Three: The Billionaire Finally Got Notice Of Her

4 0 0
                                        


•∆•Kara Rossane Ramos•∆•

Kinabukasan. Maaga akong gumising para mag-swimming. Isa din ito sa mga pangarap ko na makaligo sa isang private beach. Excited ako lalo pa't ang beach dito ay exclusive sa mga villa-owners at sa mga bisitang gaya ko. In short, sosyal.

Nakasuot ako ng two-piece swimsuit na bulaklakin ang design. Pinaghandaan ko talaga ang araw nato.

" Lalala..lalala..". Masigla akong naglalakad dito sa puting buhangin. Nagmumukha na nga akong isang bata sa mga ikinikilos ko ngayon. Akalain mo naman kasi, siyempre dapat memorable ang first time.

"Huwag ka na ulit magpapapagod ha! Kane. Nangangamba pa rin ako na baka umatake na naman ang sakit mo". Naalala ko ang payo sa akin ni Riza bago ako magpunta dito.

Hindi naman ako tutol sa pagpapa-istay niya sakin dito. Pero nahihiya na ako sa kanya. Alam kong kapatid ang turingan namin, pero hindi niya naman kailangan na alagaan ako ng sobra. Andami niya nang nagawa sa akin. Kung tutuusin ay sobra pa ito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mamaya ko na lang yun iisipin.

" Waah! Sarap ng hangin. Sariwa pa". Pinaglalaruan ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko.

Napayakap ako sa sarili ko sa pakiramdam na may nagmamasid sa akin.

•∆•?•∆•

'She's gorgeous. Her beauty is different. I wonder who she is'.

Nakatingin ako sa isang babae. I don't know if aware siya na nakatitig ako sa kanya. Para siyang modelo sa suot niyang two-piece floral swimsuit. Naglalakad siya at mangha ako dahil napakaganda niyang  pagmasdan habang humahakbang. Maging ang pag-imbay ng kanyang balakang ay kaakit-akit sa paningin ko. Meron din siyang malambing a tinig.

She has a soft voice while humming.

"Jonas!". Dali-daling lumapit sa akin si Jonathan nang tawagin ko siya sa kanyang palayaw.

" Why Sir? Do you need drinks, Orange or Mango Juice?".

"Hindi may gusto akong ipagawa sa iyo". Sagot ko.

" Ano ba ho iyon Sir?". Nalilitong tanong niya sa akin. Nagtataka siguro kung ano ang ipapagawa ko sa kanya .

Itinuro ko ang babae na di kalayuan dito sa puwesto ko. "Do you see that woman!?".

" Yes, Sir".

"Then--".

" Wow, she's bewitchingly beautiful! Sexy and have a perfect body figure".

"Kilala mo ba siya?". Tanong ko.

" Nope. This is the first time na nakita ko dito ang girl na yan".

Napaisip ako, "So, that means hindi siya tagarito?".

"Siguro. Pero palagay ko hindi Sir. Maybe she's a visitor".

" The truth is I like her, Jonas". Pag-aamin ko kay Jonathan ." And I want to know her".

"Ano bang gusto niyong gawin ko, Sir? Pupunta ako dun sa sexy girl and I tell her na gusto mo siyang makilala, ganon ba Sir?".

" No. Hindi. That's not what I want to happen, Jonas. Mag-isip ka ng paraan para makilala siya. Alamin mo ang bawat detalye tungkol sa kanya kung saan siya nakatira at sino siya. Then saka mo Sabihin sa akin".

"I thought na gusto niyo siyang makilala Sir. Kung ganon bakit ako pa ang gagawa?. Pwede niyo naman siyang lapitan?".

Sinamaan ko siya ng tingin. " I want to know her but not the way that she knows me".

FOREVER MY TREASUREWhere stories live. Discover now