Ikalabing pitong Pimpy ni Ara

47 0 3
                                    

Chapter 17:

"ATCHUUUU!" bahing ko sabay higop ng sipon kong muntik na malaglag.

"Sinasabi ko na ee. Ang sabi ko kasi wag nang pumasok ang kulit kulit at pumasok pa rin. Nako! Ang tigas tigas ng ulo mo! Ang hirap magkasakit ngayon! Mga kabataan talaga!" putak ni Ate habang naghahanap ng gamot na ilalaklak sakin. Si ate  talaga kahit wala naman syang sinabing wag na ko pumasok sasabihin nya meron. nakakarelate ba kayo dun.

"Ate naman may sakit na nga ako pinapagalitan mo pa ko!" sagot ko habang umiinom ng gamot

"Aba! Ara para sayo din to. Para magtino ka. Pano na lang kung namatay na ko? Sino nang mag-aalaga sa kapatid mo. Babae ka Ara kailangan mo mslaman ang mga gawaing bahay. Hindi puro lakwatsa! Pano na lang kung marape ka dyan. Kaya tinuturuan ka para matuto! Blah! blah! blah! ----" putak na naman ni Ate. Sana pala di na lang ako sumagot. Kung makapredict ng future kala mo fortuneteller tong ate ko.

"Ate?" tawag ko sa kanya

"Ano na naman?" galit nyang sagot

"Ito naman. Wala pa nga ee galit agad? Nga pala, Nanalo akong Miss Entrams!" sabi ko sa kanya with sobrang lapad na ngiti at tulo sipon, nalasahan ko pa, maalat-alat.

"Talaga?" sagot nga na parang di makapaniwala

"Oo ate! Atchuuuuu!" confident kong sagot

"Ibig sabihin gumastos ka na naman! Dyos ko Ara! Hindi ka mayaman! Siguradong pinagtawanan ka lang dun. Alam mo naman na pangloob ka lang ng budega ee. Hindi sa nilalait kita pero yun ang totoo. Kelan ba kita sinali sa mga ganyan?

Ahhhhmmmm! Kelan nga ba? Hmmmmp.

*Flashback*

Kinder:

"Ate sali daw ako sa sayaw sabi ni teacher" sabi ko

"Ara, gastos lang yan atsaka di ka naman marunong sumayaw parehas kaliwa paa mo." sabi naman nya

Elementary:
Star scout:

"Ate sali ako sa star scout!" sabi ko habang nakapout

"Ay! May multo sa camping at may ahas. Atsaka wala tayong pera gastos lang yan. Di naman tataas grade mo jan!" sabi naman nya

Girl Scout:

"Ate pwede ba kong sumali sa Girl scout. May ipon naman ako pambiling uniform at pangbayad." paalam ko

"Hay! Nako Ara! Magpapagod ka lang. Mamaya pagkamalan ka pang panggatong sa bonfire. Tumigil ka. Gagastos ka na naman. Hindi ka pwede dyan." sabi nya naman habang nagpaplantsa

"Pero Ate?" pakiusap ko

"Wala nang pero pero! Baka gusto mo plantsahin ko yang bunganga mo para tumigil!" galit nyang sabi

United Nation:

"Ate?" tawag ko sa kanya

"Oh? Kung about sa United nation. Hindi pwede. Alam mo naman gipit tayo at lumalaki na si Aries. Mag-isip ka naman. Magbibigay bigay ka ng sobre para kang namamalimos sa iba. Ayaw ko magkaroon pa tayo ng utang na loob sa iba. HINDI PWEDE!" sabi nya

Graduation Day:

"Ate Graduation na ko!" sabi ko

"Wag ka na magtoga at umattend kunin mo na lang yung diploma mo kinabukasan. Mapapagod ka, mapupuyat dagdag pa yan sa tigyawat mo. Allergy ka pa naman sa sampaguita" sabi nya

"Ate naman pati ba naman tong graduation ko!" nagtampo ako at umattend mag-isa. Sumunod din naman sya! Di nakatiis!

1st year high school ako. Di ako makatulog sa kati ng muka ko. Niyaya ko si Ate magpacheck up.

"Ate, pacheck up na tayo please!" sabi ko sa kanya

"Ay! Gastos lang yan. Maghilamos ka na lang at magsabon ng tide." sabi nya

"Ate! Pakiusap! Di ko na kaya!" sigaw ko

"Oh tara na!" sabi nya

At alam nyo kung saan ako dinala.

"Ate! San ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay sa tricycle

"Sa albularyo. Kay Ka Karanteng!" sabi nya

At ang sabi ng albularyo, naihian at nasira ko daw yung bahay ng duwende kaya gusto nya tumira sa mga bukol sa muka ko. Kailangan ko daw kumain ng ulo ng tuko at uminom ng ihi ng ibong adarna. Baliw ata tong albularyo na to. Nung papainumin na ko, bigla akong sumigaw. "Magaling na ko! Magaling na ko!"

*Back to Reality*

"Wala! Kaya nga di na ko nagpaalam ee. Di ka ba proudly para sa akin?" sabi ko sa kanya

"Hay! Ara! Ang tigas talaga ng muka mo parang kalyo mo sa paa. Di mo naman makakain yan ee." sabi nya

"Ate naman. Balak ko pa nga tong ipakita kay Tita Celestyne ee. Para naman may pakunsuwelo ako sa kanya dahil nakikitira tayo dito." sabi ko habang pinapakita ko yung trophy at sash ko

"Nako! Wag ka na magbalak at busy yun. Atsaka lilipat na rin naman na rin tayo." sabi nya

"O _____O" gulat kong reaksyon. Pano na si Tokmol. Lilipat na naman kami. Ibig sabihin  lipat school uli. Babye JL na ba? :(

-------------------------------
Hey Readers :) Wala magawa ee. Update uli ako :) Sana magustuhan nyo :)
Comment kayo kung gusto nyo magpamention :)
Love: Jhakie <3

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon