MULA SA SILID NA LAAN kay Alexis ay nilabas doon ang isang bangkay. Alam niyang patay na iyon dahil balot na hanggang mukha ang pasyente.Mabilis siyang lumapit sa mga staff ng ospital. Tila gusto niyang umiyak sa sandaling iyon.
'No Alexis, huwag mo akong iiwan,' hiyaw ng puso sa nakikitang baka patay na ang babae.
"Anong nangyayari rito?," agad na tanong sa humihila sa stretchers na kinahihigaan ng hinihinalang bangkay.
"Patay na po ang pasyente at itatransfer na po namin siya for post mortem," sagot ng isang nurse sa kanya.
Agad na ginala ang mata pero bakit wala si Mr. Harrison o si Kim man lang. Bakit nila pinabayaan ang kanyang mag-ina. Tiwala pa naman siyang umalis kahapon dahil alam niyang naroroon ang mga ito.
"Sir, kayo po ba ang pamilya ng pasyente," tanong ng nurse sa kanya.
Doon siya napatitig dito. Sumungaw sa kanyang mata ang munting luha nang maya-maya ay may mag-asawang dumating at labis ang iyak. Halos yakapin pa ng mga ito ang bangkay na nasa harap.
Napatigil siya. 'Diyos ko, sana nga po ay hindi si Alexis ito,' impit na dasal.
Nakita niyang tinaas ng nurse ang kumot na tumatabing sa mukha ng bangkay upang makita ng dalawang bagong dating.
Hindi nga si Alexis iyon. Kahit sa ganoon paraan ay guminhawa ang pakiramdam niya. Agad siyang bumalik sa information desk ng ospital nang makasalubong ang nurse na umalalay sa kaniya kahapon.
Nagtaka rin ito ng makita siya. "Sir, di po ba ikaw ang asawa nang tinakbo kahapon?," tanong nito sa kanya.
Hindi na niya tinama ang sinabi nitong asawa basta ang importante ngayon ay malaman kung nasaan ang mag-ina niya.
"Oo, nasaan ba sila?," nalilitong tanong rito.
Maging ito ay napakunot ng noo. "Hindi niyo po ba alam?," kunot-noong tanong sa kanya.
"Umuwi kasi ako at may inasikaso. Iniwan ko naman dito ang ama at kapatid niya kahapon," paliwanag dito.
Nang banggitin ang ama at kapatid ni Alexis ay nahihinuha na niya kung bakit wala na ang mag-ina niya. Maaaring kinuha na nito ni Mr. Harrison.
"Naku po Sir, baka hindi po sinabi sa inyo. Kanina pong madaling araw nagpatransfer po sila at sa Maynila na lang daw po sila. Pinayagan po ng doktor since capable na naman po sila," bigay alam ng nurse.
Sa nalaman sa nurse ay agad niyang nilisan ang ospital. Sa oras din iyon ay babalik siya ng Maynila.
Alam niya naman ang bahay ni Mr. Harrison, doon siya pupunta. Batid niyang naroroon lamang ang mag-ina niya. Baka hindi na niya kayaning mawala pa ang mga ito. Lahat gagawin niya para tuluyan din siyang mahalin nito.
Samantala, ganap nang nasa Maynila sina Alexis. Labis-labis din ang iyak niya nang magising dahil sa pag-aakalang maaaring wala na ang anak.
Buti na lang at nakaligtas pa ito. Maaaring hindi ito nabuo dahil sa pag-ibig pero hindi iyon mapasusubalian ang katotihanang anak niya ito at siya ang nagluwal.
Nang magising siya ay nabungaran ang mukha ng ama at kapatid. Hindi siya nagreklamo nang magdesisyon ang mga itong dalhin siya sa Maynila upang doon tuluyang magpagaling.
Pagdilat ng mata siya ay dalawang tao ang gustong makita. Ang anak at si Greg pero bigo siyang makita ang lalaki dahil wala ito.
Naghintay siya hanggang lumiwanag pero wala pa rin ito. Tila ba gusto niyang umiyak dahil batid niyang maaaring nasa kandungan pa rin ito ni Czaryna.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES: The Tyrant Boss
ActionStory of girl who trained to be an undercover. She was sent to a mission. To find out the person beyond a notorious wide spreading cyber sex called sex in heaven. How could he manage to capture stone man if he capture her heart.