Miki's POV
"Madam." Nakayukong tawag ni Samantha sa'kin, at nabigla ako medyo dahil iba na 'yung suot niya, hindi tulad kanina na kita na 'yung singit eh tsk.
Nilibot ko nalang ang paningin ko, may nahagip naman akong tao na nakatalikod, makisig na pangangatawan at matangkad s'ya, panigurado gwapo 'to.
Humakbang ako at lumapit sa taong 'yun, ng makalapit na 'ko, sakto namang napanganga ako dahil sa mala-angel nitong mukha, shittt ang POGI ni kuya makalaglag panty. How to be you po?
Red lips
Messy hair
Matangos na ilong
Mukha na almost perfect
Okay, s'ya na ang pinagpala ng kagwapuhan.
"Ehem!" Isang malakas na tikhim ang narinig ko kaya napatigil ako sa pag-iisip ko at tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon, sakto naman na nagtama ang tingin namin na may mala dagat siyang mata, ang ganda tingnan...
Wait? Mala dagat? Parang nakakita nako ng gan'yang mata ah, sa'n ko nga ba nakita 'yun?
What the f?! 'Yung lalaking na ka one night stand ko! Pero imposible na s'ya 'yun, hindi lang naman s'ya ang may mata na gan'yan ah, at isa pa nasa Pilipinas 'yun...
"Done checking me?'' Nakangising tanong niya kaya napaiwas ako sa kanyang tingin.
Teka 'yung boses niya sounds familiar?
Errgghhh!
Bakit ko ba iniisip ang mukong na 'yun ah...
"Let's start." Pag iiba ko ng topic 'saka ako umupo sa sofa, ganu'n din s'ya umupo s'ya sa harap kong sofa 'saka s'ya tumingin ulit sa mukha ko, may dumi ba ako sa mukha? Kung makatitig 'to parang nanghuhubad eh, nakakailang naman s'ya tumingin err.
"May dumi ba ako sa mukha?"
"Ha? Wala naman."
Sarap sabihing HAKDOG eh.
Tsk 'yun naman pala eh, wala pero makatitig parang nangingilatis kainis s'ya ah. Napasimangot ako at hindi na s'ya muling tinapunan ng tingin at sinimulan na namin ang project na gagawin.
*
Mga ilang minuto din kami natapos mag-usap tungkol lang naman sa business 'yung pag-uusapan eh, at minsan lagi ko siyang nahuhuling naka tingin sa'kin pero ako naman si babae kinikilig chaka lakas ng topak ng lalaking 'to eh.
"What's your name?" tanong ko naman, kanina pa kasi kami nag-uusap, ni pangalan niya hindi ko pa natanong, kabobohan lang?
"I'm Clyde Brix Sandoval, you are?"
"I'm Miki Shin Stanford." Pakilala ko at nag shake hands kami, meron namang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko hindi ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin no'n. But I ignored it.
"Hmm bye Miki I have to go."
"Ok." sagot ko nalang 'saka ngumiti, ngumiti din s'ya at umalis na.
Pero may naramdaman akong kakaiba sa lalaking 'yun, bigla na lang akong kinabahan, nu'ng umalis s'ya, parang kilala ko s'ya, at matagal na matagal na. Saan ko nga ba nakita ang mukhang 'yun?
Nagkita na ba kami dati, tinanong ko naman s'ya wala naman daw siyang kilala na Miki dati at isa pa, simula nu'ng bata pa daw s'ya dito na daw s'ya lumaki. I felt something wrong with that guy. Maybe we've met before but I don't remember where it is.
*
"Oh, Ma'am Miki mabuti andito na kayo!" Bati sa'kin ng hinahire kong maid, hindi ko s'ya pinukolan ng tingin kasi feel ko babagsak ako sa sahig ngayon, nanlumo ang buong katawan ko anytime babagsak na talaga ako, napahawak na lang ako sa pinto para hindi matumba, 'yung paningin ko umiikot na, nahihilo ako.
"Ma'am Miki, ok ka lang po ba kayo?" tanong sa'kin ng maid ko, tiningnan ko lang s'ya at nag sign na ok, pero parang pipikit na ako hindi ko na kaya, what's happening to me?
"Ma'am, matutumba na kayo."
"O..."hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umikot na ang buong paligid at naramdaman ko nalang na nasa sahig na 'ko.
EVERYTHING WENT BLACK
***
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa'king balat, inikot ko ang paningin ko, at napagtanto ko na nasa hospital ako.
Bakit ako nandito, anong nangyari sa'kin? Nahilo lang naman ako ah.
Pinilit kong umupo, pero hindi ko pa kaya sobrang sakit ng buong katawan ko, at ulo ko, shit!
"Ma'am, salamat gising na kayo." nag-aalalang sabi ng maid ko at sinuri akong maigi kung ayos lang ba ako.
"Yaya anong nangyari sa'kin? Bakit ako nandito?" sunod-sunod kong tanong, lumayo s'ya konti sa'kin at bumuntong hininga.
"You're 8 weeks pregnant, stress lang daw ang nangyari sa'yo kaya nagkaka-ganyan ka, kaya please, Ma'am wag na kayong mag pa stress." bakas sa mukha ni manang na nag-aalala s'ya. napangiti ako ng palihim mabuti pa s'ya nag-alala paano na kaya ang pamilya ko nag-aalala ba 'yun sa'kin, tsk panigurado umuulan na 'yun sa pera, mas mahalaga pa nga ang pera sa kanila eh, mas mahal nila ang kayamanan nila kesa saamin.
Yeah I'm 8 weeks pregnant I'm excited na lalabas na ang anak ko, matagal ko ng alam na buntis ako, hindi ko na nga napansin na buntis ako, dahil sa busy sa trabaho 'yan, tuloy na stress.
Simula ngayon hindi na ako mag pagka-stress para lumaki namang malusog ang anak ko.
Tiningnan ko si manang at ngumiti sa kanya. Manang na lang siguro itawag ko sa kanya.
"Thanks manang for being here." Pagpapasalamat ko at niyakap s'ya, niyakap niya rin ako, kahit nakahiga ako.
"Buti ka pa manang, nag-aalala ka sa'kin. Kahit hindi kita nanay ramdam ko ang pagmamahal mo, pero 'yung sarili kong mga magulang ni isa wala akong nararamdaman na pagmamahal sa kanila, lagi nalang nila kami nire-reject ng Ate ko. alam mo 'yun? Ang sakit sa pakiramdam kasi parang anino ka lang sa bahay na 'yun, may sarili silang mundo lagi nalang pera ang bukam bibig nila. Hindi ba nila alam na nahihirapan kami sa pag tra-trabaho para lang sa pera na 'yon, pero wala silang concern sa'kin manang eh okay lang sa kanila na nasasaktan ako at nahihirapan, nu'ng nalaman ni dad na buntis ako parang gumuho ang mundo niya akala niya siguro hindi ako magkaka-boyfriend, nadisapoint s'ya sa'kin, pinagkatiwalaan niya 'ko, pero sinayang ko lang ang tiwalang 'yun, ano pa nga ba magagawa ko, nangyari na eh." habang nagsasalita ako panay naman tulo ang luha ko. I can't hide this anymore.
Ang sakit ng ganu'ng sitwasyon, ang sakit, sana nga mawala na lang ako sa mundong 'to, pero naisip ko may mission pa pala ako sa mundong 'to...
"Iha tahan na. Kung sa bahay niyo hangin ka lang o anino dito hindi kita irereject ituring kitang anak ko, habang nabubuhay pa 'ko kaya tahan na anak."
"Salamat po." Humihikbing sagot ko at niyakap s'ya ulit.
Nang makauwi na kami sa bahay pinahinga muna ako ni nanay. Nanay nalang daw kasi tawag ko sa kanya eh, mabuti pa s'ya mabait at malalahanin, eh 'yung magulang ko, ang saklap ang layo.
****
je iyagileul ilg-eo jusyeoseo gamsahabnida