kabanata 5

1.4K 148 26
                                    

Kabanata 5

"Nasaan na si Ariel? Iba na naman kasama mo ngayon, ah?"

Gusto kong sumimangot dahil sa sinabi ng mga teammates ni Royce. Kanina pa sila naglalaro pero hindi pa 'din nawawala sa isipan ko ang unang tinanong nila sa lalaki nang dumating kaming dalawa sa gym ng university.

Wala syang choice kundi ang isama ako. Cerulean was the one who made him do this, ang isama ako kahit na sinabi nyang ayaw nya. Buti nalang talaga nadala sa pakiusap ng sariling pinsan ang lalaki.

Nagtampo ako ng iilang segundo dahil sa mabilisan nyang pagsabi ng hindi!

But of course, nawala din 'yun kaagad dahil kay Cerulean. He told Royce na hindi na nila ako maidadaan saamin kasi baka ma late sila sa pupuntahan ng kasama nyang babae.

He doesn't have any choice daw kundi ang i-drop ako sa lugar na pupuntahan ni Royce.

On the other hand, sumama ako kahit na sinabi nyang mag taxi nalang ako pauwi. I told him na I'll wait hanggang sa matapos sila sa gagawing practice.

At ngayon na nag c-cool down na sila, hinanda ko nalang ang sarili sa kasupladuhan na ipapakita saakin ng lalaki.

His teammates didn't mind naman na nanonood ako. May iba din akong kasama na nanonood, mga girlfriend ng ibang kasama nya. It was fun talking to them naman.

Nag simula nang magsilapitan ang mga boyfriends ng kasama kong babae. Nasa gilid lang kami habang naghihintay sa kanila.

Mag f-five na ng hapon at halos dalawang oras din sila na nag practice. Nginisihan ko nalang ang lalaki na pamilyar saakin. He was the one na kasama ni Royce 'nung nakaraan. I think his name is Sheldon.

Pero nalusaw din kaagad ang ngiti ko nang makita si Royce na papalit saakin. He's wearing his usual frown. May mga butil din ng pawis na bumababa sa leeg nya patungo sa dibdib.

Kinuha ko nalang ang maliit na towel na nakapatong sa duffel bag na dala nya kanina at inabot iyon sakanya.

"Ang galing mo naman maglaro, pwede paturo?" I joked. Pero hindi sumagot ang lalaki at umupo lang sa gilid.

Nasa gitna namin ang duffel bag nya at ang maliit ko na pouch. Nilingon ko ulit si Royce at tinignan ang itsura nya ngayon.

"Gusto mo bilhan kita ng gatorade? You look so tired."

Binaba nya ang iniinuman na water bottle at nilingon ako. Pinasadahan nya rin ang namamasang buhok. He stood up and paused lightly. Royce glanced sideways, with a slight alienation and a touch of impatience that he didn't want to cover using his deep eyes.

"No thanks. I'm fine with this." tukoy nya sa tubig na dala.

Hinayaan ko nalang sya na bumalik ulit sa kumpulan ng mga kasama nyang players. Hindi ko nga alam na mag s-shower pa pala sya! Iniwan nya lang ako bigla doon habang dala-dala ang duffel bag papunta sa shower room nila!

Kung hindi ko nadinig ang kasama nya na nagpaalam sa girlfriend nya na mag s-shower muna, baka hindi ko talaga malaman. I thought na aalis na sya at iiwan nalang ako bigla.

Ngumuso nalang ako at tumayo muna para iinat ang mga paa. May mga nauna nang lumabas na kasama nyang mga lalaki. Pero walang Royce na sumunod sakanila!

Kinawayan ko 'yung pamilyar saakin na lalaki. I think 'yung Sheldon.

"Hi! Ikaw si Sheldon diba?" tumango sya sa tanong ko. Lumapit din ako sakanya para makipag-usap nang maayos.

"Uhm, pwede ba pakisabi kay Royce na sa labas lang ako maghihintay? Bibili lang ako ng maiinom para sakanya."

"Patapos na naman si Ali. Nag bibihis na sya 'nung lumabas ako."

Stray Feels (dela Fuergo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon