Kabanata 2

2.9K 188 36
                                    

Kabanata 2

"He didn't gave his phone number?" hindi makapaniwalang sabi ni Lucky. Kahit ako ay napapikit nalang sa mga mata dahil sa malakas na tawa na ibinigay nya saakin.

She can't move on from the story that I told her. Kanina pa sya tawa nang tawa habang yakap ang throw pillow nya na kulay pula.

It's been three days simula nang hindian ako ng lalaki. At ngayon lang ako nagka mukha na mag kwento sa mga pinsan ko! I was too embarrassed to tell them right after he said no!

"It was your first time asking for a man's number, tapos hinindian pa?" tawa na sabi ni Lucky.

Inabot ko ang bagay na nasa pinaka malapit saakin at binato 'yun sakanya. Tumama ang notebook sa ulo nya, causing for her to show off her middle finger. I just rolled my eyeballs and glanced at Havana who's also laughing silently.

"Sabi ko naman sayo na di mo 'yun kaya. Napahiya ka tuloy. Look what happened."

Hinilot ko ang ulo at naiinis na binalingan si Havana. She's reading her book, may mga papel rin na nagkalat malapit sakanya.

"I know, I know. Pero ano bang magagawa ko? I like him already! Mas nagustuhan ko sya 'nung humindi sya saakin!"

Tumigil sya sa pagbabasa at mataray akong nilingon. The look on her face is blank. Para bang alam na nya na mangyayari nga 'to noon pa.

"Dyan tayo nagkaka mali, Lesley. Hinindian ka nga diba? That means he's not interested! Hindi ka nya gusto, period." walang preno na sabi ni Havana. Naglagay rin sya ng highlights sa pahina na binabasa.

"She's right. Madami naman sigurong lalaki na may gusto sayo. Just get rid of that stupid feelings and aim for another man. Kung meron lang naman."

Sabay kaming napalingon ni Havana dahil sa sinabi ni Lucky. Nagtaas lang sya ng kilay nang makita ang reaksyon naming dalawa.

"What? It's true naman. It's the best solution, baka akalain nyang si Ali ay gustong-gusto mo sya. C'mon guys, I got a point here!" pinalakpak nya ang kamay dahil sa inis.

"Just shut your mouth Lucky. I know that you liked Ali once, and just like Lesley, he rejected you. Kaya siguro ganyan ka ngayon. Hindi nyo kaya ang lalaking 'yan,"

"You liked Ali?" I asked kahit na malinaw na itong sinabi ni Havana.

"Yes, I tried flirting with that Alivo Dela Fuergo. Pero wala eh, he got a very tall wall. I got no time climbing some stupid ego and walls, so I stopped."

Naupo ako pabalik sa sofa dahil sa sinabi nya. It's maybe her fault kaya hinindian ako ni Ali! He maybe knows na I'm connected with this woman!

Mapang akusa kong nilingon si Lucky. She just shook her head in dismay.

"No, no, I know that look, Lesley. Hindi ko kasalanan na humindi sayo 'yung lalaki na 'yun! It wasn't my fault if he's not interested with you! I just talked to him once or twice, hindi ko na nga halos maalala pa!" she overreacted. Tumayo pa sya habang ini-explain nang maayos ang sarili.

Mabilis kong sinugod si Lucky. I could hear Havana's chuckle while I tried to chase Lucky. Nagsisigawan kami dahil sa inis ko sakanya.

Sa huli ay naupo nalang ako sa sahig katabi ni Havana. Hinihingal na bumalik si Lucky sa sofa na nasa harapan namin. Nakasimangot lang ako buong gabi dahil doon.

Nang mag umaga ay nagising ako dahil sa lakas ng boses ni Lucky na kumakatok sa sariling kwarto. Naiinis akong lumabas at hinarap ang sariling pinsan.

"It's early in the morning, wala ka bang orasan?"

Stray Feels (dela Fuergo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon