Chapter 18

10.1K 294 3
                                    



HINDI TALAGA MAPAKALI si Alexis kahit anong hamig ang gawin sa sarili.

Palakad lakad at hindi makapirmi sa isang lugar. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan sa pag-alis ng lalaki ng biglang matabig niya ang isang plorera dahilan upang tuluyang bumagsak at mabasag ito.

Nagkatinginan sila ng kapatid. "Sabi ko na sa'yong relax ka lang eh," saad ng nakababatang kapatid. "Pati tuloy ako kinakabahan sa ginagawa mo," dagdag pa nito.

Hindi rin kasi maikaila ang pagkabahala sa mukha ni Billy na nasa di kalayuan. Hindi man niya tanungin ito sa dahilan ng biglaang pag-alis ni Greg ay batid niyang ito ay may kinalaman aa sinabi sa kanya ni Daisy.

Samantala, naiinis na si Black Dragon sa nakikitang pangyayari sa bahay na sinasalakay ng grupo niya. "Lintik, bulilyaso pa. Bakit may pulis," aniya nang makitang nabulabog ang mga nasa loob ng bahay.

Maya-maya ay nakita ang limang lalaki habang armado ng baril at tumatakbo papalayo sa bahay. Nabigla siya ng makitang may hila-hila ang dalawang lalaki. "Punyeta si Greg pa yata iyon ah, akala ko ba'y nasa isla niya ang batang iyan," hindi mapigalang bulalas ni Black Dragon habang nakasilip sa teleskopyo niya at matamang nanunuod sa di kalayuan.

Gamit ang earpiece ay agad na kinausap si Daisy. "Pretty Woman are you there?," tawag niya kay Daisy.

"Yes Black Dragon. May hawak akong dalagita at hindi pa kami ganap na nakakapasok sa loob. Armado raw ang nasa loob ayon sa dalagi....." putol na saad ni Daisy nang bigla itong sumabad.

"I see them leaving on the back side. Inform Taka and Winona to cover up you. Huwag ninyo silang hayaang makatakas. Hawak nila si Greg," malakas na turan ni Black Dragon sa kabilang linya.

Agad na tumalima si Daisy. "Stay here. Whatever happen, just stay here. Okay?," aniya sa natatakot na dalagita.

Mahigpit ang hawak ng baril at tinalunton ang daan patagilid patungo sa likod bahay.

Nakita niya ang limang lalaki na tumatakbo sa di kalayuan. Nakita rin ang lalaking unipormado nang makitang babarilin niya ang mga ito ay agad na dinamba.

Nagpatimbuwang sila ng lalaki. Malakas ang lalaki kaya naitulak siya nito sabay tutok ng baril sa kanya.

"Taas kamay," anito habang tutok ang baril sa kanya.

"Hindi ako kalaban. Ayaw ko lang paputukan mo sila dahil baka mabaril mo si Stone Man," aniya sa pulis saka pinakita ang katibayang isa siyang NBI.

Nang makita iyon ay binaba naman ng lalaki ang baril nito. Naroon sina Winona, Angelic at Taka.

Agad niyang sinenyasan ang mga ito upang salubungin ang maaaring lusutan ang mga ito. Dahil aral ang kabuuan ng lugar ay madali nilang napalibutan ang mga ito.

"Tigil!," sigaw ni Daisy sa mga lalaking natakbo sabay putok ng baril niya.

Napatigil ang mga ito. Napangisi si Karyo nang malingunan siyang nag-iisa. "Matapang kang binibini. Sayang pero mukhang ito na rin ang katapusan mo. Maganda ka pa naman, pwedeng pwede angkinin," nananakot na turan nito.

"Hindi ako takot sa'yo Karyo. Sige lumapit ka at hindi ka sasantuhin ng aking baril," sagot dito.

Humagalpak si Karyo sa tawa kasama ng apat nitong kasama. "Hindi mo kami kaya. Nag-iisa ka lang. Sayang dahil maganda ka pa naman. Sayang dahil masyado kang pakialamera," anang nito.

Nilingon ang mga kasamahan nito. Hawak ng dalawa si Greg kaya madali lang ang gagawing pagsalakay ng mga kasamahan niya.

Nakita niyang nakapwesto na ang mga ito at hinihintay na lang ang kanyang hudyat.

DETECTIVE SERIES: The Tyrant BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon