17

6.7K 50 1
                                        

Anne's pov

Sasakay na sana ako sa kotse nang may nagtakip nang panyo sa aking mga bibig.

And then suddenly everything went black

**

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nakatali nang kadena sa kama. Pilit ko mang tanggalin pero madiin ang pagkakatali neto

Wala akong maalala kundi ang announcement ni Maurie at Von.

Nasasaktan ako pero sa lagay ko ngayon wala akong oras para umarte at kailangan kong makatakas.

Bumukas ang pintuan at iniluwa neto ang isang pamilyar na mukha.

Chad.

"Miss me?" Tanong nya sa akin

"Anong kailangan mo?" Sagot ko

"Ikaw ang kailangan ko."

"Pakawalan mo ako hayup ka!" Tumawa lamang sya sa sinabi ko.
Naginit ang dugo.

"Pag ako nakawala dito papatayin kita!" Sigaw ko sa sobrang galit.

Lumapit sya sa akin palapit nang palapit.

Akmang hahalikan nya ako nang sinipa ko ang ibabang parte nang katawan nya.

"Hayup ka!" Sigaw nya.
Napangisi ako. Tumalikod sya at umalis

"Pakawalan mo ako dito! Hayup ka! Pagbabayaran moto! " sigaw ko tanging tawa nya lamanh ang narinig.

Nakaramdam ako nang gutom.
Nanghihina.
Gustuhin ko man makawala pero wala akong magagawa

May dalawang armadong lalaking binuksan ang pinto at tinanggalan ako nang kadena.

"Pag ako nakawala dito papatayin ko kayo." Tanging tawa lamang nila ang sagot  sa akin.

Naglagay sila nang pagkain sa lamesa na katabi nang kama at pinaupo ako sa upuan kinadena nila ako sa upuan.

"kain." Sabi nang isang lalaki

"Tanga ka ba? Paano ako kakain kung naka kadena ang kamay ko!" Sigaw ko

"Tumahimik ka nga!" Sigaw nang isa pang lalaki at tinutukan ako nang baril sa ulo.

Napaurong ang dila ko.

Tinanggal nang isang lalaki ang kadena sa upuan na nasa kamay ko at inilipat paharap ang kamay ko at kinadena. Lumakad sila paalis at nilock ang pinto.

Tumingin ako sa kama at nakita ang isang baril sa ilalim neto.

Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ito at tinignan kung may bala.

Napangisi ako.

Mukhang may nagmamalasakit sa akin dito.

May kumatok sa pintuan
Dali dali kong binalik ang baril sa ilalim nang kama.

Isang matandang babae.

"Sino kayo?" Tanong ko

"Ate inday na lang." Sabi nya at lumapit sa akin at inabot ang tubig.

"sa inyo ba galing ang baril?" tanong ko. Tumango sya. "Bakit?" sunod kong sambit

"Ganto na ang gawain ko. nagtatrabaho ako sa mga makakapangyarihang tao at itinantakas ang bihag nila." At nagkibit balikat sya

Napatango ako.

Ibig nyang sabihin marami na syang napatakas.

"Iha tumakas ka na. Mukhang tuso itong si sir chad at agresibo at sigurado akong papatayin ka nya" sabi nya nang walang alinglangan.

"Paano mo nasabi?" Sagot ko

"Dahil ilang minuto na lang pupunta na sya dito. 5 minutes." Sabi nya at lumakad sya paalis

Nagbilang ako

4 minutes

Naghanda ako at kinuha ang baril ibinigay ni inday ang susi nang kadena.

3minutes

Tinanggal ko ang kadena at inayos ang baril

2 minutes kinasa ko ang baril at umayos nang pwesto

1 minute binantayan ko ang pintuan

40 seconds naririnig ko ang lakad nya

20 seconds binubuksan nya ang pintuan

10 9 8 7 6 5

Nabuksan nya ang pintuan

4 3 2 1

At itinutok ang baril sa ulo nya at ipinutok.

****

Von MontegraciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon