*****"I dont need you anymore Anne." Matigas na sambit ni Von
Napatulala na lang ako sabay nang paglandas nang luha ko.
"Get out." Walang emosyon nyang sinabi
Para akong binuhusan nang malamig na tubig."Bakit?,"napahagulgol na lamang ako. "Ganto ganto na lang ba Von? Lahat nang nagyari ganto na lang ba? " tanong ko sa kanya tuloy pa rin ang pagluha ko.
"Pampalipas oras lang kita." Nasampal ko sya. Di ko na kaya ansakit sakit na. Wala pa rin syang emosyon
Tumalikod ako at lumakad paalis.
Kakayanin ko to.
After 9 months
"Aray!?! Di ko na kaya puputok na." Sigaw ko
"Misis. Umire ka po wag kang sisigaw." Sabi nung doktora.
"Ahhhh... Putangina mo Von kasalanan mo to. Ahhhh." Sigaw ko.
"Malapit na ho." Sabi ni doktora. Napakapit na lang ako sa gilid. Sabay nang paglandas nang luha ko.
"Ahhhhhh." Huli kong ire. At narinig ang isang iyak nang sanggol napangiti na lamang ako.
Kakayanin ko kahit wala ka Von.
********