha? pag-aalala ni aries sa akin

'Ha? Bakit naman? tanung ko

"BAka kasi mapagkamalang kang daan at masagasaan ka pa! HAHAHA.. pang-aasar nya at sabay tumakbo palayo.

Ikaw ka talagang bata ka! humanda ka sakin pag-uwi! pagbabanta ko

Nga pala hindi ko pa alam yung room ko. Makapagtanung nga.

"Miss saan po yung room ng third year? tanung ko

"Ah......(tili) Kadiri ! You touch me! Yuck ! Ketongin ang Face! Slang na pagkasabi nung babaeng mahabang baba.

NEXT:

"Excuse me? Pwede magtanung?

"Excuse me? What do you think of me Information Desk? And who are you? Shu ! Alis! pagtataray nung babaeng tattoo lang yung kilay

NEXT:

"Pwede pong magtanung?

"Yes?(sagot nya ng hindi naktingin sakin at ng makita nya yung muka ko) OMG! Monster! Don't go near me! Probinsyanang Monster.

Ay akala ko pa naman, MATINO! may pa-english-english pa! Problema nila sa pimples ko. Ako lang ba may pimples sa mundo? At bakit ang daming may sapak dito? yung totoo, MENTAL Hospital ba to?

umupo ako at may lumapit sa king matangkad na lalake, maputi at AMOY ANTIPATIKO takes note AMOY! Nakakaamoy kasi ako ng masamang ugali ee.

"Excuse me? tanung nung lalaki

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon