Ikalawang Pimpy ni Ara

157 7 11
                                    

Chapter 2

“Aries tara na ! Malalate na tayo! Naiinis kong sigaw kay Aries.

Nagtricycle kami ni Aries at pagbaba namin.

“Hey! Ara, di mo naman nasabi sakin na babyseater ka. Sideline mo? sabi ni Nica(short for Vanjonica)

“Ha? Ano? Hindi noh kapatid ko to. pagtanggi ko

“oh! I’m sorry. ang layo kasi ng muka nyo ee. Tara sabay na tayo? sabi nya

“Aries, una na ko. Paalam ko kay Aries at inirapan lang nya ko. Bading ata to.

SA ROOM:

Pagpasok namin ni Nica, pinag-uusapan sya ng mga Brat Girls.

“OMG! Si Vanjonica? Sumasama sa mga low level, cheap, homo erectus na tao. I’m sure Informal settler yan babaeng yan! Gold digger! sabi ni Brat 1

“Gosh! Ganyan na ba sya ka- desperate magkaroon ng kaibigan. At sa dami-daming kukunin yung pulubi pa. IWW ! Kadiri to The Highest Level and to the nth power! sabi naman ni  Brat 2 with matching irap pa.

Napansin kong yumuko si Nica, Na parang nahiya.

“Nica sandali lang! may sasapakin ako. paalam ko sa kanya

“teka teka(sabay hawak sa braso ko) anong gagawin mo?

“Tanga lang? Sasapakin ko nga di ba? Mayamang Bingi! Tuturuan ko lang ng leksyon. Just watch and see. sabay bitaw sa kanya.

“Alam nyo ang sasama ng ugali nyo! Wala kayong kapintasan? Hindi ba kayo makontento na insultuhin ako at pati kaibigan ko dinadamay nyo. pasigaw kong sabi sa kanila with talsik laway.

“OMG ! Virus!! iww.. Bakit papalag ka? sabay taas kilay at pamewang pa.

“Iww.. (sabay amoy sa braso nya na natalsikan ko ng laway) Ang baho! What the hell. Nagtoothbrush ka na ba? Kadiri! Are you ready to fight Pimple Girl? taas noong sinabi ni Brat 2

“Oo bakit? Akala nyo porket mayaman kayo di ko na kayo papatulan. Ikaw!(turo kay Brat 1) ang kapal ng lipstick mo at ang flat ng dibdib mo. Are you sure you’re a girl? What kind of girl? At Ikaw(turo kay Brat 2) Pa-English-English ka pa naiipon naman laway mo sa gilid ng bunganga mo at ang laki ng butas ng ilong mo yung totoo Gorilla ka ba? Ano? sampalan na para maganda! sabi ko

“How dare you! sabay nilang sabi

“Hoy Hindi ako USA! dare dare ka pa jan.. kaw nga yun kamuka mo c Bambi! Ano palag? habang ipinapakita ko yung kamao ko sa kanila, may beautiful fist

“AHHHHHHHHHHHHH…….(tili) habang patakbo palabas

“Ang tapang mo talaga! sabi ni nica

“I told you but you didn’t listen to my tols. teka nga bakit ba takot ka sa mga payaso na yon? tanung ko

Yumuko si nica

“Hindi ko sila kaya. sagot nya

“Hay nako Nica. Kapag lagi kang ganyan lagi ka nilang aapihin. Ipakita mo kasi na malakas ka. Nica dapat kaya mong ipagtanggol yang sarili mo. Lagi kang magmumukang kawawa nyan. Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming TAO mayuyurakan ka! Lumaban ka! sagot ko.

“Ang mundo ay parang muka mo, MARAMING LUBAK! hahahaha… joke lang I love you bestfriend Ara. Im happy to have you. bawi nya

“Oo na best!!! kahit iniinsulto mo ko. hahahaha.

Naghiwalay kami. Si Nica ay nakaupo sa 1st row at ako ay sa 4th row. Pag upo ko di ko napansin yung katabi ko dahil nakayuko at mukang natutulog. nag-excuse ako at tumaas bigla yung ulo nya.

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon