34. Cabin in the Woods

944 65 10
                                    

Nauna nang nag-usap-usap ang mga Guardian sa Oval kaya buo na ang sagot nila sa meeting room ng mga Superior. Seryoso lang ang tingin ni Grandel sa mga kasama niya sa mesa. Si Erish, may ideya na sa pag-uusapan nila. Si Reese, takang-taka naman kung bakit may meeting na naman sila kahit kaka-meeting lang naman nila. Si Helmer ang may sagot sa maaaring pag-usapan. At kataka-takang wala ang Fuhrer sa meeting samantalang maayos naman na ang lagay nito.

"Ngayong araw ng alas-kuwatro matatapos ang paunang parusa kay Xerez," panimula ni Grandel. "Pagkatapos nito, may limang araw siyang suspendido at mananatili sa labas ng Citadel bilang commoner. Pagkatapos ng limang araw pagkasuspinde sa trabaho, saka lang siya babalik sa Citadel para bumalik sa serbisyo bilang Guardian Centurion."

Napatingin sa relos si Reese at nakitang tatlong oras na lang at epektibo na ang sinabi ni Grandel. "Where's Arjo?" tanong niya agad sa iba. "She should be here."

"That's one of the reason why we call for this meeting," sabi ni Helmer at itinuro si Dion na nakabantay sa likuran niya. "They have something to tell us."

Nagtinginan silang lahat kay Dion. Yumuko lang ito nang bahagya bago nagsalita. "Inilabas na ng chamber si Lord Maximillian makalipas ang labing-isang taon. Kung tama ang conclusion ni Lord Helmer, maaari nang gamutin ang nakaraang sakit niya bago siya itago sa chamber. At kapag nangyari iyon, pabababain na sa posisyon si Lady Josephine."

Nagkatinginan sina Grandel at Reese. Nagbuntonghininga lang si Erish na parang may inalis na mabigat sa dibdib niya at noon lang gumaan.

"Ano'ng mangyayari kay Arjo?" tanong ni Reese.

"May limang araw na suspendido si Xerez sa trabaho. Apat na araw din ang aabutin para sa prosesong gagawin kay Lord Maximillian. Sa mga panahong iyon, ilalabas muna ng Citadel si Laby Josephine."

"WHAT?" gulat at magkasabay na sinabi nina Grandel at Reese.

"Mataas ang radiation level dito sa Citadel na kailangang pababain sa katawan ng Project ARJO," paningit ni Helmer para ipaliwanag ang dahilan kung bakit kailangang palabasin ng Citadel si Arjo. "Nagtanong ako sa mga Guardian kung may parte ba ang Citadel na mababa ang pollution and radiation level. If possible, around clean forest o kahit sa maraming puno na lang para sa malinis na hangin. Kailangan din niyang umiwas sa mga bulaklak to avoid pollen allergens. Nag-request ako ng supply ng deionized water instead of alkaline water. May effect ang alkalinity sa body fluids ni Arjo. Kailangan ding pataasin ang red blood cells niya, sobrang dami ng white blood cells niya gawa ng Red Wagner at delikado 'yon. If she has a normal body, malamang na blood poisoning na ang inabot niya. Present din ang sleep deprivation, pero ilang side effects lang ang nakikita sa kanya. If outside doctor ang titingin sa kanya, kakikitaan siya ng symptoms ng schizophrenia. That explains her stories about her family na iniisip niyang buhay pa rin up until now. Nagkaroon na ng severe damage ang utak niya dahil sa kakulangan ng pagtulog. Two days siyang na-monitor under sa treatment ko. Nagbigay ako ng hypnotic drugs para makatulog siya nang maayos. May sleep apnea rin siya na present after she fell asleep. Iyan ang dahilan kaya may instances na kapag pumipikit siya, humihinto ang paghinga niya. I've witnessed that before, and that is not a good sign. She could die because of that. Either way, masyadong delikado para sa kanya. Habang tumatagal, bumababa ang mortality rate niya. Anytime soon, puwede siyang mag-shutdown and that will end everything for her. She may die any moment."

Kanya-kanya na silang hugot ng paghinga at paglunok. Sa haba ng paliwanag ni Helmer, ang rumehistro lang sa kanila ay ang huli nitong sinabi. Napapaisip sila ng sasabihin, pero kahit anong isip ay wala silang nahahanap na tamang salita. Bumabagsak pa rin ang lahat sa katotohanang malapit nang mamatay si Arjo.

"But you said, you can cure her," sabi ni Erish. "You're here because of that, right?"

Nadismaya rin si Helmer sa tanong na iyon. "Malaki ang naging damage sa kanya ng Red Wagner," malungkot niyang dagdag. "Mas napuwersa ang katawan niya sa bawat intake n'on. Pinalalakas siya n'on, kapalit naman n'on ay pagbaba ng mortality rate niya. Invincible siya ngayon, pero binawasan lang n'on ang buhay niya. May content ang steroid na nagpapalakas ng pain tolerance ng gagamit, at ang reaction doon ng katawan ni Arjo ay pag-produce pa ng mas maraming white blood cells. At mas maraming white blood cells, mas delikado dahil hindi match ang toxin n'on sa toxin na existing sa mismong dugo ni Arjo."

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon