"Doc, ano po bang lagay niya," nag-aalalang turan ni Greg ng makitang napapabaling baling ito."Wala na tayong magagawa kundi paanakin siya. Pumutok na ang panubigan niya," anang ng doktora. "Huwag kang mag-alala okay lang sila," panigurado ng doktora sa kanya ng mapansin nito pag-aalala sa mukha niya.
Maya-maya ay hinanda ng doktora ang gamit na nasa bag nito.
Ilang sandali lang ay narinig na ni Greg ang palahaw ng anak saka nakitang nakapikit na si Alexis.
"Alexis," agad na dalo sa babaeng nakapikit.
Natatakot siya baka ito naman ang nawala. "Alexis," yugyog niya sa babae.
"Hey, take it easy. She's fine, pagod lang siya kaya tulog," anang ni Daisy at giniyang pangkuin niya ang babae upang tuluyan nang maiuwi sa bahay nito.
Nang maiayos ang mag-ina ay lulan sila ng chopper upang dalhin ang mga ito sa pinakamalapit na ospital. Kahit maayos naman ang mga ito ay nag-aalala pa rin siya kaya dineretso na niya ang mga ito sa ospital.
Tuwang-tuwa si Greg habang nakatanaw sa kanyang anak. Lalaki ang anak.
"What's your plans?," tinig na galing sa kanyang likuran.
Alam na niyang si Soe ito. "For what?," aniya sa sinabi nito.
Nakunot naman ang noo ng babaeng mugto pa rin ang mata dahil sa pagsulpot ang ama na matagal na inakalang patay na.
"Plano sa kapatid ko. Hindi pwedeng anakan mo lang baka mapatay kita," banta sa kaibigan.
Tumawa si Greg sa kaseryosohan ng kausap. Saka napawi rin agad nang maalalang baka hindi pa siya nito mahal sa kabila nang pagkakaroon na nila ng anak.
"Huwag kang mag-alala I know my responsibility," aniya rito.
Nainis ang babaeng kausap sa winika niya. "Even I, I know your responsibility but what I mean is if you have plan to marry her?," deretsahang sagot sa kanya ni Soe.
"I do," amin niya rito.
Ngumiti naman ang babae. "Good. Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo," anito sabay tapik sa balikat niya. Na tila ba mas matanda ito sa kanya.
Maya-maya ay nakitang umiingit na ang tulog na babae palatandaang magigising na.
Agad na napabalikwas ito at ginala ang mga mata.
'Nasaan ako?,' tanong ni Alexis sa sarili ng idilat ang mga mata ay puting-puti ang nakikita.
Balikwas siya agad saka napagtantong nasa ospital siya. Mabilis na kinapa ang tiyan pero wala na ang umbok nito.
"Ang anak ko!," bulalas niya. "Shit. Ang anak ko," histerikal na turan niya sa kawalan.
Agad na dinaluhan nina Greg at Kim ang naghihesterikal na babae. "Shhhh..." alo ni Greg rito pero hindi pa rin tumitigil ito sa kasisigaw.
Niyakap niya ang babae upang payapain. "The baby is fine," bulong niya rito nang tumahan na ito at kumalma.
Napatigil si Alexis sa pag-iyak sa sinabi ng lalaking kausap.
Naramdaman ni Greg ang pagtahan ng babaeng kanina ay halos magwala sa pag-iyak. He knows that Alexis really cared on their baby even it was concieved without love.
"He's fine," aniya na nakangiti na.
"He?," mahinang ulit ni Alexis sa sinabi ni Greg. "Lalaki ang anak natin," natutuwang saad habang kumalas sa pagkakayakap dito.
Si Greg naman ang napatigagal sa tinuran ng babae. 'Anak natin,' ulit ng isip sa sinabi ni Alexis. Nalugod ang puso sa sinabi nito.
Maya-maya ay may pumasok sa kuwarto nila. Ang tita ni Greg at isang nurse na kalong ang isang maliit na sanggol.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES: The Tyrant Boss
AcciónStory of girl who trained to be an undercover. She was sent to a mission. To find out the person beyond a notorious wide spreading cyber sex called sex in heaven. How could he manage to capture stone man if he capture her heart.