.....
Ana's POVHell, hell, hell, hell, hell,..patuloy na umiikot sa isip ko habang tinatahak ko ang room ko, kasi nga diba si Josh, katabi ko,.
Nung pagpasok ko sa room nandon na yung lima,.
Si kyle at Josh yung dalawang katabi ko,. Sa likod namin sina Mico at kean,. Tapos yung nasaharapan ko si Renz...In short na corner ako brad..huhu..
"Ok class, magkakaroon tayo ng mga club, para sa dancing, singing, basketball,.ah basta madami pa don..pumili nalng kayo kahit isa, may plus grade sakin ang sasali" -sir Anton
Gustong-gusto ko talaga sumali sa singing, kase mahilig ako kumanta, kaso yung boses ko parang naiipit na daga eh, kaya sayaw nalng, magaling din namn ako den eh..
"Brad san ka sasali?" tanong ni Josh kay mico
"Sa sayaw malamang, lahat naman tayo sa sayaw eh, niloloko moko ah" sagot namn ni Mico
"Malay mo, mag iba ka ng landas" sagot namn ni Josh
Pero teka, bat nga pala ako nakikinig sa usapan nila..Stop na..
~~
Yey ahahaah, Break Time na men.. Eto yung pinaka-inaantay ko..ahahahaPalabas na sana ako ng room ng mag salita si Josh
"Ana, san ka sasali" -Josh
Aba't kinausap ako ng mokong, isang himala
"Sa club" mataray kong sagot
"I mean anong sasalihan mo sa club, kung sayaw, kanta o kung ano" -Josh
Alam ko, hindi ako bobo, sadyang tinarayan lang talaga kita
"Sayaw" -ako
"Ah, ano? Mag papa lista kanaba don?" -Josh
"Oo"
"Tara sabay na tayo" -Josh
"At bakit?"
alam ko nayang mga ganyan eh, magpapasama, tapos iiwan lang den,. Katulad nung ginawa nya saken sa mall,. Iniwan nya lang din ako!!!
"Wala lang, diba friends namn na tayo" -Josh
"Sino nag sabi sayo na friends na tayo?"
Pigilan nyo ko baka masampal ko bigla to"Ako" -Josh
Napairap na lang ako sa sinabi niya,.friends! Kami?,. Lul, eh sa pagkakatanda ko iniwan nya ako sa mall
"Dali na, alam ko namng galit kapa sakin eh, kaya pag tapos nating mag palista, ililibre kita..
Para namng nag ning-ning yung tenga ko ng marinig ko yung salitang Libre..ahahahah
"K" syempre pumayag na ako, alangan naman na tanggihan ko pa yon.
Nauna na akong mag lakad sa kanya, baka kasi may sabihin pa yung bakulaw na yun eh..
Mabilis lang kaming naka lista don, kaya eto pa punta na kaming canteen, lilibre nya daw ako eh..
Sabi ko sa kanya cake, ice cream, coke, burger, at fries lang yung saken,.pasalamat sya hindi ako gutom, at yun lang pina bili ko!
"Ana mang hihingi lang sana ako sayo ng tulong" bigla nalng nag salita yung bakulaw nung kumakain kami..
"Ano yon?"
"Ahmm, ano...eh...ahmmm."-Josh
"Satingin mo maiintindihan kita dyan sa sinasabi mo?"
"Ok, chill, ahmm Ana sana tulungan moko gumawa ng surprise para sa nililigawan ko" -Josh
Bigla namn akong natawa sa sinabi nya,. Si Josh? Gagawa ng surprise para sa, nililigawan nya? Ahahahah..
"Bakit, ano meron?"
"Bakit mo kailangan malaman?" -Josh
Eh sira ulo pala to eh, nanghihingi ng tulong tapos ako pa sina-sagot sagot ng ganyan!!
"Kala ko ba nanghihingi ka ng tulong?"
"So, pumapayag kana?" -Josh
Obvious ba?, kaya nga nag tatanong na eh..
"Oo, pero hindi libre"
Duh, ano ko? Bayani,.Malamang may bayad, lalo na't mapapagod ako!"Haha, sure ako bahala dyan" natutuwang sabi nung bakulaw
"So, ano nga meron?" Tanong ko namn sa kanya
"Birthday nya kasi next week, kaya gusto ko siya i- surprise, kasabay non, yung pagtatanong ko na sakanya kung papayag na ba siyang maging girlfriend ko"
"Ah"
Grabe sweet pala tong hayop nato,..Well siguro ganon talaga ang mga tao pag dating sa taong mahal nila!
"Alis na ako" pagpapa alam ko sa kanya, paalis na sana ako ng hawakan nya yung kamay ko
"Ahmm, Ana, wait lang number mo?" -Josh
"At bakit?, para san?"
"Para pag mag p-plano, diba?" pag-papaliwanag nya sakin
"K" sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko..
Binigay namn nya sakin yung cellphone nya, tapos ti nype ko na number ko,.
"Oh" pagbigay ko sa cellphone nya
"Salamat" sabi nya sabay talikod at umalis na..
~~
Andito na ako ngayon sa kwarto ko at nag-iisip ng kung anong pwede gawin dun sa surprise ni Josh sa nililigawan nya..Ang swerte namn nya kung sino man sya,. Isang Josh Yu, nag p-plano na surprisahin ang taong mahal nya..
Well, may mga bagay talagang hindi mo ginagawa pero magagawa mo para lang sa taong mahal mo
End of Chapter 5
.....
.....
.....
Hi guys, vote ang comment po kayo :)
Salamat..Kung gusto nyo pong mag Tanong ma c-contact nyo po ako sa:
fb: Margaret Amog
Ig: real_ana.margaret
YOU ARE READING
The Guy Who Change Me
FanficI swear tatawa, kikiligin, maiiyak kayo dito na story na to.. ....... -Tiwala- Isang salita pero kung makapanakit wagas!! Isang salita na pinagsisimulan ng away, na nauuwi sa hiwalayan.. Kapag mahal mo ang isang tao diba dapat may tiwala ka,. Hindi...