Ikaanim na Pimpy ni Ara(Dalaw)

141 7 3
                                    

Chapter 6

Kinabukasan:

“HUH? Panaginip lang siguro yung kahapon. Tokmol talaga sya! Pati panaginip ko sinisira nya! Ouch! Ang sakit! Tyan ba to o puson?” sabi paggising

Pumunta ako sa kubeta. Grabe! Ang sakit talaga, hindi naman tae.

“Ate? Gising?” gising ko kay ate

“Oh? Bakit? Istorbo to!” tanong nya habang nangangamot ng singit

“Sobrang sakit ng puson ko!” sabi ko

“Oh? Anong gusto mong gawin ko? oh!”(nilawayan nya yung noo ko, tulad ng ginagawa nya nung bata kami, effective naman kaso medyo mabaho)

“Masakit pa rin e!” saing ko at tumayo

Sumigaw si ate:

“Ano to? May dugo yung inupuan mo Ara! Hindi kaya may regla ka na? Tumalikod ka nga!” utos nya

“OH?” tumalikod ako

“Meron nga! Tinagusan ka.” sabi nya at sumimangot

“YES! Dalaga na ko! Oh? Bat malungkot ka ate?” tanong ko

“Walangya ka Ara! Sino bang sasaya? Eh ako ang maglalaba ng kobre kamang dinumihan mo! Pumasok ka na nga! At baka hindi kita masukat!” banta nya

“Ate? Anong gagamitin ko? Modess?” pangungulit ko

“Umalis ka na!” sabi nya

“Charmee?” dugtong ko

“Sinabi ng umalis ka na ee!” sigaw nya

“Kotex o Whisper o Magpanty-liner na ko.” dugtong ko

“Aralinda!” sigaw nya na parang nagwawalang toro

“AHHHHHHHHHHHHH!(tili)” sabay takbo palabas

Bumalik ako at binuksan yung pinto para mang-asar

“Amazona ka talaga! Matandang dalaga!”

Pagpasok ko sa school. Nakita ko si Nica

“Nica may regla na ko!” sigaw ko at napansin kong pinagtitinginan nila ako

Lumapit sakin si Nica

“Ara, wag mo naman isigaw. Private yan ee!” bulong nya

“Bakit naman? Masama ba?” sabi ko

Nasalubong namin yung mga Brat girls

“Look what I found, a pet(turo sakin) and a Princess with a shell! hahahahaha!” sabi ni brat 1 at nagtawanan sila

“At tama ba yung narinig ko kanina? Now ka lang nagkaroon ng Mens! hahahahha! Immature!” sabi ni Brat 2

“Ewan ko sayo Premature!” sabi ko

“How dare you!” inis na sabi ni brat 1

“Pwede ba!---“ pinutol ni nica

“You know what I’m tired of being api-apihan e. Kaya if you want a war? I give war. Ang kapal ng muka nyong insultuhin si Ara! Gusto nyo i-announce ko pa dito ang mga secrets nyo.” matapang nasabi ni Nica

“GRRRR! May araw di kayo samin! Baka nakakalimutan mo Vanjonica isa ka din samin dati, kaya wag mo kaming tinatakot. nagbago ka na simula nung nakipagkaibigan ka sa squater na yan. Utak pulubi ka na rin. Simula ngayon low level ka na!” sabi ni brat 2 sabay walk-out

“Ara wait lang mag-CCR lang ako.” paalam ni Nica na parang naiiyak

“Oh! Sige.” sabi ko

NAglakad lakad ako hanggang nakita ko yung mga chaka na may inaaway silang matabang babae. Sinugod ko sila.

“Hoy! Ano ba? Lahat na lang ba ng tao dito aawayin nyo?” sigaw ko sa kanila

“Oppps! A knight with madaming pimples is here. You’re very pakialamera talaga! At bakit mo pinagtatanggol yang Piggy na yan?” sagot nya

“Eh! Sumusobra na kayo ee!” sagot ko

“Oh! Sige magsama kayo ng cholesterol, carbs and oily girl na yan! Bagay kayo isang mamantikang chitcharon at isang balot na bugok hahahahaha….Tara na girls! hayaan na natin yang mga unknown creatures dyan. Come on!” sabi nya at umalis na

“ok ka lang ba? Tanung kay Piggy, este matabang babae

“Bakit mo pa ko pinagtatanggol?” tanong nya habang bumunot ng malaking pack ng chitcharon

“Aba , Ikaw na nga tong pinagtatanggol, ikaw pa tong galit! Bahala ka nga!” inis kong sabi habang paalis

“Wait, I’m sorry akala ko kasi pare-pareho yung tingin sakin ng mga tao. Dahil nga mataba ako, Macarbs, Macholesterol, Mamantika, Walang leeg, Choco na batok at Matakaw.” malungkot nyang sabi

“Ok lang yan(habang hinihimas ko yung malapad nyang likod) Ano ka ba? Lahat naman ng sinasabi ng iba sayo, lahat yun totoo!” sabi ko sa kanya

“HUH?” pagtataka nya

“Joke only! Ahahaha!” bawi

“Joke? YUn ba yung bida sa Rise of the Guardian si Joke Frost o pagkain ba yun JOKE-kolate?” biro nya

“hahahaha! Palabiro ka dun pala. I Like you!” sabi ko sa kanya

“I eat you!” sagot nya naman

“HAhahahaha….by the way I’m Aralinda Sarmiento, third year na ko.” sabi ko sa kanya

“I’m Barchelle Darla Cecille Shainna Rufina, second year na po ako.” nakangiti nyang sagot

“Aba! Pati ba naman sa pangalan, Matakaw ka. HAhahaha…. Barchelle Darla? Bar + Da = BARDA! Tawag ko na sayo ay BARDA!” sabi ko

“BarDa? Di ba beki word yun ng MATABA?” tanong nya

“TRO! Cute nga ee. Alangang sabihin ko mapayat ka, edi nagkasala pa ko!” sabi ko sa kanya

“Sige na nga! Oh…. gusto mo?” alok nya sakin ng chitcharon

“Oo naman. Gutom na rin ako e!

-------------

Ayan Ara, may bago ka na naming kaibigan.. Abangan ang Chapter 7, Iiyak c Ara, Bakit kaya? Sakit sa singit si Ara!

Thanks for reading my Piece.

Khristeen Shane

Mamark

Yanni

Faye Cadiz

At sa iba add nyo ko sa Fb Jhakie Wattpad tapos message nyo ko para mamention ko din kayo at mapasalamatan

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon