Ikalabing Dalawang Pimpy ni Ara

94 3 4
                                    

Chapter 12

Pagpasok sa bahay nagmamadali akong pumasok para di ako maabutan ni Tokmol.

“Ara, sandal nga mag-usap tayo!” sigaw sakin ni JJ habang hinahabol ako

“Wala tayong dapat pag-usapan!” sigaw ko

“Ara!” sigaw nya

“Ano!?” sigaw ko habang dire-diretso naglalakad

BLAG!(Nadapa)

“Aray!” sigaw ko at nasugatan pa yung tuhod ko

“Ayan kasi ayaw makinig sakin e.” sabi sakin ni JJ at tinayo ako

“Don’t touches me!” sigaw ko

“Wow! Ara! May paenglish-english ka pa ah. Mali naman! Trying hard!” sabi nya sakin at binuhat ako ng paBridal carry

Inupo nya ako sa salas:

“Akin na yan sugat mo!” sabi nya at kinuha yung medical kit sa ilalim ng center table. Nilagyan nya ng agua oxinada yung bulak at unti-unting nilapit sa sugat ko

“ARAY!” sigaw ko

“Wala pa nga ee! Ang OA mo talaga!” sigaw nya sakin at dinampi yung bulak sa sugat ko.

“AAAAAAARAY!” sigaw ko

“Bakit ka umaaray! Ginusto mo yan ee! Bunga yan ng katangahan mo!” pangaral nya at inihipan nya yung sugat ko! ^_^ sweet!

“HUHUHU! Ang ganda pa naman ng tuhod ko!” sabi ko habang papaiyak

“Oo nga! Tuhod na nga lang ang maganda sayo ee. Hala!” gulat nya O___O

“Bakit?!” tanong ko

“May lumalabas na barko sa sugat mo! HAHAHAHA!” biro nya

“HUWA! HUWA!” malakas kong iyak

“Tumahimik ka nga! Para kang bata! Baka magising si Mommy!” sabi nya

“HUHUHUHUHU! HUWA!” nilakasan ko lalo at binuka ko yung bunganga ko ng todo

“Tumahimik ka sabi ee!” sabi nya at kinuha yung isang buong bulak at sinalpak sa bunganga ko

Tinanggal ko agad at sinabing:

“Bakit mo naman ginawa yun?!” sigaw ko

“Hala Ara!” gulat nya uli

“Bakit?” tanong ko uli

“Ang ganda pala ng binti mo!” puri nya

“Naman!” sagot ko with confidences

“TANGA! Parang mapa ng Asya! Ang daming scar! Ito yung Israel oh, yung Malaysia! HAHAHAHAHA!” lait nya

“HUHUHU!” umiyak uli ako, iyak iyakan para lambingin nya ko

“Titigil ka jan o ipapalunok ko sayo yung agua oxinada?

“Ito naman minsan lang maglambing ee!” sabi ko

Tumigil sya at nalungkot yung muka nya. Nilihis nya yung tingin nya sakin. Nagtaka ako. Binitawan nya yung tuhod ko.

“Bakit mo ko lalambingin? Ee di ba sabi mo, hindi naman tayo, na hindi mo naman ako boyfriend.” tumayo sya at umakyat na sa kwarto nya na balisa

Napakagat daliri ako. Ara anong gagawin mo? Siguro nga nasaktan ko sya sa sinabi ko. Ang gulo talaga ng mga lalaki. Hinabol ko sya

“JJ, sandali! King nasaktan ka man dun sa sinabi ko nung camping sorry na oh! Hoy! Pakinggan mo naman ako!” paliwanag ko habang hinahabol sya. Tuloy pa rin sya sa paglalakad. “JJ, ano ba?!” sabay hatak sa braso nya

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon