Chapter XIV : Little Things
NORMAL POV
Kakatapos lang ayusin ng mga damsels ang kanilang mga gamit. Sabi kasi ng Ama nila, kahit wag na daw dalin lahat ng gamit. Basta yung mga importante lang dahil may mga kasuotan naman na nakalaan para sakanila sa SMent. Pero sa ngayon, mga nakasuot sila ng puting dress.
May tatlong oras pa ang EXO at mga damsels bago sila ipadala sa SMent. Nasa sala silang lahat. Tahimik lang. Walang nagsasalita. Lahat ng EXO ay nakahawak sa kamay o kaya naman ay naka-akbay sa mga kapareha nila.
Nalulungkot sila dahil pagdating nila sa SMent, hindi na pwede masyado ang lambingan. Madami pa silang kailangan gawin. Madami pa silang dapat matutunan.
Nagkatinginan naman si Erika at Monique. Nag-telepathy silang dalawa.
“Sis, ang lungkot.” – Erika
“Oo nga sis eh. Ano kaya pwede nating gawin? Hindi ako sanay na tahimik ‘tong mga alien eh.”
“Pagluto nalang natin sila! Matatakaw yan eh.”
“Hmmm sige.”
“Hoy mga alien. Ang tahimik niyo.” Sabi ni Monique sakanila.
“Eh kasi naman. Haaay.” Sagot ni Tao.
“Wag na nga kayong malungkot!”
“Mga damsels tara!” – Erika
“Sa’n punta?” – Abby
“Tara sa kusina. ^_^”
Nagtayuan naman ang mga damsels. Tumayo rin si Sehun, Kai at Tao.
“Hep hep! Damsels ba kayo ha? Dandies kayo diba? Hahahaha!” – Abby
“Ehhhh babe sama koooo. >3<” /pout/ - Kai
“Tumigil ka. Magluluto lang kami. Wait. ^_^”
“Oo nga Hunnie. Bitawan mo ko.” Sabi naman ni Ara kay Sehun.
“Hoy mga maknae, bitawan niyo na yan.” Sabi ni Kris sakanila.
“Ano ba yan. Wala talagang ka-sweet sweet. Hahahaha. Letse.” Sabi ni Bea kay Kris. :D
Nagpunta na ang mga damsels sa kusina at nagsimula nang mag-luto ng kung anu anong pagkain. Sa kabilang banda naman, inaayos ng EXO ang garden. Gumawa si Baekhyun ng kung anu anong klaseng ilaw. Pinalibutan din niya ng ilaw yung fountain.
Ginawa naman ni Suho na kulay rainbow yung tubig na lumalabas sa fountain. Gamit ang telekinesis ni Luhan, gumawa siya ng maraming table at upuan na pang-dalawahang tao. Tapos gamit ang teleportation ni Kai, siya ang nag-aayos ng mga upuan at table.
Gumawa naman si Xiumin ng kandila na gawa sa yelo. Tapos nilagyan yon ni Chanyeol ng apoy mula sakanya. Eto lang yata ang kandila na hindi nalulusaw ng apoy. Hahaha. :D
At dahil naman sa kapangyarihan ni Kyungsoo, nakagawa siya ng maraming rosas. Ginawa niyang bouquet. Tig-isang bouquet ang bawat EXO.
Inayos naman ni Lay ang arrangement ng mga plato, baso, kutsara’t tinidor. Nagbihis ang EXO. Lahat sila ay naka-coat and tie. Nagsimula na silang magpatugtog don gamit ang isang player.
“Sa tingin niyo? Magugustuhan nila ‘to?” Tanong ni Chen sakanila.
“Sana naman. =3=” Sagot ni Baekhyun.
Habang nasa kusina ang mga damsels na halos kakatapos lang nila ayusin ang mga naluto nila ay nakadinig sila ng tugtog mula sa garden.
“Nadidinig niyo yon?” Tanong ni Jerin sakanila.
“Oo. May ano sa labas?” Tanong naman ni Patricia.
“Tara tingnan natin. Dalin na rin natin ‘tong mga niluto natin.” Sabi namani Ayis.
Lumabas ang mga damsels sa kusina at nagulat sila dahil wala ang EXO sa sala. At pagtingin nila sa garden. Lahat sila ay napahinto sa nakita nila.
*O*
“Shet. Ang ga-gwapo!” Sabi ni Ara nang makita ang EXO na nakangiti sakanila.
“Nasa heaven na ba tayo?!” Tanong naman ni Abby sakanila.
“Girl baka nga.” Sagot naman ni Leriz.
Gamit ang telekinesis ni Luhan, pinagalaw niya ang mga lutong dala ng mga damsels at dinala yon sa isang mahabang table na malapit sakanila.
Isa isang nilapitan ng EXO ang mga kapareha nila at hinawakan ito sa kamay at dinala sa kanya kanyang table. Ang damsels naman ay speechless parin sa nangyayari.
“T-teka bakit may ganito?” Tanong ni Bea kay Kris.
“Para sainyo ‘to. Huling gabi na nandito tayo sa labas ng SMent. Gusto namin na maging memorable yon.”
Isa lang ang masasabi ng mga damsels sa EXO. Napaka-sweet nila. Akala nila, magmumukmok lang ang EXO sa isang tabi pero ngayon, eto sila. Feeling mga prinsesa kasama ang mga kapareha nila.
“Diyan ka lang ha? Kukuha kaming pagkain para sainyo. Pagsisilbihan namin kayo. ^_^” Sabi ni Xiumin kay Marella.
Nagtayuan na ang EXO at kumuha ng pagkain. Nagkatinginan naman ang mga damsels. Mga kilig na kilig. Hahaha. Feeling JS prom. Ano ba yan :”>
Pagbalik ng EXO sa table. Nagsimula na silang kumain kasama ang mga kapareha nila. Nagsu-subuan pa sila. Sobrang peaceful ng gabing ‘to para sakanila pero at the same time, meaningful at memorable din.
Sobrang saya ng mga damsels na nakikita nilang nakangiti ang mga kapareha nila habang kinakain yung mga luto nila. At sobrang saya din naman ng EXO dahil ramdam nila na naramdaman ng mga damsels na espesyal sila para sakanila.
Nang halos matapos na sa pag-kain ang EXO at mga damsels. Tumayo ang mga EXO at nilahad ang kamay nila. Inaya nila ang mga kapareha nila na makipagsayaw sakanila. Sakto naman na ang tumugtog ay ang piano version lang ng baby don’t cry.
Nagtayuan na ang mga damsels habang nakahawak sa kamay ng kapareha nila. Dinala ng EXO ang mga damsels sa fountain. Lahat sila ay nakaikot sa fountain na yun at nagsimulang magsayaw ng slow dance.
“Sa’n niyo ‘to nakuha? Haha.” Tanong ni Shea kay Chanyeol.
“Haha. Yung idea na ‘to? Wala. Minsan lang kaming may napanood na ganito tapos ginaya namin. Haha.”
Magkatitigan lang ang EXO at mga damsels habang sumasayaw. Pero malaunan, inakap nila ang mga kapareha nila habang patuloy sa pagsayaw.
Napapapikit nalang sila dahil damang dama nila ang bawat sandali na magkasama sila at walang gumugulo sakanila. Sa araw araw na sweet at malambing ang EXO, eto ang pinaka-kakaiba sa lahat ng ginawa nila.
Hindi in-expect ng mga damsels na ang mga alien na ‘to eh may nalalaman palang ganito sa talambuhay nila. Haha. Hanggang lumalalim na ang gabi. Hindi nila namamalayan na papalapit na ang alas-dose.
Biglang nag-teleport ang Ama nila kaya napatigil silang lahat sa pagsasayaw.
“Magandang gabi mga itinakda.” Bati ng Ama nila sakanila.
“Magandang gabi Ama!” At nag-bow silang lahat.
“Handa na ba kayo?”
“Opo!”
“Kung ganun ay bumilog na ko ngayon din at maghawak hawak ng kamay.”
Sinunod naman ng mga itinakda ang sinabi ng kanilang Ama.
“The chosen twelve dandies and chosen twelve damsels are finally united. You may now come back to the place where you belong. I shall send you back to SMent. Legends, please guide us.”
BINABASA MO ANG
We Are One (EXO)
FanfictionWhat if you're one of these damsels? Are you willing to be one of them? (Other Kpop groups were involved here)