Lia's POV
"Anak,bat ka umiiyak?"
"Papa,ikaw bah yan?"
Totoo ba itong nakikita ko?si papa bah talaga ito?
"Oo ako ito Lia,diba sabi ko sa inyo?na babantayan ko kayo ng mama mo kahit wala na ako?na lagi akong nandyan sa tabi mo?sa tabi niyo?hindi ko kayo pababayaan."
Unti-unti nanamang bumabagsak ang aking mga luha.Parang ulan na patuloy sa pagbagsak na parang hindi matatapos.Namiss ko na si papa,yung boses,yung itsura,lahat ng tungkol kay papa.Hindi ko alam kung masaya bah ako dahil nakita ko si papa o malulungkot bah ako dahil sa mga problema ko.Halo-halo ang aking emosyon.
"Papa,namimiss na kita.Bakit mo kami iniwan ng maaga?"
Patuloy parin ako sa pag-iyak.Humahagulgol sa pag-iyak.Nilapitan ako ni papa at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking mga pisngi at ginamit ang kanyang hinlalaki para punasan ang aking mga luha.
"Tahan na Lia,wag kanang umiyak.Hindi ko naman ginusto na iwan kayo,may mga bagay talaga na hindi mo inaasahang mawawala sa tabi mo kahit pang sinasabi sayo na hindi ka iiwan."
Tumigil na rin ako sa pag-iyak dahil kay papa.Pero hindi ko parin maiwasang malungkot.
"Papa,buti nandyan ka.Kailangan ko ng makakausap,may problema ako.Wala akong mapagsabihan."
Alam ko'ng nandyan naman si Candice para makinig pero ayaw ko'ng mag-alala siya saakin ng sobra.Minsan kasi,may mga bagay na mahirap sabihin sa mga taong malapit sayo.
"Ano yun nak?nandito si papa para makinig sayo."
Kinuwento ko kay papa ang pambubully at pagpapahiya saakin nila Alexander sa harap ng maraming tao.Habang kinikuwento ko kay papa yun,hindi ko na napigilan at tumulo nanaman ang aking mga luha.Habang kinikuwento ko kay papa ang mga bagay na yun kasabay ng pagiyak ko,gumagaan ang dibdib ko.Medyo nawawala ang hinanakit ko.
"Pasensya kana nak kung wala si papa sa tabi mo sa tuwing kailangan mo ako.Pero nak,wag kang magpapaapi.Matuto kang lumaban dahil hindi sa lahat ng oras may magtatanggol sayo,hindi sa lahat ng oras kaya ka nilang saktan.Patunayan mo sa kanila na hindi ka lampa.Ipakita mo na malakas ka,na sa susunod kikilalanin nila ang makakabangga nila.Pero Lia,wag mong pasobrahan.Alam kong may galit sa puso mo pero wag mong hahayaan na matabunan ng galit ang kabaitan mo.Lahat ng sobra ay nakakasama."
Tama si papa,hindi dapat ako nagpapaapi.Dapat hindi ko sila hayaang ibully ako.
"Tama ka pa,salamat papa dahil nandyan ka."
"Aalis na ako anak.Magingat ka palagi.Nandito lang si papa."
**
Nagising nalang ako bigla pero basa ang aking pisngi.Bakas parin sa aking mukha ang pagiyak ko.Panaginip lang pala.Salamat papa at nandyan ka para saakin kahit wala kana.Mahal na mahal kita papa.
Tinignan ko ang relo ko at 4:30 pm na.Matagal rin pala ako nakatulog.Nakaabsent ako ng ilang subjects.Hayssss.Tutal uwian narin uuwi na ako.
Bago ako tumayo inalala ko muna ang sabi ni papa saakin.
"Patunayan mo sa kanila na hindi ka lampa.Ipakita mo na malakas ka,na sa susunod kikilalanin nila ang makakabangga nila."
Humanda kayo Alexander Buenavista.Maglalaho ang Lia Suarez na kinakaya-kaya niyo.Maghanda kayo sa bagong Lia Suarez na makikita at pagkakaguluhan niyo...
Itutuloy..
******************************
Hi guysss!!!nakapag update din ako!!sorry kung super tagal kong hindi nakapagupdate..super busy lang po..Guys paexcite ng paexcite na po ito.Abangan niyo po ang next chapter..harthart
BINABASA MO ANG
The Unknown Nerd Turns To Campus Crush
RandomPosible ba na mainlove ang mga campus hearthrob sa isang unknown nerd?paano kung dahil sa transformation maging posible ang imposible?Ako si Lia Suarez,isang unknown nerd,isang nobody,isang somebody..Isang somebody na mamahalin ng hearthrobs.