Nanlaki ang mata ni Alexis sa sumunod na tinuran ng lalaki. "Alexis why you lied to me. I love you but you bound to caught me," anang nito.Hindi niya alam kung tulog ba ito o nagkukunwari lamang dahil nakapikit pa rin ito.
Kinabahan siya dahil sa mga sinabi nito ay napagtanto niyang alam na talaga ng lalaki ang kanyang pakay. Maging ang tunay nitong pangalan ay alam na rin nito.
Kanina ay hinintay lamang niyang sumbatan siya nito pero hindi nito ginawa.
Tumayo na siya nang tuluyang nakawala sa pagkakayakap nito.
Agad na pumanaog sa banyo at nag-imis para sa usapan nila ng ginang.
Nabungaran niya itong nagkakape sa sala nang bumaba siya. "Iha, mabuti naman at gising ka na. Halika na," anito akay sa kanya sa padulog sa mesa.
Mukhang masarap ang pagkaing nakahatag sa mesa dahil amoy pa lang ay takam na takam na siya.
"Tikman mo iha ako ang nagluto nito," pagmamalaki ng ginang habang sinusubo sa kanya ang sinangag na kanin na may dinaing na bangus.
Natakam siya sa pinatikim ng ginang lalo na at may sawsawang tuyo at suka.
Umayos siya ng upo saka nilantakan ang niluto nito. "Naku, Doktora sarap mo palang magluto. Sinangag pa lang busog na," aniya habang punong puno ang bunganga.
Napatawa ang doktora sa kanyang hitsura. "Iha, tita na lang since iyon ang tawag ni Greg sa akin ha. Sige kain ka pa dahil lilibutin natin ang isla," anito habang nilalagyan pa ng kanin ang pinggan.
"Grabe talaga tita ang sarap nito," hindi maampat ampat na papuri sa masarap na luto nito. Punong-puno ang bunganga habang nagsasalita kaya halos ngungo na siya.
Tawa naman ng tawa ang ginang na nasa harap.
"Hindi ba pwedeng lumunok muna bago magsalita," tinig mula sa likuran niya.
Napalingon siya bigla sa pinanggalingan nito. Si Greg na bagong gising lamang. Papungas pungas pang papasok sa kinaroroonan nila.
"Iho, nariyan ka na pala. Dali na at sabayan mo kami, masarap daw itong luto sabi ni Alexis," pagbibida pa rin nito sa luto.
Napatigil naman si Alexis sa pagsubo ng tumabi sa kanya ang lalaki. "Good morning," bati nito sa kanya saka ngumiti.
Hindi siya nakahuma sa ngiti nito. Hindi niya lang siguro inaasahan ang pagngiti nito sa kanya. "Alexis, masanay ka na diyan kay Greg. Malambing talaga iyan mula pa noong bata kaya nga nagustuhan iyan ni Czar...." natutop ng ginang ang bunganga nang mapagtanto ang sinasabi nito.
'Malambing kaya minahal ni Czar...' isip ni Alexis. Sino ang babaeng gustong sabihin ng ginang. Hindi niya alam kung bakit may munting selos na umahon sa dibdib sa naputol na sinasabi ng matanda. 'Sino ang babaeng iyon sa buhay ni Greg?,' aniya sa sarili.
Palihim niyang nilingon si Greg pero parang wala itong reaksyon sa tinuran ng matanda.
Tinig ng ginang ang bumasag sa katahimikang namayani sa kanila. "Iha kung tapos ka na ay aalis na tayo habang hindi pa masyadong masakit ang sikat ng araw. So paano Greg, ililibot ko muna itong si Alexis ha," paalam ng ginang rito.
Ngumiti lang si Greg sa ginang bilang tugon saka kumaway pa sa kanila nang paalis na sila.
"Don't worry, I will take care of her. Okay?," paniniguro sa lalaki saka hinawakan ang palad niya at giniya siya patungo sa dalampasigan.
Napadaan sila sa may duyan kung saan siya nilapag ni Greg nang unang nilibot siya nito. "Dito lagi ang batang iyon," anito tukoy kay Greg. "Lalo na noong panahong lungkot na lungkot siya sa pagkawala ng dalawang babae sa buhay niya," pagbibigay alam nito sa buhay ni Greg.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES: The Tyrant Boss
ActionStory of girl who trained to be an undercover. She was sent to a mission. To find out the person beyond a notorious wide spreading cyber sex called sex in heaven. How could he manage to capture stone man if he capture her heart.