Ikalabing Walong Pimpy ni Ara(Buking)

62 0 5
                                    

Chapter 18:

Naalimpungatan ako. Tumutulo pa yung laway ko. Hinigop ko muna. Di na tuloy ako makatulog. Iihi muna nga ako. Pagkatapos ko umihi. Nakabukas konti yung pinto ng kwarto ni Tokmol at nanonood sya. Maloko ko nga.

"Psssst!" paswit ko sabay tago.

"Sino yan?" sigaw nya

"Pssst!" paswit ko uli

"Sino ba yan?" sigaw nya uli

Tawa ako ng tawa dahil natatakot sya. Sumilip ako. Wala sya sa kinauupuan nya. Pinasok ko yung ulo ko. Tumingin ako gilid.

"Ahhhhhh!!!" sigaw ko

"Ahhhhhhh!!! HALIMAW!!!" sigaw nya habang nakaamba ng suntok.

"Ako to! Si Ara!" pakilala ko

"Ay! Akala ko yung boksingerong nabugbug ni Paquiao! HAHAHAHA" sabi nya

"Sa ganda kong ito?'' sabi ko sabay wave ng hair

"Yak! Sa bagay MAGANDA ka naman talaga ee. SA DILIM nga lang. Hahahaha! ATCHUUUU!" pang-aasar nya

"Ay! May sakit ka?" pag-alala ko

"Wala to. Wag mo ko alalahanin. Alalahanin mo yung muka mo! Ay! Sarili mo pala! Hahahaha! ATCHUUUU! Bakit di ka pa natutulog?" bigla nyang tanong

"Di na ko makatulog ee. Nanonood ka pala ng Movie. Pwede sumama?" tanong ko sabay pasok sa kwarto nya. Napabugtong hininga na lang sya

"Ano bang gusto mo?" tanong nya. Shett! Ang bango talaga ng hininga nya.

"Ito!(sabay turo sa screen) Titanic!!" sabi ko

"Yak! Wala ka talagang taste! Ang boring nyan ee." pag-iinarte nya

"Please(paawa effect)!!" sabi ko sabay pout.

"Wag ka ngang gumanyan. Bukod sa nakakadiri, sa sobrang haba ng nguso mo nagiging kamuka mo na si Donald duck! Quawk! Quawk! Atchhhhhuuuuu!" pang-aasar nya

"Si Queen Elsa nga daw ako ee. Sabi nila!" pagmamayabang ko.

"Ay! Oo! Elsa? ELSAbeth Ramsey! Hahahhaha! Atchuuuuu!" pang-aasar nya uli

Di ko na sya pinansin at nanood na ko. Kahit ang hirap intindihin kasi english. Wala bang tagalog version neto. Napansin ko na inaantok na si Tokmol.

"Ui! Wag mo ko tulugan!" sabay kurot sa ilong ni Tokmol

"Aray ko!" Bigla nyang hinawakan yung dalawang kamay ko at sobrang lapit ng muka nya sa muka ko.

"Bitawan mo nga ako!" pakeme ko pero di nya ko pinakinggan

Nilapit nya pa yung muka nya. Ayan na Ara! Malapit na. Naiihi tuloy ako sa kilig.

Nilapit nya pa.

Konting konti na lang.

Nang bigla nyang iniwas yung muka nya sa akin. At pinatay na yung laptop.

"Matulog na tayo." sabi nya sabay higa.

Sayang T-T ... Huhuhuhu

Humiga na rin ako at natulog.

Nagising na naman ako nang biglang may nanginginig sa tabi ko. Binuksan ko yung lampshade.

"Bakit?" tanong ko sabay hipo sa leeg nya. "Ay! Ang taas ng lagnat mo. Sandali lang kukuha ako ng gamot."

Agad akong pumunta sa kusina at humanap ng gamot. Kasalanan ko to ee. Kung di dahil sa akin di sya magkakasakit. Pumanik na ko.

"Oh! Inumin mo!" sabi ko sabay painum sa kanya.

You're So Trying Hard(Wag Mo Nang Ipilit, Masakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon