12

7.6K 63 1
                                    

Anne's pov

"Senyora." Bati ko kay lola at nagmano as usual inirapan na naman nya ako.

"H-i lola." May halong takot sa boses ni Zychna.
Akmang magmamano ang anak ko nang lumakad patalikod si Lola at iniwan kami. Napayakap na lamang sa tuhod ko si Zychna dahil sa takot.

Di ko alam kung kelan huhupa ang galit sa amin ni Lola.

"Akyat na tayo sa taas." Sabi ko kay zychna tumango na lamang sya at sabay na kami na umakyat sa taas.

"Mama gusto ko umihi." Napangiti ako kay zychna. Matanda man sya magsalita takot pa rin sya umihi magisa.

"Mama dyan ka lang sa labas ah." Sabi nya.
Tumango naman ako.

"Zychna yung bag mo iwan mo dito baka mabasa."

"Yaw ko." Sabi nya at sinara ang pinto nang cr.
Napakunot ang noo ko dahil ayaw na ayaw nyang sinasara ang pintuan nang cr.

Pagkalabas ni zychna ay nagpaalam sya maglaro. Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata.

I feel drained.

Di ko alam na katulog na pala ako. Nagising ako sa sigaw ni manang.

"Manang inaantok pa ako." Kuskos ko sa mata ko.

"Ang anak mo!." Pasigaw na sabi ni manang. napadilat ang mata ko.

"Anong meron sa anak ko." Sabay tayo ko.

"Si senyora." at dun ako napatakbo sa baba.

"Demonya ka'ng bata ka! Salot ka. " at kitang kita nang dalawa kong mata ang pagpala nang bakal sa likod nang anak ko. Agad ako lumapit at pinigilan si lola.

"Senyora!" sigaw ko kay lola. "Wala kang awa. Pati bata pinapatulan mo!" Mariin na sambit ko.

"Ikaw ang walang awa! Pinalaki kitang maayos tapos magpapabuntis ka lang nang maaga!" Sagot nya sa akin.

"Mama! " iyak ni zychna sa akin.

"Senyora may tao po sa labas." Sumbong nang
Gwardya nya.

"Sino?" Takang tanong ni Senyora. "Papasukin mo."

I was shook when i saw it was Von

"V-von." Mahina at kabado kong sabi.

"Dada!" Paiyak na sigaw ni Zychna.

"Bastardo!" sigaw ni lola at tinutukan nang baril nang dalawang gwardya si von.

Kinabahan ako.

"senyora tama na." Lumapit ako sa harap ni senyora.

Nalasap ko ang palad nya. Nanghina ang aking tuhod at bumagsak ako.

"Isa kang salot sa pamilya na to!." Sigaw nya sa akin. Bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Tumayo ako at pinahid ang mga luha sa mata ko.

"Hindi ako ang tunay na salot dito." Mariin kong sambit. Akmang sasampalin nya ulit ako nang marahan kong tinabig ang kamay nya.

"Kung di ka sana nagbuntis nang maaga edi sana maayos pa tayo." Sisi nya sa akin

napangiwi ako sa sinabi nya. "Nabuntis ka rin naman noon ah?" angal ko.

"P-pero..."

"Ano? Di ka makasagot? Ang kasalanan mo nasalin sa akin? Ha! " gigil kong sabi. "wag mong ang anak ko ang kasalanang nasalin mo sa akin." Nagtagis ang ngipin ko sa galit.

"Mama!" Sigaw ni zychna

"Aalis na kami." At tumalikod ako sa kanya.

Von MontegraciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon