Chapt. 62 Missing

230 7 2
                                    

SALLY'S POV

Sinuot ko yung makapal kong jacket at tsaka umalis na kaagad. Dumeretso na ako sa hospital kung saan si Chrystal. Kakatawag lang din kasi ni Zion sakin at tsaka sinabihan niya akong nasa hospital daw si CJ.

Habang papunta ako dun, hindi ko maiwasan mag-alala para kay Chrystal. Okay lang ba siya? Ano bang nangyari sa kanya? Hindi naman siya ganun ka clumsy para magka foot injury?

Nang makadating na ako sa hospital, dumeretso na agad ako sa kwarto ni Chrystal. Nagulat ako nang makita sina Nathan at Jasper sa labas ng kwarto ni CJ. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Tinawag kasi kami ni Zion Hyung eh. Nasa loob siya." Sabi ni Nathan at tinuro yung pintuan.

"Uuwi na kami, Sally. Pakisabihan na nga lang si Zion." Paalam nina Jasper at Nathan tsaka nagsitayuan na. Tinanguan ko lang silang dalawa at tsaka na ako pumasok sa kwarto ni Chrystal.

Naabutan ko silang dalawang nag-uusap. Nginitian ako ni Chrystal. "Nandito ka pala, Sally." Linapitan ko siya at tsaka niyakap.

"Okay ka lang ba?" Nag-alalang tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko yung likod niya.

"Yung paa ko lang naman ang masakit Sally eh. Okay lang ako." Mahinang sabi niya.

"Sinong gumawa sayo neto?"

Napayuko siya at tsaka linaro ang mga daliri niya. "Yun ang hindi ko alam."
Napaangat siya ng ulo at nginitian ako ng peke. "Ang alam ko lang, tinulak ako at nahulog sa hagdan."

"Magpahinga ka nga lang muna sa hospital. Ako na ang bahala kina Shan at Cass." Tumango lang siya. "Zion, hindi ka ba papasok ngayong araw?"

Umiling si Zion at inabutan si CJ ng tubig. "Okay, then. Aalis muna ako. Babalik lang ako dito mamaya pagkatapos ng klase." Pagpaalam ko.

Nang makalabas ko ng hospital, naglakad-lakad muna ako sa kalye, hoping na makakita ng kahit convenience store lang. Ang aga ko pa kasi umalis ng bahay kaya hindi ako nakakain ng breakfast. Nang makakita ako ng kakabukas lang na convenience store ay agad akong pumasok dun at tsaka bumili ng ramyeon at tubig. Umupo ako sa mga lamesa sa labas lang ng store at tsaka binuksan na yung ramyeon.

Akmang susubo na sana ako nang mapansin ko yung lalakeng nakatalikod sakin at parang familiar siya. Hindi ko nalang siya pinansin at sumubo na ng ramyeon.

"I never expected seeing you here." Napaangat ako ng ulo habang may ramyeon pa sa bibig ko. "Ti---"
Umupo siya sa harapan ko at tsaka linapag ang tray niyang may dalawang cheesedog at tsaka soda.

Sumubo ulit ako ng ramyeon bago magsalita. Anong ginagawa niya dito?
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya out of curiousity. It's not like na cu-curious ako. Eh kasi may pakiramdam akong sinusundan niya ako kung saan ako pumupunta pero ayaw kong mag assume.

"I live near this place kaya madalas akong pumupunta sa store na ito. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya din sakin at sumubo ng cheesedog.

"Uh-uh... Galing kasi ako ng hospital. Naaksidente yung kaibigan ko." Tumango lang siya at tsaka sumubo ulit ng cheesedog. After that weird conversation, binalot kami ng katahimikan. Inubos ko na yung ramyeon ko at akmang tatayo na ako nang magsalita ulit siya. "Papasok ka na?" Tanong niya.

Tinignan ko muna yung relo ko. "Yes. 6:50am na din kasi kaya mauna na ako." Pagpaalam ko sa kanya. Nginitian niya ako at tsaka kumaway.

Sumakay na agad ako ng jeep papuntang school. Pagdating ko sa classroom, linapag ko kaagad yung bag ko sa upuan ko at tsaka lumabas. Pumunta ako sa likod ng building at umupo sa ilalim ng puno. Sinaksak ko yung earphones sa tenga ko at pumikit ng mga mata. This calm feeling... I wanna stay here.

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon