Five: She Got Tricked

7 0 0
                                    


Lumabas akong store na hindi namamalayan na naghihintay na pala yung sundo ko.

Pinaghintay ko si Ken. Lutang kasi ang isip ko kay Sir Migz Liguel Aguelo.

"Hello Kara". Hindi halata na naghintay siyang matagal. Nakangiti kasi si Ken nang isinungaw niya ang ulo sa bintana ng taxi.

Sumakay na ako sa likod ng driver seat.

" Ken. Ginulat mo ako". Singhal ko sa kanya.

Natutop ko ang dibdib ko. Madali akong magulat kaya hindi na ako magtataka na sa simpleng hello lang ni Ken ay nagulat na ako.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo habang palabas ka ng store kaya di mo ako napansin". Depensa niya sa sarili.

Oi! Inaano ko siya. At hmmp...pake mo! Eh, sa hindi na ako makapaghintay sa dinner ko mamaya with Migz Liguel Aguelo.

" Napansin kong ngingiti-ngiti ka paglabas mo sa store". Puna niya. "Na-promote ka noh? Tama ako di ba?".

Napataas ako ng labi. " No. Higit pa roon. Magkikita kami ng dream man ko tonight". Ngiti kong pahayag.

"Ibig sabihin hindi mo pa siya nami-meet?. Ilang araw mo na akong nakilala ah".

" Hindi nakakatuwa yang pagpapacute mo". Napaismid ako. Huwag mo sakin ihaharap ang cute look na yan. Baka wala sa oras na nahalikan ko bigla yan.

"Sino ba 'yang dream man na i-me-meet mo mamaya?".

"A special someone. He's my ideal guy. The one who I am looking for na dumating sa buhay ko".

Napasulyap ako sandaling kay Ken. Di ko sure, pero nakita kong nabura ang itinatago niyang ngiti kaninang naghello siya sa akin. Tumiim bigla ang anyo niya. Hindi ko yun pinansin.

Iniwasan kong tingnan si Ken na panay ang sulyap sa rearview mirror. Kanina ko pa hindi maignora ang amoy niya. His masculine fragnance, ah! It's not the scent of after-shave cologne and I'm sure of it. Amoy 'to ng mamahaling pabango. Siya na ata ang pinaka-well-groomed na taxi driver na nakilala ko.

Sa tingin ko lang kasi ay parang laging bago ang suot niyang uniporme. Lalaking lalaki ang hitsura niya, ang kinis-kinis pati. Parang laging bagong-ligo. Ano kaya ang feeling na makulong sa bisig niya?.

Umiling-iling ako. Stop! Kara. Stop imagining things. It's only your imagination. Remember that. Mahirap na ma-afford niya ang ganyang kamahal na pabango. Imahinasyon mo lang yan. Oo, imagination ko lang ang mga naiisip ko, pati rin ba ang naamoy ko? Oo, pati ang pabango niya.

"He must be....ah, paano naman naging special ang lalaking 'to". Tanong niya na halatang iniiwas niyang tumingin sa akin.

Ayan okay na yan. Sabi ko nga baka hanap-hanapin kong mukha niyang iyan.

Pero napangiti ako sa tanong niya.

∆Kara's Driver∆ ∆Taxi∆ ∆?∆

" He must be...,". Hindi ko na tinuloy ang susunod sa sasabihin ko. Surely, this guy she will have a dinner with is filthy rich. He must be rich.  "Paano naman naging special ang lalaking 'to?".

Pinilit kong iiwas ang tingin sa kanya. Kahit na alam ko na ang sagot ay hindi ko pa rin mapigilang iconfirmed sa kanya. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis.

Nakita kong ngumiti si Kara. Ngiting nangangarap.

" He's very special. I hope maimpress siya sa akin. And eventually ay manligaw siya agad ".

"Ligaw agad? Di mo pa nga siya nakikilala". Di ko mapigilang magsalubong ang kilay.

Nakita kong kumunot din ang noo niya.

"Why do you care? Well, Mister. Just let me remind you, ano bang trabaho mo? Diba tagahatid at sundo ko. Hindi part ng work mo ang usisain ang mga nangyayari sa buhay ko". Taas kilay niyang sabi at may pagtataray sa tono ng pananalita niya.

FOREVER MY TREASUREWhere stories live. Discover now