11. Unexpected Mission

1.3K 79 18
                                    

Hindi mapakali si Senegal habang iniisip kung bakit siya kailangan ng Fuhrer. Kunot na kunot ang noo niya habang nilalakad ang marmol na sahig ng lobby ng Hotel Mercure. Samantalang si Helmer Jacobs naman ay napakalapad ng ngiti dahil pakiramdam niya ay magandang balita ang sasalubong sa kanya dahil sa pagkikita nila ng Guardian Centurion.

"Nakikita ko na si Marcosias," aligagang nasabi ni Senegal dahil tanaw na niya ang nakaupong si Marcosias sa isang mesa kasama ang isang lalaki at isang babae.

Napahinto sa paglalakad si Senegal, pinigilan din niya si Helmer sa pagtuloy.

"Where's Apollyon, anyway?" tanong ni Senegal dahil sa pagkakaalam niya ay lalaki ang Guardian Centurion, ganoon din ang Fuhrer.

"Sene." Napaikot ng mata si Helmer dahil wala naman siyang pakialam sa itsura ng Fuhrer. Iba ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na iyon.

"You think it's too obvious for the Fuhrer to go out?" tanong ni Senegal. "I mean, bakit siya makikipagkita sa akin? Why me? If isang Guardian niya o si Xerez, I'll consider, but the Fuhrer himself?"

"Just—just take this as an opportunity, alright?" Hinatak na naman ni Helmer si Senegal palapit kina Marcosias.

"Jacobs, I don't think this is a good idea."

"Nah, it's the best so far."

Lalong tumaas ang kaba ni Senegal nang makita na siya ni Marcosias. Umayos ito ng upo at iginalaw ang ulo para sabihing lumapit na sila. Bahagyang kumunot ang noo nito nang makita si Helmer na kasama niya.

"Dumadalas ka yata sa field," pambungad ni Helmer kay Marcosias. Nasa tono niya na hindi rin niya gustong makita ang pinagtatrabahuhan. "Parang kailan lang, nasa Whyte Lais ka pa."

"What are you doing here?" tanong ni Marcosias kay Helmer. "I thought you're fixing your current errands with the Primaveras. Hindi ba dapat nasa Wythe Lais ka, gaya ng sabi mo?"

"Doing that," sagot ni Helmer at naidako ang tingin sa naunang ka-meeting ni Marcosias. "Hey, Sav. How are you?"

Tumaas lang ang magkabilang kilay ni Xerez sa pagbati ni Helmer sa kanya. Matipid ang ngiti ng Guardian nang ituon ang atensiyon kay Helmer.

"I didn't expect you here, Helmer," sagot ni Xerez. Kitang-kita sa kanya ang pagiging kalmado.

Ngumiti lang din si Helmer at pansin sa mga mata nila na hindi nila gusto ang pagkikitang iyon.

Si Senegal na ang pumutol ng tensyon sa lahat. "Kakausapin mo ako, Marcosias?"

Tumango naman ang isa sa mga boss ng Sanglant Congregation. "Kakausapin ka sana ng Fuhrer."

Napatingin sina Helmer at Senegal sa babaeng katabi ni Xerez.

"Buona sera, signorina,(Magandang hapon, miss,)" bati ni Senegal.

"Nauna nang umalis ang Fuhrer dahil sa importanteng meeting." Tumayo na si Xerez at inayos ang suit niya. "Please, sit down," alok niya kay Senegal.

Tinitigan lang ni Senegal si Xerez. Matagal na panahon na rin noong huli silang nagkita nang personal.

Napakatagal na panahon na. At nagbalik na naman sa kanya ang lahat ng nangyari noon noong nakikita pa niya ito at nakakasama sa iisang lugar.

"Please," pakiusap ulit ni Xerez at itinuro ang inupuan niya para makaupo si Senegal.

"G-grazie,(salamat)" utal na sagot ni Senegal at hinubad ang suit niya bago umupo.

Nanatiling nakatayo si Helmer Jacobs katabi si Xerez. Bumulong siya habang nakatitig sa babaeng katabi na ngayon ni Senegal.

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon