8. Out of Town

1.5K 91 8
                                    

Nilalakad ni Arjo ang madilim at makipot na daan ng 7th Street. Malalim ang iniisip niya dahil alam niya sa sariling maraming alam si Helmer Jacobs na hindi pa nalalaman ng mga tao sa Citadel.

Nasa kalahati pa lang siya ng eskinita ay nakita na niya ang isang imahen sa dulo ng kalsada. Bahagya siyang napangiti dahil kilala na niya kung sino ang nag-aabang doon.

"You never listen," pambungad agad ng nagmamay-ari ng bulto. Yumukod ito at bumati. "Good evening, milady."

Matipid na ngiti mula kay Arjo at sinundan naman ng mahinang tawa. "Hindi ako napahamak, Xerez."

"At hindi naman talaga dapat, milady." Sinalubong niya si Arjo at hinubad ang suot na gray coat para ipatong sa balikat nito.

"Kailan nga ulit na-consider as one of the Untouchables si Black Jack?" tanong ni Arjo habang patuloy sa paglalakad at sinasabayan ng Guardian niya.

"Noong panahon ng administration ni Cassandra Zordick sa Citadel, milady."

"Ano na n'on sina Mama at Papa?"

"Naglapag ng mandato noon si Lady Evari na hangga't hindi sila opisyal na bumabalik sa Citadel, mananatili sila sa Grei Vale bilang mga commoner. Hindi sila nangingialam sa issue sa labas. At wala pa noon ang Black Jack. Jacobs pa rin ang pangalang hawak niya."

Nakarating ang dalawa sa dulo ng 7th Street at napansin agad ni Arjo ang magandang babaeng nakangiti sa kanila habang ngumunguya ito ng bubble gum. Kakaiba ang tingin ni Arjo sa babaeng iyon. Iyon din ang babaeng nakita niya noong kausap niya si Helmer Jacobs sa tapat ng apartment nito.

"Masarap ang pagkain sa Mariejois', Lady Josephine. Gusto mo na bang mag-dinner?" tanong ni Xerez.

Inalis agad ni Arjo ang tingin sa babae at inilipat kay Xerez. "Mas gusto ko ang luto ni Jean o kaya luto mo, pero sige na nga. Aabalahin pa kita."

"I can cook for you, milady."

"'Wag na. Nandito naman na tayo," sabi ni Arjo dahil nakita na niya ang magandang Seraph's fountain sa gitna ng Wythe Lais. Tumatama roon ang liwanag ng buwan na ginagawang diyamante sa paningin ang mga patak ng tubig at sa likuran lang niyon ay umiilaw ang neon sign na kulay asul at dilaw kung saan patay-sinding lumiliwanag ang mga salitang 'Mariejois' Diner est. 1950.'

"Xerez," tawag ni Arjo.

"Yes, milady."

"Kapag sinasabi sa labas na may sinira si RYJO, may pinatay siya, may winasak siya, o kahit anong masamang balita . . . bakit parang iba ang nakikita ko?"

"Ano'ng ibig n'yong sabihin, Lady Josephine?"

"Winasak ni RYJO ang Wythe Lais—bagay na alam ng lahat."

"Yes, Lady Josephine. Tama kayo."

Huminto si Arjo sa harap ng Mariejois' at tinitigan ang buong kainan mula sa labas.

"Hindi na mukhang warzone ang buong lugar na 'to. Para lang siyang simpleng town. Tahimik, di mo ba nararamdaman?" Bahagya niyang tiningala si Xerez para makita ang reaksyon nito sa pinag-uusapan nila. "Hindi niya winasak ang Wythe Lais."

Napangiti si Xerez at hinawakan sa ulo si Arjo. "Warzone ang Wythe Lais, milady. At iyon ang winasak ni Lady Evari." Tinanaw na rin niya ang paligid para pagmasdan ang kapayapaang mayroon ang gabing iyon. "She had her own creed no one could ever break. May it be the best or the worst for anyone."

"You think . . ." Bumuga ng hininga si Arjo at napaisip. "Magagawa ko kaya ang ginawa niya?"

Napangiti na naman nang matipid si Xerez at bahagyang yumukod. "I admire you, Lady Josephine, but Lady Evari was one of a kind."

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon