23. Marriage Proposal

784 58 9
                                    

"Desimougne, hindi na siya bata para hayaan mo pang gawin niyang playground ang buong mundo," paalala ni Grandel habang nakahalukipkip ito. Nakatitig lang sila kay Arjo na nananatiling tulog sa mga sandaling iyon.

Nakabalik na sila sa Citadel at kasalukuyang ipinapahinga si Arjo sa napakalaki nitong kuwarto.

"Ano na namang nangyari?"

Napalingon sa likuran sina Xerez at Grandel dahil sa dumating.

"Mr. Grymm," pagbati ni Xerez at nagbigay-galang. Tumayo na rin siya nang diretso pagkatapos.

Sinulyapan ni Erish Grymm si Arjo. Napabuga siya ng hininga at napahimas agad ng noo. "Gaano katagal na siyang ganyan?" Nilapitan niya agad si Arjo at umupo sa tabi ng kama para tingnan ang lagay nito.

"48 hours na siyang ganyan, milord," tugon ni Xerez.

Sinapo naman ni Erish ang noo ni Arjo. Napansin niyang imbis na mainit, sobrang lamig nito. Nandilat agad siya at pinulsuhan agad si Arjo kung talaga bang buhay pa ba ito.

"Oh," nasabi niya at parang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil may tibok pa naman. Buhay pa si Arjo. Malamig nga lang—hindi normal na lamig. Nilingon niya agad si Xerez. "Ganito ba talaga kalamig si Arjo? Hindi ba siya magkaka-hypothermia nito?"

Bahagyang yumuko si Xerez, senyales ng sagot na oo.

Nailahad ni Grandel ang mga palad para ituro si Arjo. "We're trying to find her a cure. Ang sabi niya, ayos lang ang pakiramdam niya sa Red Wagner."

"Red Wagner?" takang tanong ni Erish. "But that's prohibited enhancer."

"Ah! How prohibited?" hamon ni Erish sabay pamaywang at taas ng tingin kay Erish.

"What happened?"

Napalingon na naman sa pinto ng kuwarto ang tatlong lalaki dahil sa nagtanong.

"Milord." Yumukod na lang si Xerez at umayos rin ng tayo pagkatapos.

"Ah, great," sabi agad ni Erish sabay paikot ng mata. Umalis na rin siya sa tabi ni Arjo nang magdire-diretso sa kama nito ang bagong dating. "Havenstein."

Nakasimangot si Reese nang tumayo lang sa tabi ng kama at masamang tiningnan si Arjo na tulog pa rin. "She's just sleeping."

"No shit, Sherlock," sarcastic na sinabi ni Erish at nagpamaywang na rin. "48 hours na siyang tulog. Straight."

Nanatili ang kunot na noo ni Reese kay Erish bago ilipat ang tingin kay Xerez. "Did she drink the Red Wagner?"

"She did, milord," sagot ni Xerez.

"Ano'ng nangyari after that?"

Napailing na lang si Xerez dahil iyon nga ang kaso—walang nangyari.

"She's supposed to get active after the intake," paalala pa ni Reese. Itinuro niya agad si Arjo. "Ano 'to?"

"She's . . ." Napabuga ng hininga si Xerez at sumagot habang bahagyang nakayuko. ". . . dying, milord."

Kanya-kanya silang hugot ng hininga dahil sa narinig.

"Fuck." Napahilamos agad si Grandel at naituro si Xerez. "And you know this?"

Saglit na tumango si Xerez para sabihing oo.

"Kailan pa?"

"Mag-iisang taon na, milord."

"Oh damn, no." Napatalikod si Erish at tumanaw sa bintana ng kuwarto kung saan tanaw ang magandang hardin ng Citadel sa panghapong araw. Humarap din siya agad sa kanila at kunot ang noo nang pagtuunan ng atensiyon si Xerez. "Alam ba ni Arjo 'to? Alam ba niyang mamamatay na siya?"

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon