Dismayado kong binalik sa sling bag ang cellphone ko. I hope na makasali ako sa beauty pageant na inalok ni Jonas.
Napabuga ako ng hininga. Hindi pa rin kasi tumatawag si Jonas o kahit isang text.
Iniisip ko pa lang na kapag nanalo ako. Makikilala ako hindi lang dito sa Pilipinas. Pati na rin sa buong mundo. At kapag ako ang naging Miss Universe, makikita ako ni Mommy. And of course, she will be proud of me. Pero hindi yun ang gusto ko. I want her to taste the pain sa pagpapabayang ginawa niya sa amin.
*BEEP* *BEEP*
1 new message received.
From Miguel: Safe ba ang kitty ko?
Hays. Kitty ang ginawa niyang endearment ko. Kahit Hindi pa nga kami.
Reply: Naman. Tinatanong pa ba yan? Ikaw na nga ang naghatid sa akin sa bahay.
From Miguel: Just wanted to confirm it. By the way, thanks for last night Kara..
Reply: No problem.
Tiningnan ko ang mga messages sa inbox. Scroll down and scroll up. Wala pa rin ang kay Jonas.
Napabuntong-hininga ulit ako. AKala ko pa naman. Hayss.
Umabot ang maghapon at pauwi na ako sa trabaho ay disappointed pa rin ako. Wala pa rin kasing dumadating na tawag galing kay Jonas.
Wala ding nangyaring bago sa trabaho. Breaktime, at libre meryenda galing kay Miguel.
Feeling ko ang tamlay-tamlay ko na. Gusto ko nang umuwi.
"Hello, Miss". Gulat akong tumingin sa taxi na lumapit sa pwesto ko. Napayakap ako sa sarili. Naramdaman ko na naman kasi yung pakiramdam na nasa private beach ako nung bakasyon ko kila Riza.
Isinungaw ng driver ang ulo sa ibinabang bintana. Di din nagtagal ng lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Eh? Hindi pa nga ako sasakay!.
Una hindi ko pinansin ang taxi driver na bumaba. Pero nang tingnan ko ito.
Natulala ako. Isang guwapong lalaki ang bumungad sa akin. Hindi ko maisip na taxi driver lang ang isang 'to. Eh sa mas bagay pa nga sa kanya ang maging modelo o artista.
Maigi kong tinitigan ang mukha nito. And well I admit, I'm amazed by his features. He was tall and well-built. Prominente ang shape ng mukha at ilong. And by the looks of it, ay Lagi siyang nasa beach kasi medyo maitim ang kulay ng balat niya. At ang makakapal na kilay niya ay lalong nagpatingkad sa kapangyarihan ng anyo niya. And his lips were something else. I don't know but I want to kiss those lips. Brushing it against mine, I wonder what it feels like.
Ugh, stop fantasizing Kara. Lumalabas na naman ang maniac side ko. Hahah!!
I was completely overwhelmed by this man in front of me.
"Miss?". That's where my conscious lead me. What a husky voice he has. " Hey, You Okay?".
Iiling-iling ako. "Uh, no no no. Y-Yes I'm okay. Tara na".
Sumakay na ako sa backseat ng taxi. Nawala sa isip ko na tanungin kung magano ang singil niya ng pamasahe.
" Saan tayo, Miss?". Magalang ang tono ng pananalita niya.
"Mind if I ask what's your name?". Wala sa isip na naitanong ko.Nakita kong napangiti ito.
" I'm Kendrick Deyn Alzuares. Just 'Ken' to make it short".
Wow. Pati pangalan parang royalty.
"I'm Kara Rossane Ramos". Nagpakilala na din ako.
Lucky day ko na ata 'to. Sa kabila ng disappointment ko kanina. At least nabawasan.
YOU ARE READING
FOREVER MY TREASURE
Romance+ Dahil sa pag-alis ng Mama niya at pag-iwan nito sa kanilang dalawa ng Papa niya ay kinamumuhian niya ito. Binali ng Mama niya ang pangakong babalikan sila nito at nagpakasal sa ibang lalake. Dun nagbago ang ambisyon sa buhay ni Kara Rossane Ramos...
