Anne's pov
Akala ko si chad ang nabaril ko pero isa lamang sa mga tauhan nya.
Nakita ko si chad na kinasa ang kanyang baril at ituntok sa akin walang alinlangan nya akong binaril umilag at nagtago ako sa likod nang mabilis.
Nagpalitan kami nang putukan.
This is bullshit.
Sunod sunod ang palitan nang putukan namin hanggang sa makalabas sa kwarto at makalapit sa pintuan.
Hahawakan ko sana ang door knob nang putukan ito ni chad.
Nabitawan ko ang baril ko. Ibinaba nya ang baril nya at lumapit sa akin
"Di ka na makakatakas." Sambit nya habang hawak hawak ang aking leeg
Tinadyakan ko sya at kinuha ang baril sa sahig.
Nahawakan nya ang baril. Pilit ko itong inaagaw sa kanya
Itinutok nya ito sa akin pero itinutok ko ito pabalik sa kanya.
*bang*
Naramdaman ko ang dugo.
"Tumakas ka na!" Sigaw ni ate inday sa likod ni chad.
Agad akong tumakbo palabas.
Sumakay ako sa isang sasakyan.
Paalis sa abandonadong bahay.
Hawak hawak ang manibela na may dugong nanggagaling sa kamay ko.
Hindi ko sinasadya.
Napaluha ako.
Nabaril ko sya.
Umiling ako hindi ako mamamatay tao.
Habang tinatahak ang daan. Hindi ko alam kung paano ko lilinisin ang duming nagawa ko.
Hindi. Hindi ako mamamatay tao.
Tuloy tuloy ang luha ko.
tinawagan ko si Yazyrelle.
"Y-yaz" garagal ang boses ko habang sinasambit ang pangalan nya.
"Anne? Bakit."
"A-asan si Z-zychna?"
"Bakit ba ganyang ang boses mo?" Takang tanong ni Yaz
"Asan sya."
"Kinuha muna ni Von. Teka? Bakit ngayon ka lang---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at dumertso sa bahay ni Von
"Von! Von!" Sigaw ko
Binuksan nya ang pinto at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin
"A-anne an--" di ko sya pinatapos at pumasok sa bahay nya.
"Zychna! " sigaw ko
"Tulog na sya." Sabi ni Von
"Uuwi na kami." Madiin kong sabi
Hinuli nya ang aking pulso"Ano bang nangyayari ha? Bakit may dugo." mas madiin nyang sabi
"Wala."
"ANNE."
"Okay. Fine I was locked up in a Room almost killed pero dont worry buhay pa naman ako." Sabi ko
"Bakit may dugo? And who did this to you."
"I-i..... K-killed... him" tumulo na ang mga luha sa mga mata ko. Ramdam ko ang panlalaki nang mata ni Von "Von ayokong makulong." Sabi ko sa kanya
Lumuhod sya at pumantay sa akin.
"Hindi ka makukulong." At niyakap nya ako