Chapt. 38 Happiness

269 9 0
                                    


CASS' POV

Nandito ako ngayon sa airport kasama si Andrew at Trevor. "Trevor, bakit nandito ka?"

Tinignan niya ako at tsaka napakamot sa batok niya. "Uh... Aarcade sana kami ni Andrew eh kaso sabi niya samahan ka niya muna." Tinignan ko si Andrew at sinamaan ng tingin.

Nga pala, bakit nandito kami sa airport? Well, uuwi na kasi ang cousin ko. Si Charlene kasi pinaaral ng parents niya sa America kaya ayun hindi nakauwi for 8 years.

Excited na akong makita siya. She's older than me nang isang taon lang. She's 19 years old. I'm guessing na gumanda lalo si Charlene ^___^ She is moving to Sabertooth Academy. Doon na siya aaral.

"Ilang taon na ang cousin mo, Cass?" Tanong ni Andrew sakin.

"19 years old."

We decided to eat muna sa isang resto sa loob ng airport. After that, bumalik kami ng waiting room para maghintay naman ulit.

*20 minutes later*

Narinig namin na kakalanding lang daw ng plane na galing sa America. Omo! Baka nandito na si Charlene! ^____^

Napatayo agad ako at hinila ang dalawa malapit sa gate na linalabasan ng mga arrived passengers.

Nagulat nalang ako nang may bumungad na babaeng kulay blonde ang buhok. She smiled sweetly at me at tsaka niyakap ako. Homomo! Si Charlene ba 'to?

"Long time no see, Cuz." Sabi niya at tsaka kinurot ang dalawang pisngi ko.

Nang matauhan na ako, agad ko siyang tinignan ulit. "What? Hindi mo na ba ako makilala, Cass?"

"Ate ikaw ba iyan?" Tumawa siya ng konti. "Of course! Sino pa ba? Wala naman akong may pinagbago ah?"

"Gumanda ka lalo Cuz!" Ngumiti siya at tsaka napatingin siya sa dalawang lalake na nasa likod ko. Nakangiti si Andrew while si Trevor naman ay nakanganga.

Lumapit si Andrew at tsaka nagpakilala. "Hello po. Ako si Andrew." Sabi ni Andrew. "Boyfriend ni Cass." Dagdag niya pa. Pinalo ko kaagad ang balikat niya. Langhiya talaga.

"Oh my! Cass boyfriend mo 'to? Ang gwapo naman!"

"Salamat po, Cousin ni Cass."

"Haha call me, Charlene." I was happy na sa wakas, nakauwi na si cuz.

__________

Right now, sumasakay kami ng taxi pauwi. Si Trevor nasa front seat while nasa back seat kaming tatlo nina Andrew. Ako ang nasa gitna nilang dalawa.

"Ate may pasalubong ka ba para sakin?"

"Wala." Nag pout agad ako at yumuko. Grabe! Love na love ko siya tapos nakalimutan niya pala akong bilhan ng pasalubong? Andaya!

"Nagbibiro lang. Of course, meron."

Pagkadating namin ng bahay, tinulungan nina Trevor at Andrew si Charlene sa pagbuhat ng mga bags niya. Infernes, nagpapakagentleman si Andrew kay Charlene, while sa akin hindi.*pout*

Nang makapasok kami, ipinasok na nila ang mga bags ni Charlene sa kwarto nila. Magpapahinga muna si Charlene. Kami naman ay pumunta sa living room para makapagpahinga.

"Wawz, nakakapagod." Sabi ko pagkaupo ko ng sofa. Tinignan ko si Trevor pero nakatulala lang siya at parang may iniisip na malalim. Anong problema ng pandak na 'to? Pitikin ko na sana ang noo niya kaso inunahan na ako ni Andrew.

"Saang planeta ka Hyung? Be it Jupiter, Mars, Venus, Mercury, Saturn, Nep---"

"May iniisip lang ako." Tumabi lang ako sa kanya at tsaka tinanong siya. "May problema ka ba? Baka makatulong ako."

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon