33. Annihilation

822 63 11
                                    

Hindi gaya sa medical facility ni Keros, kahit na alaga sa linis ang laboratory ni Labyrinth, pansin na pansin ni Helmer ang lamlam sa loob ng malaking lugar na iyon. Para bang inabandona sa matagal na panahon.

Malaki ang lugar, sinlaki lang din ng kay Keros. Sinlaki ng apat na tennis court at may taas na tatlong palapag. Puro glass wall sa paligid na nagsisilbi ring estante ng mga chemical na nasa flasks at tubes. Nasa gitna naman ang mga chamber na handang pagbuwisan ng buhay ni Labyrinth noong nabubuhay pa ito. May dalawang cylindrical glass chamber doon na hindi naman gumagana at walang kahit anong laman. Hindi binuksan ang ilang ilaw, may kadiliman sa ibang bahagi, sapat lang na liwanag ang ibinigay sa kanila para makita ang daan sa laboratory.

Habang nagtatagal doon si Helmer, pakiramdam niya, sobrang bigat sa loob niyon kompara sa facility ni Keros na buhay na buhay habang ginagamit niya. Sa loob ng laboratory ni Labyrinth, pakiramdam niya, iyon na ang pinakamasamang lugar sa mundo na napasukan niya kahit blangko lang iyon sa mga sandaling iyon.

"Ang sabi ng mga Guardian, nasa storage sila," sabi ni Arjo na kasama niya. Nasa labas naiwan ang mga Guardian, ayon na rin sa utos ng Fuhrer.

"Nakapasok ka na ba rito noon?" tanong ni Helmer.

Umiling si Arjo. "Hindi. Ngayon pa lang."

"Nakita mo na ba sila rito?"

"Iniiwasan kong dumaan. Lalo lang akong malulungkot kapag nakita ko sila."

"Ako na ang magbubukas," alok ni Helmer at nagpatiuna na.

Sa dulo ng laboratory tumungo ang dalawa. Parang isang malaking vault ang pinto sa dulo. Digital password lang ang kailangan. Umaasa pa naman si Helmer na mahihirapan siya sa pag-iisip o pagkuha ng password niyon gaya ng lens scan o kaya fingerprint. At mukhang nabasa ni Arjo ang nasa isipan niya dahil pagbukas niya ng metal door, nagsabi ito ng:

"Burado ang fingerprint ko, nagbabago rin ang pigment sa iris ko kaya hindi puwede ang eye scanner."

Pagtapak nila sa loob ng storage na sinasabi ni Arjo . . .

"Say hi to my family," sabi ni Arjo na wala man lang kaemo-emosyon sa tinig.

Paikot ang lugar na iyon at may dalawang malaking glass box sa gitna.

Humakbang papalapit sa gitna si Helmer at nakitang ang laman ng isa sa malalaki at mahahabang box ay si RYJO. Alam niyang umabot na sa limitasyon ang katawan nito. Nanunuyo na ang maputlang balat nito, wala na ring kulay ang mga labi, naghalo ang itim at pilak sa buhok. Sinilip niya ang ibaba, nasa negative 196 degrees celsius ang temperatura sa loob ng glass box.

"Don't tell me, under cryopreservation si RYJO?" nagdududang tanong ni Helmer kay Arjo na inaabala ang sarili sa pagtambay sa may pintuan. Ni hindi man lang nag-abalang lumapit sa loob.

"Death is never an unexpected event," walang buhay na sinabi ni Arjo habang nagkukutkot ng kuko. "Death is a painful process. Hindi iyon basta nawalan ka na lang ng buhay. It will start painfully. Unti-unti, dahan-dahan. Babagal at hindi na titibok ang puso. Tapos hindi na magfa-function ang brain because of chemical changes. Magkakaroon ng oxygen deprivation sa utak. Magbabara ang mga nerve dahil magbabara ang dugo. Mamamatay ang mga braincells. Tapos wala nang kontrol ang katawan mo. Then you stop breathing. It doesn't stop all at once. And she broke that law of nature using her own, bare hands."

Hindi agad nakatugon si Helmer. Kunot-noo lang niyang tiningnan ang katabing glass box ni RYJO na hindi si Richard Zach ang laman kundi ibang tao.

"This is Richard Zach," pakilala ni Helmer sa mga chamber, tinuturo ang kaliwang dulo ng nakatayong cylindrical glass na pinagbababaran ni Josef.

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon