Hinablot ni Anne ang damit ni Maurie.
"Anong alam mo?" Diin ni Anne kay maurie.
"I-i dont know what are you talking about." Depensa ni maurie.
Anne just rolled her eyes. At mas lalo pang diinan ang pagkakahawak sa damit ni maurie.
"Mag sabi ka nang totoo." Mariin na sambit ni Anne.
"Shit! I said i dont know. Your so makulit." Binitawan sya ni Anne.
"Were not yet done." Gigil na sambit ni Anne at iniwan sya sa sala.
Pumasok sya sa kwarto ni Von at pinapanood ang mahimbing na pagkakatulog ni Zychna at Zhafiro. Napangiti sya at inisip kung buhay pa sana ang kakambal ni Zychna sana ganto rin sila.
"Anong ginagawa mo dito." Biglang sambit ni Von na ikinagulat nya. Lumingon sya at tinignan si Von.
Magulo at basa ang buhok walang kasuklay suklay at naka boxers lang. Nanlaki ang mata ni Anne nang makitang namumukol itong ibaba nya napatitig sya.
"Enjoying the view?" Sabi ni Von. Bumalik sya sa katinuan at umiwas ang tingin.
"Tinitignan ko lang ang mga bata." Sagot ni Anne
"Sino ang tatay ni Zychna?" May halong galit sa boses ni Von ramdam ni Anne ang tensyon napalunok na lamang sya.
Tumayo si Anne at akmang lalakad palabas nang itulak sya sa pader ni Von.
"Sino." Diin ni Von lalong kinabahan si Anne.
"S-si." utal na sambit ni Anne
"Sino." paguulit ni Von
"Ampon sya." biglaang sagot ni Anne. Nanlaki ang mata ni Von.
"A-ampon s-siya?"
"Oo." Walang emosyon kong sambit.
"W-wala kang anak?" Takang tanong nya. Napangiwi si Anne sa sinabi ni Von.
"I consider her as my Daughter." Sagot ni Anne at iniwan si Von
May luhang pumatak sa mga mata ni anne.
Sorry Zychna. Kailangan ko lang to' ng gawin.
Sa sofa natulog si Anne pero nagulat sya nang idilat nya ang mata nya ay katabi nya si Von at nasa gilid nya si Zychna habang nasa paanan nya si Zhaf.
"Von. Gumising ka." Pilit ginigising ni Anne si Von dahil halos daganan sya neto.
"Hmmmm. Mamaya na." Ungol ni Von
"V-von mabigat ka." Sagot ni Anne
"5 minutes." Sabi ni Von
Sa sariling sikap ay tumayo si Anne kahit bigat na bigat na sya kay Von at lumabas nang kwarto. Naalala nyang umalis na sila Maurie at ang demonyita netong anak.
Nakahinga sya nang maluwag dahil nakaalis na ang imbyernang babaeng yon.
"Mama." Biglang yakap ni Zhaf sa tuhod ni Anne.
"Bakit?" Malambing na sagot ni Anne
"Mahal mo ba si papa?" Tanong nya. Napalunok si Anne
Mahal nya nga ba ito?
"Umm."
"Mama?" Tawag ulit ni Zhaf. Di nya alam ang isasagot nya.
"Oo mahal ko ang papa mo." bigla nyang sagot ayaw nyang biguin ang bata.
"Yehey! Mahal nya si papa! " at nagtatalon sa tuwa si Zhaf habang tumatakbo pabalik sa kwarto.
Parang nagsisisi si Anne sa sinabi nya pero ayaw nyang biguin ang bata sa saglit na panahon ay nakilala nya ang bata at halatang manang mana sa papa nya.
"Tama ba ang narinig ko?" Biglang sulpot ni Von sa kusina na ikinatigas nang buong katawan ni Anne. Parang Bumagsak ang systema nya at nanigas sa kinatatayuan sa gulat.
"H-ha?" Pa inosenteng tanong ni Anne.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong ni Von napaatras si Anne nang unti unting lumalapit sa kanya si Von. Nauntog sa sya pader.
"A-ah kasi." Sasagot sana si Anne nang ilagay ni Von ang isa nyang daliri sa labi ni Anne senyas na wag magsalita.
"Dont speak. Im going to kiss you." Von said huskily na mas lalong ikinabagsak nang sistema nya at siniil nang matamis na halik.
******
