kabanata 6

1.4K 153 8
                                    

Kabanata 6

Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa mga pinsan na busy sa pag e-empake ng mga gamit nila. Two weeks pa naman simula ang semestral break pero heto sila ngayon at nag hahanda na. I just rolled my body on Havana's bed and groaned.

"Ang dami naman nyang hinanda mo, sure ka na dyan?" I asked. Tinukod ko ang siko sa kama para masupurtahan ang sariling ulo. Nilingon naman ako ni Havana nang mai-zipper nya ang malaking travel bag.

"Yup. These are my books and clothes." turo nya sa isang bagahe at sa maliit na bag na nasa gilid.

Tumayo ng tuwid si Lucky at nagpa maywang sa harapan naming dalawa ni Havana.

"Kukunin naman tayo nina Tito so it's alright to bring these bags."

Nagkunot ako ng noo. Hindi naman sinabi kung sino ang kukuha saamin. Pero hindi ko nalang inisaboses iyon. Hiniga ko nalang ulit ang katawan sa kama at saka mahinang nagbuntong hininga. Narinig ata iyon ni Lucky kaya lumapit sya sa gawi namin at naupo sa bean bag.

"Bakit hindi ka pa nag hahanda. Hindi ka sasama?" she asked while looking at her nails. Dinungaw nya pa ako kaya naman tinikom ko muna ang bibig para makapag-isip.

I'm still hopeful na baka something will change my mother's mind. Maybe if I'll speak up, she'll let me stay here in peace without her minding my business. Pero sure ako na hindi 'yun mangyayari. She already planned everything beforehand.

She want me to stay in her house and suffer inside the four corners of my room. Inisip ko nalang ang alagang aso ni Yago. I'll keep myself busy with his pet nalang kaysa isipin na makakasama ko si mama sa iisang bubong.

On the bright side, I'll see them again. Sobrang tagal na simula nang huling makita ko ang mga kapatid.

Tumagilid nalang ako sa pagkakahiga at tinalikuran si Lucky. Doon lang ako nagsalita nang tumayo si Havana para kunin ang remote ng aircon.

"Sobrang aga pa para mag handa. Maybe one of these days I'll pack up my bags, tinatamad ako gumalaw now. My back is killing me."

"I thought ako lang ang sumasakit ang likod. You're studying nonstop diba?" Havana asked. Hinubad nya rin ang eyeglasses na suot at hinilot ang ulo, "Why not mag spa tayo? Let's enjoy our day and forget about this stupid exam."

"Akala ko ba may study date kayo ni Napoleon?"

"Shut up. I don't want to talk about him right now." she even glared at me. Akala mo talaga na kaya nyang tiisin ang lalaking iyon.

"Well, that's funny. I saw him yesterday. He's with Samantha." Lucky said confidently.

"What?" Havana gritted her teeth.

Tinikom ko ang bibig at marahan na tinignan si Lucky. She's making this hard for Havana. Alam nya na nag-aaway sila ngayon. I don't know but I think her words will make things worst. Ayaw ko naman pumanig sa kahit sino.

Napoleon is a close friend, and Havana is a family. Siguro ay magpapa gitna nalang ako sa maliit nilang away ngayon.

Umalis ako sa kama at hinawakan ang upuan na kinalalagyan ni Havana. She's busy with her notes at nakukuha nya pang balingan si Lucky na nasa bean bag nya nakaupo.

"Why not we spend our time outside? Girls night out? Free ka naman mamaya, right Lucky?" sabi ko para malihis ang inis ni Havana. She's different when she's mad. She'll never listen to whatever you're saying. Makikinig lang sya sa kung ano nyang gustong pakinggan.

Tumaas ang hawak ko sa balikat ni Havana. Pero iniwaglit nya iyon at padabog na tumayo. Binuksan nya rin ang pintuan at walang emosyon kaming tinignan.

Stray Feels (dela Fuergo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon