10: Secret Garden

9.4K 322 34
                                    

Chapter 10: Secret Garden





"Bibisitahin n'ya ho kayo ngayon" Pagpapaalala ni Sterope sa'kin habang nakaupo kaming pareho ngayon sa lilim ng puno ng mansanas sa burol na tinatambayan namin noon.

"Sino?" Tanong ko habang hindi parin inaalis ang mga mata ko sa singsing na nasa daliri ko ngayon.

The most precious gift from Hades. The most special gold and diamond among all golds and diamonds. A gift from a demon's heart

Ugh, 'di parin maalis sa isip ko 'yong mga salita na lumabas sa kan'yang bibig kanina nang binigay n'ya 'tong singsing sa'kin.

"Si Psyche po" napalingon ako kay Sterope nang marinig ko ang sinabi n'ya.

Psyche? The mortal wife of Eros, the god of love, procreation and sexual desire.

"Anong gagawin n'ya sa impyernong 'to?"

Ba't naman pupunta rito 'yong asawa ni Eros sa impyerno kung pwede namang ako ang pumunta doon para 'di naman s'ya maperwisyo sa mga naglalakad na mga patay rito.

"Para po manghingi ng inyong ganda."

What the fvck?! Manghingi ng ganda? How?!

"P-pa-pano?" Naguguluhan kong tanong habang magkadikit ang mga kilay. Pano ba ibigay ang ganda?

Magdo-donate ako sa kaniya ng mukha? Tangina, gaguhan ba yun?

"Tanging mga diyosa lang ho ang nakakaalam, hindi ko ho alam 'yan."

What the h*ck?! Alangan namang ibigay ko ang ganda ko sa kan'ya?! Ang mismong mukha ko ba talaga?

"I don't understand"

"Magdadala ho s'ya ng timba mamaya na paglalagyan ng inyong gandang ipagkakaloob sa kan'ya. Napag-utusan na naman ho s'yang muli ni Aphrodite."

Yeah right, Aphrodite, goddess of love, beauty and desire. S'ya ang ina ni Eros at naiinis s'ya sa asawa nito na si Psyche dahil sa angkin nitong ganda kahit isa itong mortal.

Inggitera siguro ang diyosang si Aphrodite kagaya ng pinsan kong si Kate.

"I-ibig mo bang sabihin ilalagay ko sa timba ang ganda ko?" Agad akong napalunok ng laway at napahawak sa mukha ko.

"Opo, maglalagay ho kayo ng ganda sa timba, nagawa n'yo na ho 'yan dati."

Fvck?! Wala akong maalala. Proserpine did that but I am Faith, we're different.

Wala akong kaide-ideya kung pano gawin yun.

"Uhmm-" magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok sa isip ko.

Sh!t! Ang talino mo tal'ga Faith.

"Bakit ho?"

"May hardin ba dito sa Underworld?"

"Meron ho pero kayo lang din po ang nakakaalam n'on" The fvck?! Only Proserpine knows where that fvcking garden is?

"Alam din ba ni Hades kung nasan 'yon?"

"Opo al-" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Sterope nang agad akong tumakbo at bumaba ng burol.

"Mahal na reyna s'an ho-"

"Kay Hades!" Sagot ko sa kan'ya at agad na kumaripas ng takbo papuntang templo.

Alam kong nandon lang nakatambay si Hades.

Gusto kong dalhin ako ni Hades sa hardin para may ipagkaloob akong ganda mamaya kay Psyche.

And I'm curious about the garden in this hell, is it beautiful?

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon