Candice's POV
"Asan na kaya yun si Lia?hindi na siya pumasok simula nung iwan ko siya dun sa garden."bulong ko sa aking sarili.
Last subject na namin ito for this day.Ang isip ko ay patuloy pa rin sa paglipad dahil sa nangyari kanina kay Lia.Hindi maalis sa isipan ko na ang bestfriend ko ay sinasaktan ng taong mahal ko.Haysss.
Pupuntahan ko nalang siya dun after ng class ko baka sakaling nandun pa siya.
Nang biglang tumunog ang bell bumalik ako sa realidad.Dali-dali kong inayos ang aking mga gamit at sinilid sa aking backpack.Habang inaayos ko ang aking mga gamit,biglang nagbeep ang aking cellphone.Text galing kay Lia.
From:09271345160
Candice,umuwi na ako sa bahay.Biglang sumama ang pakiramdam ko.Sorry kung nauna na ako...
Hala!anong nangyari kay Lia?tinext ko siya na pupuntahan ko siya sa bahay nila.
Dali-dali akong umalis ng room at tumakbo papuntang gate para sumakay ng taxi.
Lia's POV
Bago ako umalis dito sa garden kinuha ko muna ang cellphone ko para itext si Candice na mauuna na akong umuwi.
To:09151646708
Candice,umuwi na ako sa bahay.Biglang sumama ang pakiramdam ko.Sorry kung nauna na ako...
Sinend ko yun at unti-unti akong tumayo mula sa pagkakasandal ko sa puno.Tinignan ko ang aking reflection sa aking cellphone,namamaga ang mata ko at namumula dahil sa sobrang pagiyak ko kanina.Sa likod ako ng school dumaan dahil ayaw ko munang makita ang pagmumukha nila Alexander.Ayaw ko pang makita ang mga taong tinawanan ako kanina habang napapahiya.
Bago ako makasakay ng taxi ay nagbeep ang aking cellphone.Text from Candice.
From:09879013254
Lia pupuntahan kita sa bahay niyo ha?
Sumakay nalang ako ng taxi.Tinawagan ko ang driver namin na wag na akong sunduin.
Nakarating na ako ng bahay at sinalubong ako ni manang Flor.
Si Manang Flor ang taga-pagbantay ko.Kasama ko na siya kahit nung buhay pa si Daddy.
"Oh?Lia?nandyan kana pala.Teka bat namamaga ang mga mata mo?umiyak kaba?"
Patay.Napansin ni manang flor.Ganun ba yun kaobvious?
"Ah-eh-ano po kasi--"Nauutal kong sagot."Kasi po kulang ako ng tulog."pagpapalusot ko.
"Ahh ganun bah?sige hija, pumasok kana nang makapagpahinga kana."
Hayss..buti nakalusot ako.Pumasok kaagad ako ng bahay at nagmadaling umakyat papuntang kwarto.Pagkapasok ko ng kwarto ay sinarado ko kaagad ang pinto at napasandal ako kaagad.Nakakapagod ang araw na ito.Napabuntong-hininga nalang ako.
Candice's POV
Nakarating na rin ako sa bahay nila Lia at nagdoorbell.
*dingdong*
Bumukas ang gate nila Lia at bumungad saakin si manang flor.
"Oh?Candice?tara pumasok ka muna."
Pumasok ako sa kanilang gate at habang naglalakad ay naguusap kami ni manang Flor.
"Candice,anong ginagawa mo dito?"
"Nandito po ako para kay Lia.May paguusapan lang po kami."
"Ah ganun bah hija?nandun si Lia sa kanyang kwarto.Sige hija,may gagawin pa ako."
BINABASA MO ANG
The Unknown Nerd Turns To Campus Crush
RandomPosible ba na mainlove ang mga campus hearthrob sa isang unknown nerd?paano kung dahil sa transformation maging posible ang imposible?Ako si Lia Suarez,isang unknown nerd,isang nobody,isang somebody..Isang somebody na mamahalin ng hearthrobs.