One: The Reason Why?

11 0 0
                                        

•∆•Kara Rossane Ramos•∆•

Nandito ako sa may hagdan habang umiiyak. Kahit bata pa ako ay pakiramdam ko ay naiintindihan ko na ang nangyayari. Nakasilip ako dito kila Mama at Papa.

"Honey, hindi na ba magbabago ang isip mo?". Halos nagsusumamo na si Papa kay Mama.

Isa lang ang alam ko aalis si Mama at iiwan niya na kaming dalawa ni Papa.

" Hindi mo na ako mapipigil, Hon. Hindi na mababago ang desisyon ko". Sa tinig ni Mama ay alam kung anytime ay maiiyak na siya. Namumula na ang ilong niya dahil sa pagsinghot. "Ayoko ko na din ng ganitong buhay. Sawang-sawa na ako".

Dahil ba sa mahirap kami kaya ganyan na lang si Mama na halos hilahin niya na ng buong pwersa ang dala niyang maleta palabas ng bahay.

"Nakikiusap ako sa iyo, kahit para na lang sa anak natin".

" Mama, huwag kanang umalis. Mama, mama". Pinagbawalan akong lumabas ng kwarto ko ni Papa, pero hindi ko kayang mawala si Mama.

"Baby para sayo din 'to. Ayaw mo bang magkaroon ng payapang pamumuhay. Malay natin nandoon na sa France ang swerte ko". Kinapa ni Mama ang pisngi ko at pinunasan ang mga butil na luha na patuloy pa rin sa pagtulo.

" Dahil kung aasa tayo sa Papa mo ay walang mangyayari ".

" Nagpapaunawa naman ako sa iyo hindi ba? Konting tiis pa. Nagsisikap naman ako".

"Mama, Mama. Huwag mo kaming iwan. Huhuhuhh".

"Baby Anak, intindihin mo naman si Mama. Para sa kapakanan mo naman ito. Makikita mo balang araw ay magpapasalamat ka din sa akin kung bakit ko to gagawin. Love ka ni Mama, kaya kailangan kong gawin to".

Niyakap ko siya, " Pwede naman pong dito sa atin na magtrabaho. Bakit kailangan mo pang pumuntang ibang bansa?".

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus hinalikan niya lang ako sa pisngi at mas lalong hinigpitan ang yakap niya.

Tinapunan niya ng tingin si Papa sabay sabi, "Pabayaan mo na ako Hon, paalis na ako. Intindihin mo naman ako. Ngayon mo pa ba ako pipigilan kung kailan paalis na ako?".

Sa katunayan ay nakaka-awa nang tignan si Papa.

" Honey. Please, matitiis mo bang ganito kami ng anak mo?". Humarang si Papa sa daraanan ni Mama. Nakisabay na din ako. Halos lumuhod na si Papa sa harap ni Mama.

Nakayakap na ang mga kamay nito sa paa ni Mama. Nagbabakasakaling magbabago ang isip niya. Pero sa tingin ko ay hindi na, desidido na siya sa pinili niyang desisyon. Di kalaunan ay napabitaw na si Papa at umiyak na lang ng umiyak.

Nakakaiyak lang dahil parang sumuko na din si Mama. Kinasusuklaman at higit sa lahat ay suka na siya sa ganitong klase ng pamumuhay.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kaya natuon na ulit ang pansin niya sa akin. "Baby anak, babalik din si Mama. Napag-usapan na natin 'to Diba? Ayokong magkahiwalay tayo pero kailangan".

Wala na akong maiiyak na luha. Oo, nagkausap kami kagabi. Pero hindi ako sang-ayon sa desisyon niya. Hindi niya ba ito maramdaman. Kaya nga hanggang ngayon ay mugto pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

" Bakit Ma? Tinanong mo ba ako, kung payag ako? Hindi diba, ano pang saysay ng pag-uusap natin kagabi. Sabihin mo Mama, nagpapa-alam ka ba nun? Hindi ko to matatanggap na iiwan mo na lang kami ni Papa".

Ang sakit lang na sa tingin ko ay hindi kami Mahal ni Mama, at kailanman ay hindi niya kami nagawang mahalin. Kahit magluha pa kami dito ng dugo ay hindi na mababago ang desisyon niya na umalis.

"Pera lang ba talaga ang habol niyo kay Papa? Ha Ma".

" Anak, huwag mo naman akong pag-isipan ng ganyan".

"So, tama ako. Sabihin mo Mama, tama ako hindi ba?".

*PAAAAAAAKK*

Sinapak niya ako. Hindi ko akalain na makakaya niya akong pagbuhatan ng kamay. Pati si Papa ay nagulat sa nakita.

" Ganyan ba ang tingin mo kay Mama, isang gold digger. Hindi kita pinalaking ganyan na walang respeto sa magulang. Para saan pa't pinaaral kita".

Kusang tumulo ang luha ko. Oo, nawawalan na ako ng respeto pero ayoko lang naman siyang umalis.

Linapit niya ang kamay niya sa pisngi ko at kinapa ito. Pinahid niya ang luha dito at saka kinintalan ng halik sa magkabilang pisngi.

"Baby, anak sorry. Napagbuhatan ka ng kamay ni Mama. Hon, alagaan mo ang anak natin ha! At huwag na huwag mong pababayaan".

Lumapit si Papa sa amin at niyakap kaming dalawa ni Mama.

" Huwag kayong mag-alala susulat ako ng madalas at magpapadala ng pera kapag nagkatrabaho na ako dun".

Mukhang wala na nga kaming magagawa. Mabait si Papa kaya alam kung pagbibigyan niya talaga si Mama.

Kumalas na ng yakap si Mama at muling binitbit ang dalang maleta. Hinalikan niya ako ulit sa pisngi pati na rin si Papa. Pumunta na siya patungo sa isang taksi na nakahintay sa labas ng bahay.

Ganito na lang ba Mama? Iiwan mong ka-awa awa si Papa. Nakatulala na lang si Papa kay Mama na sinasarado na ang pinto ng taksi.

Hindi mo ba naisip na mangungulila kami sa iyo. Pagsisisihan mo to Mama. Kung si Papa nadala mo sa sweet talk mo pwes ibahin mo ako.

FOREVER MY TREASUREWhere stories live. Discover now