A/n: Sorry chingus kundi ako nakakapag-update. Alam niyo naman nangyayari sa fandom natin right? :( So ayun, read, vote, comment. xx #WMAExo
---
Chapter XVII : Conflict
BEA’s POV
Ngayon na yung araw na magte-training kami. Yung EXO muna daw yung magpa-practice tapos ipapatawag nalang kami mamaya. Aaralin muna daw ng EXO yung steps para madaling ituro samin. :)
Kami namang mga damsels dito, kanya kanya ng ginagawa. Yung iba naglilinis. Yung iba nagluluto ng merienda namin. Yung iba nagsasayaw na dito. Ako eto, nandito lang ako sa labas ng dorm. Naglalakad lakad muna ko dito.
Makapunta kaya sa timog? Papanuorin ko silang magpractice? Bakit hindi diba? Tutal wala naman akong gagawin dun sa EXO planet e.
Naglakad lakad na ko papunta sa timog. Tahimik lang yung nadadaanan ko. Panay kakahuyan. Nang malapit na ko sa Training room nakita ko silang nagpa-practice. Kaso EXO-K muna yung sumasayaw. Makikita mo yung ginagawa nila kasi glass eh.
Nagtatago ako sa isang puno baka kasi maantala yung pagpa-practice nila pag nakita nila ko. Sumunod naman na tumayo ang EXO-M. Nakita ko si Chanyeol na umalis saglit. Sa’n kaya pupunta yun?
Patuloy lang ako sa panunuod sa EXO-M. Waa! Kaloka! Napaka-swag ni Kris ko! Hahahaha! Napakagwapo pa gumalaw! Sadyang cold lang kami minsan pero ganun talaga kami. That’s our style nga diba? Haha!
Lumabas na ko sa pinagtataguan ko. Sumandal na ko sa puno para mapanuod sila ng malinaw. At tsaka mukhang di nila ko mapapansin. Seryoso silang nagpa-practice oh.
O___o
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Paglingon ko…
“Aish! Chanyeol naman, tinakot mo ko.”
Tumingin na ulit ako kala Kris na nagpa-practice pero biglang humarap sakin si Chanyeol. Ang tangkad niya kaya. Hindi ko rin siya tinitingnan. Hindi nga siya nagsasalita eh.
Bigla niyang hinawakan yung chin ko. Tapos….
O/////////o
Chanyeol bakit mo ko hinahalikan?!
O////////o
Lagot ako nito kay Shea! Hala Chanyeol! O/////o
“CHANYEOL?!”
Nagulat ako nung biglang sumigaw mula sa likod ni Chanyeol. Napahinto naman si Chanyeol sa ginagawa niya at tsaka siya tumakbo papalayo.
Nakita ko si Kris na papalapit sakin. Yung mata niya, punong puno ng galit? Pero bakit may luha? Pero pinunasan niya kaagad.
Paglapit niya sakin, hinatak niya kaagad ako sa gitna ng SMent. Kung sa’n tahimik at maraming puno.
“BAKIT KA NAKIKIPAGHALIKAN KAY CHANYEOL?!!”
O___o
“K-kris hindi—“
“ANONG HINDI?! KITANG KITA KO NAKIPAGHALIKAN KA!”
“Hindi—“
“PLEASE BEA! NAKITA NG DALAWANG MATA KO! I’M NOT BLIND! DAMN!”
O____o
“Siya yung humalik! Hindi ko rin alam kung bakit niya ko hinalikan! I didn’t response pero hindi kaagad ako nakaalis sa pagkakahalik niya kasi nga nagulat ako Kris! Nagulat ako!”
BINABASA MO ANG
We Are One (EXO)
FanfictionWhat if you're one of these damsels? Are you willing to be one of them? (Other Kpop groups were involved here)