∆Kara Rossane Ramos∆
"Dito po kayo umupo". Abala sa pag-e-entertain ng mga bisita ang kaibigan kong si Riza.
Saya na may kasamang inggit ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Binyag ngayon ng anak nila ni Eric. Erichsson Harris Adejante, isang mayamang negosyante. Gwapo na mayaman pa. Isa sa mga pinangarap kong klase ng lalaki.
Ano pang mahihiling ni Riza?. Langit na ang buhay niya. Hindi biro ang pamumuhay sa isang mansyon. Laging nandyan ang mga maids at butlers para pagsilbihan ka. Bukod pa diyan ay pinaliligiran ka ng mga mamahaling gamit.
At ang bruha ako pa ang ginawang ninang ng bata.
Lumapit sa table ko si Eric na katabi si Riza karga ang bata.
" Akin na nga muna tong inaanak ko. Para naman maasikaso niyong mabuti ang mga bisita".Prisinta ko kay Riza
"Bakit hindi ba kami maayos sa mga bisita?".
" Anong--". Nagulat ako. Ano bang pinagsasabi nitong si Riza. Sa harap pa ng asawa niya. Pinahihiya niya ba ako?.
"Biro lang. Kumagat ka naman". Kahit kailan hindi ko talaga ma-identify ang ugali nitong si Riza. May pagka bipolar kasi siya.
" Oo na".
"Pero salamat Kane ha. Maasahan ka talaga". Inabot niya sa akin ang bata. " Ikaw muna ang mag babysit sa kanya".
Ikinawit niya na ang isang kamay sa braso ni Eric.
"Para naman marunong kanang magkarga ng bata. Dahil sa susunod ay ikaw na ang magiging ina".
Hay, bagay nga silang dalawa nagkakaintindihan sila sa kanilang mga biro.
" Sa tingin ko matagal pa bago mangyari yan". Natawa na lang ako.
"Hoy. Huwag lang pakasisiguro Kane. Naalala mo nung nagpahula tayo sa isang fortune-teller".
"Hindi ako naniniwala sa mga hula na yan".
"Nabunot niya kaya yung card na sumisimbolo sa pag-ibig at hindi lang yun may pera din. Symbolism ng kayamanan."
" Ano naman kung ganon?".
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit namula yung maghuhula pagkakita dun sa card. That only means, malapit mo nang makita ang destiny mo. At anytime yayaman kana".
" That time kilig na kilig ka nga to the point na hinila mo na ako palabas kahit hindi pa tapos magsalita yung manghuhula". Atsaka di yun namula, namutla yun.
Sa pagkaalala ko noon na sinabi nung manghuhula ay 'Sa kabila ng kagandahang swerte na iyong makukuha ay may kapalit na trahedya. Isang tao na binigyan mo ng buong pagmamahal ay mawawalay sa piling mo. Di din natin alam kung kailan dadating ang kamalasan o panganib. Kaya sana ay iwasan mo--'. At yun na nga dun na sa part na yun naputol. May isa pa pala bago yang nauna. 'Hindi lang isang puso ang mabibingwit mo, Kara'. Hindi ko nga maintindihan. Natural, alangan naman na dalawa o tatlo, eh sa isa lang ang puso natin. Ano yun alien?.
"Hindi ha. But I'll bet that you will meet the man of your dreams soon". Napangiti na lang ako sa sinabi ni Eric. Nakagagaan talaga kung siya ang kausap mo lalo pa na siya ang kasa-kasama mo. Wala ka nang hihilingin pa. Siya na ang one of the perfect guy na pinapangarap ng mga kababaihan lalo na ng gaya ko.
Nakaiingit lang talaga.
" Sana nga....". Ngiti ko ng mapakla.
Pero agad ko din yun pinalitan ng masayang ngiti. "O, ano na? Riza at Eric, mas dumoble pa ang bisita niyo. Hala sige, asikasuhin niyo na sila".
" Pinapaalis mo na ba kami?, Kane".
Piningot ko ang kanang pisngi niya. Ano ba naman tong si Riza, saan ba ako nakatagpo nang ganitong klaseng kaibigan.
YOU ARE READING
FOREVER MY TREASURE
Romance+ Dahil sa pag-alis ng Mama niya at pag-iwan nito sa kanilang dalawa ng Papa niya ay kinamumuhian niya ito. Binali ng Mama niya ang pangakong babalikan sila nito at nagpakasal sa ibang lalake. Dun nagbago ang ambisyon sa buhay ni Kara Rossane Ramos...
