Chapt. 39 In The Mood For Love

263 6 0
                                    

SALLY'S POV

"May nakaalam ba tungkol satin?" Tanong ni Ice sakin. Nasa backyard kami ng bahay ni Ice. Nagpa-party sa loob ang kapatid ni Ice na si Jennie kasama ang mga kaibigan niya at tsaka tita at tito ni Ice.

"Wala..."

"I want us to keep our relationship for a secret for now. Until sa masabi natin sa kanila." Sabi niya at tsaka hinawakan ang kamay ko.

Napabitaw ako sa paghahawak kay Ice nang bumungad samin si Jennie. "Ate Sally! May cake dun sa loob! At madami pang pagkain!"

"Hehe. Nag enjoy ka ba today?"

"Yes! Salamat sa pagbe-bake ng cupcakes!" Sabi niya at yinakap ako. Ang cute ng kapatid niya ^___^ Ang ganda pa!

"Walang anuman." Sabi ko at tsaka ti-nap ang ulo ng kapatid niya. "Nga pala, ilang taon ka na ngayon?"

"Oh. 15 na po. Magco-college na po ako." Oh my! Co-college na pala siya! Eh bakit baby face pa din 'to? Ang cute talaga niya.

"Talaga?"

"Yes po."

"Jennie!" Tawag sa kanya ng Tita niya. "Papasok muna ako Ate. Kuya Ivan ah, I'm watching you."

Tumawa nalang ako.

*THE NEXT DAY*

Kumakain ako sa dining room nang mag ring ang phone ko. Sinagot ko kaagad ito.

"Hellooooo???"

["Sally....."]

Yung boses niya, maygad. Bakit kinikilig ako? Abnormal ko din eh >.<

"Oh??"

["Gusto ko sanang..ahm.."]

"Yes?"

["Gusto ko sanang sabay tayong--"]

"Mauna ka na lang sa school. Baka matagalan pa ako eh."

["Bakit?"]

"Secret."

Rinig kong nag sigh siya sa kabilang linya.

["Sige, see you at school."]

___________

Pagdating ko ng school, agad kong pumunta sa classroom. Pagpasok ko, sina Nathan, Trevor at Jasper lang dun. "Oh! Good morning!" Bati nila sakin. Nginitian ko lang sila at tsaka umupo na sa desk ko. Nang makaupo na ako, kinuha ko kaagad ang phone ko at tinext si Ice. Nasaan kaya yun?

After 5 minutes, hindi pa din siya nakareply. Pfft, baka kung saan-saan na yun.

May biglang lumabas na notif kaya binuksan ko iyun. May bumungad na isang Facebook page. Ano 'to?  K.U. Chikkas? Sino nag add sakin dito?

Nag scroll down ako at may nakita akong post.

Posted:4 days ago
Could it be that Ivan Christoffer Estacio known as Ice, the leader of the gang named BP7, is inlove with a certain girl? Ivan Christoffer Estacio has posted on his facebook timeline yesterday that he wants to be loved by this certain girl. But who is this girl he's describing?
Mystery girl, who are you who captured Ice's heart?

Agad kong na-off yung cellphone ko. Pinaandar ko yun ulit at tinignan ang mga comments ng mga students.

"I'm sure she's a b*tch!"

"Kung sino man ang babaeng mahal ni Ivan Christoffet Estacio, humanda ka sakin. Hahanapin talaga kita."

"No way! Whoever that girl is, we will make sure to find her. Hindi pwedeng may girlfriend si Ice! He's mine! Mine only!"

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon