Brex POV :
Nag drive ako pabalik sa manila . May kotse ako sa resort , kasi don naman ako galing kanina ' at tumakas lang ako dahil nga sa sasamahan ko si Jenny sa sinasabe nyang party . Tapos Yun pala iisang party lang pala tinutukoy namin .
Flash back
" Anak darating sina Christine ..
Si dad , at ang tinutukoy nyang Christine ay ang gusto nilang mapangasawa ko . Psh ! Oo Anak nila ko ' pero di nila control buong pag katao ko. May sarili akong gusto at sa di gusto. Bakit nila pag pipilitan ang isang engagement proposal sa taong ayuko.
" Dad .. Hindi ko gusto si Christine.
" Anak ' bata palang kayo , kayo na napag kasundo ng pamilya para ipa kasal sa isat isa .
" Tsk ...
***
Dahil ako si brex ' umalis ako ng resort . Bahala sila sa buhay nila ..
Pero lintik nayan ' ang party din pala na kapupuntahan namin ni Jenny sa montes resort din pala .
Napa hampas ako sa manibela ng maalala ko yung eksinang ginawa ko kanina.. matapos sabihin ni dad na Alam nyang naroon lang ako ' walang ibang pumasok sa isip ko ang tumayo at sabihin sa harap nilang lahat na girlfriend ko si Jenny .
Pero I guess I'm dead . Kapatid sya ni Knight . Kailangan kong mag sorry sa ginawa ko ' dinamay ko si Jenny sa gulo. Alam kong selfish ginawa ko pero ' wala e. Sa subrang ayuko maikasal sa babaeng yun , nakagawa pa ako ng bagay na ikasasama pa ng loob ni Jenny sakin .
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko . Kailangan kong mag paliwanag kay Jenny at Knight.
****
Grey POV :
Tapos na ang party , pero dipa rin tapos ang usap usapan na ginwang eskandalo ni brex. Tsk ' that jerk man.
Hindi ko nakita ang mismong pangyayare dahil nasa loob ako ng resthouse . Pero rinig ko mula sa loob ang pag sabi ni brex na hindi nya magagawang pakasalan si Christine.
Yeah I know her . She's our childhood friend since mga bata pa lang kami ' isa si Christine Kong bakit ganon ugali ni brex . Parang Mongoloid .
Haist ' maka alis nanga dito . Mag babasa nalang ako ng comics .
Papunta nako ng parking lot ng makasalubong ko si stone .
" Grey nakita mo ba ginawa ni brex kanina ? Nasa c.r ako eh , nag tatago . Alam muna man , pinag tatagoan ko si Aerium .. yung pusang malakas kumapit.
" Hindi nasa loob ako .. pero dinig ko sinabe nya . Tsk ' kahit kilan trouble maker .
" Oo nga eh , lumabas ako ng marinig ko sa c.r na may eskandalo ginawa si brex at jack .
" Jack ?...
Panong nasali si jack sa eskandalo ? Don't tell me tinulogan sya ni Knight sa gulong to . Haist kailangan kong malaman buong pangyayare dito.
" Oo sinuntok daw ni jack si brex .. Yun lang nalaman ko . Haist' baka binigyan lang ng pam'pagising ni Knight si brex .
Nag paalam nako kay stone para bumalik pa manila .
****
Stone POV :
Yung pinsan ko nayun talaga . Bakit ayaw nya kay Christine e , crush nya naman to nong bata pa lang kami .
Pabalik ako ng resthouse ng makasalubong ko si Christine . Galing sa pag iyak ' tsk . That stupid jerk.
" Tine .. sorry sa ginawang eskandalo ng pinsan ko , at Sayo.
" Ano kaba stone .. Hindi naman Ikaw may gawa bakit ka nag so-sorry .
Pinunasan nya ang kanyang mga mata gamit ang isang tissue . Hinawakan ko sya sa braso . At dahan dahan inilapit sakin para yakapin to . Mabait si Christine , mag kasing ugali sila ni Sandra . Kaya madaling nakasundo namin buong grupo . Lalo na si brex .. pero sa ginawa nya ' baka makalimutan kong pinsan ko sya.
" I'll talk to him .. kakausapin ko sya para mataohan sya sa ginawa nya .
Inya ko muna mag lakad lakad sa tabing dagat si Christine . Total ' ayuko rin naman sa loob baka makita ko na naman yung pusang babae nayun .
" Di na siguro stone .. salamat sa concern , bukas tutuloy nako sa U.S para don mag Aral .
" Agad agad? Diba pwedeng mag usap muna kayo ?
" Mahal ko sya .. at kong may Mahal syang iba .
Napayuko sya , at Alam kong naiiyak na naman sya . She really love brex . Pero ang gago ' manhid .
" At Kong don sya masaya , mag paparaya nalang ako .
Niyakap ko sya ulit , Christine is more like a sister to me . Kaya ayuko ko syang sinasaktan ng ganito . Pero magagawa ko Kong talagang ayaw ng taong Mahal nya sa Kanya .
" Everything will be fine..
****
Aerium POV:
Tanaw ko sa malayo ang yakapang stone at Christine . Psh ' Kong ako din naman ma rejected ng taong Mahal ko , baka higit pa sa pag iyak ang gagawin ko .
Buti nalang kahit ipag taboyan ako ng taong Mahal ko , at least lagi ko na sya nakakasama . Yeah ' si stone ang tinutukoy ko . Mahal ko sya Grade school palang kami .
Flash back
Habang binubully ako ng mga kaklase ko , pinag babato nila ko ng mga papel na nilamukot . Umiiyak nako kasi Alam kong wala akong Laban sa kanila .
Pero dumating si stone para ipagtanggol ako . He saved me from those bully .
" Tayo kana.. Wala na sila .
" Sa-salamat ..
" From now on... Ako na hero mo. Hahaha !
" 😓 O-okey ..
Simula non naging mag kaibigan kami ni stone , pero nong nalaman ko tungkol sa bestfriend nyang si Sandra. Nag bago tingin ko sa kanya , mas Lalo ko syang minahal .. higit pa sa isang kaibigan .
Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko sya iiwanan . Pero isang araw , biglang nag bago si stone ang dating hero ko ' naging chickboy na . Di ko sya masisi' gwapo naman kasi . Eh nong time nayon ang ayos ko pag ka nerdy look . Kaya Hindi nya talaga ko mapapansin the way nya hangaan ang ibang babae . Kaya umalis ako ng walang paalam sa kanya papuntang America. Pero sa pag Balik ko Lumala ata' haist .
***
Umalis ako sa kinatatayoan ko at nag lakad pabalik sa resthouse . Hindi ako susuko sayo stone ' etaga mo Yan sa bato.
***
To be continued
