Chapt. 65 The Plan To Escape

201 6 3
                                    

ICE'S POV

Nanginginig yung mga paa ko habang lumalakad ako sa gitna ng napakalakas na ulan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kinuha na yung kotse ko para mapalitan ito ng gulong. Nanghihina na yung katawan ko. Konti nalang at bibigay na talaga ako. I'm so fckin hurt, scared and angry. Fck! I hate myself.

Hinayaan ko lang yung sarili ko na mabasa ng ulan. Pake ko ba kung magkasakit ako? Pake ko ba ha? Tumutulo naman ang mga luha ko dahil sa galit. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para maligtas si Sally sa kapahamakan. Tumingala ako sa langit. Sally, magpakatatag ka muna. Gagawa ako ng paraan para maligtas kita. Hindi ako susuko hangga't hindi kita maligtas. Pangako, ililigtas kita.

"Ice?" Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko na may hawak na payong at nagtatakang nakatingin sakin. Pumeke ako ng ngiti.

"What are you---"

"Masama na bang maligo sa ulan ngayon?" Fck you, Ice. Ginawa mo pang bumiro despite the fckin situation your in.

"Saan yung kotse mo? Tsaka anong trip mo ngayon para maligo sa ulan ha? Gago ka ba? Tara paparahan kita ng taxi." Tumabi siya sakin kaya hindi na ako nababasa ng ulan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinahiran yung mga pisngi ko. Hindi naman halata na umiyak ako diba?

"Kinuha yung kotse ko. Na-flat kasi." Sabi ko.

"Ahh." Napatahimik kaming dalawa at pinatuloy lang ang paglalakad hanggang sa makadating kami sa highway.

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Hinarap niya din ako na nakakunot ang noo. "Bakit?"

"Jasper, can I ask you a favor?"

"Oo naman. Ano ba yun?"

"Can you.... Help me with something?"

"Ano ba kasi yun?"

"Help me escape Sally."

ANDREW'S POV

Dalawang araw na ang lumipas at nandito pa din kami sa pesteng building na ito. At nakakaputa ang mga tauhan dito, pinapakain lang kami ng mga pagkaing napulot nila sa mga basura. Kung sila kaya ipapakain ko neto? Mga walang kwenta.

"Kainin niyo yan!" Pamimilit netong lalake sakin at parang sinusubsob pa lalo yung plato sa mukha. Puta, napipikon na talaga ako. Kung hindi lang nakatali 'tong mga kamay ko, kanina ko pa sinubsob yung basurang pagkain sa mukha niya eh. Nakakainis!

"Eh kung ayoko?" Nagulat ako nang ihampas niya yung plato sa mukha ko kaya kumalat mga basurang pagkain. PUTANGIN---

"Sarap?" Tanong niya sakin tsaka kinuha yung plato tsaka na umalis.
Nang mapatingin ako kay Cass ay tumutulo na naman ang mga luha niya. I spat out disgusting food. Gago talaga yun, ihampas ba naman sa mukha ko ang isang plato na may lamang basura? Yak.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Zion Hyung.

"Of course, Hyung. Kayo?" I tilted my head at nakita si Trevor na natutulog sa tabi ni Zion Hyung. Nagulat ako nang makitang dumudugo ang mga wrists niya. Ano bang ginawa ng lalakeng 'to habang natutulog kami?

"Gutom na ako..." Sabi niya at unti-unting gumising. Napatingin siya samin na nakakunot noo. Baka nagtataka kung bakit kanina pa kami nakatingin sa kanila.

"Oo alam kong ang panget at ang baho ko na pero huwag niyo naman ako tignan ng ganyan." Sabi niya. Gague talaga.

"Eto, kainin mo total baboy ka naman. Sarap yan." Kinuha ko yung basurang pagkain tsaka akmang isusubo na sana ito sa kanya nang hawiin ni Zion Hyung yung kamay ko.

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon