Chapter XX : Wolf

175 9 4
                                    

A/n: Long time no update! Mianhae. May nagbabasa pa ba nito? :) =((((( Mmm, congratulations Baekhyun and Taeyeon! Kahit masakit sa damdamin ko na tinago niyo sakin ng apat na buwan ang relasyon niyo, tatanggapin ko. </3 Charoooot! Hahaha! :*

---

 

 

Chapter XX : Wolf

 

 

NORMAL POV

 

 

*grooooooooooowl*

Isang napakalakas na tunog ang umalingawngaw sa loob ng SMent. Sabay sabay na nagpalit nang katauhan ang EXO. Naging wolf silang lahat at sabay sabay na tumatakbo papalabas ng SMent.

“Sa’n kayo pupunta?”

Bago pa sila makalabas ay nakadinig sila ng isang boses. Lumingon sila sa nagsalita at nakita nila ang kanilang Ama. Wala sumasagot sakanila pero makikita mo sa mapupulang mata nila na galit na galit sila.

Unang humakbang si Suho pero pinigilan siya ng Ama nila.

“Suho, ano sa tingin mo ang gagawin mo?”

 

 

Pilit kumalma si Suho kaya bumalik siya sa pagiging normal ngunit punit punit ang kanyang pang-ibaba habang wala naman siyang suot na pang-itaas.

“AMA! KINUHA NG KALABAN ANG MGA DAMSELS!”

“Huminahon ka Suho.”

 

“HUMINAHON AMA?! HINDI PWEDE!!”

 

“Hindi kami ang kalaban Suho!”

 

“AMA KAILANGAN NA NAMING UMALIS!”

 

“Masyadong malakas ang pwersa nila, wala kayong laban.”

 

“Kami na pong bahala. Paalam Ama.”

 

 

Bumalik sa pagiging wolf si Suho. Nagsimula na silang magtakbuhan papalabas ng SMent. Dadaan sila sa kakahuyan. Kung isa kang normal na tao, aabutin ka ng tatlong araw at dalawang gabi para maka-abot sa JYP-YG pero kung isang wolf ka naman, wala pa sa dalawang minuto ay makakarating ka na.

Nang makarating na sila sa harapan ng JYG-YG kung saan may isang malaking black hole ang papasukan mo para makarating ka sa loob. Bumalik na sila sa pagiging normal pero pula parin ang mga mata nila.

Madilim at amoy usok ang loob ng JYP-YG. Hindi tulad nang sa SMent maganda ang tanawin at fresh ang hangin.

Nagtataka sila kung bakit wala sila G-dragon dito. At kung bakit walang sumusugod sakanila. Maingat na tinitingnan ng EXO ang bawat kwartong madadaanan nila pero wala ang damsels dun.

“Malamang naghahanap na sila ngayon. Hahahahaha!”

 

 

Nang makadinig nang nag-uusap ang EXO ay bigla silang napapasok sa loob ng isang kwarto. Sumilip sila sa maliit na bintana ng kwarto para makita kung sino ang nag-uusap.

Hyelim: Oo malamang hinahanap na yon. Haha.

 

Wooyoung: Tss. Sarap nga halikan nung Abby habang tulog eh. Hahahaha!

 

 

Napa-close fist si Kai sa nadinig niya. Gusto niyang lumabas ng kwarto pero pinipigilan siya ng EXO.

Sunye: Eh si Chansung nga eh! Hinalikan rin si Ayis. Hahaha!

 

Chansung: Ganun talaga. Mamayang gabi, iba naman. *smirk*

 

 

Hindi na nakapag-pigil si Tao sa nadinig niya, lumabas silang dalawa ni Kai sa pintuan at tsaka sinugod si Chansung at Wooyoung. Pinag-susuntok nila yung dalawa.

Ang ibang EXO naman ay tinakpan ang bibig ni Sunye at Hyelim. Hindi nila masaktan ito dahil babae. Ginamit ni Luhan ang kapangyarihan niya para pagalawin ang internal organs ni Sunye at Hyelim para hindi makapag-salita.

Pinagtulungan ng ibang EXO si Chansung at Wooyoung hanggang sa mapatulog nila ito. Dinala nila yung apat sa isang kwarto. Gumawa si Chen at Baekhyun ng lightning na magsisilbing kadena nung apat.

Nilusaw ni Chanyeol gamit yung apoy niya nung lock ng pintuan na pinaglabasan nila Chansung kanina.

Pagbukas nila ng pintuan ay nakita nila ang mga damsels na naka-dena gamit ang matutulis na panali. Tinanggal nila ang pagkakatali at tsaka itinakas ang damsels hangga’t wala sila G-dragon.

Mabilis na nakabalik ang EXO na bitbit ang damsels. Pinupunasan nila ang mga damsels dahil may mga pasa at sugat sa kamay gawa na rin ng kadena. Malamang ay binugbog din sila ng JYP-YG.

Nagtangka rin iligtas ng EXO ang Girls generation pero hindi nila mahanap kung saan nakatago ang GG.

Habang binabantayan ng EXO ang damsels ay unti unti nilang minumulat ang mata nila.

“Sino ka?!”

We Are One (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon