26: The Root Of All Chaos

5.7K 191 7
                                    

Chapter 26: The Root Of All Chaos







Third Person's Point of View (Story ni Hecate)

Hindi nahirapang mahalin ni Proserpine ang demonyong dumukot sa kan'ya upang gawin s'yang reyna ng impyerno. Gayun n'ya lamang napagtanto na ang pag-ibig ng demonyong si Hades ang pinakamagandang bagay na natanggap n'ya sa buong buhay at alam n'yang walang sino man ang makakapantay dito.

Mula nung nawala si Proserpine sa piling ng Ina n'yang si Demeter ay nagkaroon na nang paghihirap at gutom ang sangkatauhan.

Hindi na nito magawa ang tungkuling bigyan ng masaganang ani ang mga tao dahil sa hindi n'ya matanggap na naging asawa ng nag-iisa n'yang anak ang Hari ng impyerno.

"Kung may paraan lang upang mabawi kong muli ang anak ko" sabi nito sa kausap n'yang si Hypnos ang diyos ng pagkakatulog.

"May paraan Demeter, pumunta ka sa diyosa ng muling pagkabuhay at humiling na mawalay ang anak mo kay Hades."

Agad na sinunod ni Demeter ang payo ni Hypnos at pumunta siya sa templo Attis ang diyosa ng muling pagkabuhay.

Ngunit bago paman s'ya makabunta sa kinaroroonan ay hinarang s'ya ni Hermes upang ibalita na may gagawing pagpapasya si Zeus at si Rhea para sa kalagayan ni Proserpine.

Nagtipon ang lahat ng diyos at diyosa sa Olympus kasama na sina Hades at Proserpine. Pinangunahan ito ni Zeus at Rhea na Ina ng tatlong pinaka makapangyarihan na diyos (Poseidon, Hades at Zeus).

Tinanong nila ang diyosang si Proserpine kung sino ang kan'yang pipiliin ngunit mas nanaig ang pag-ibig n'ya kay Hades kesa sa pagiging anak n'ya kay Demeter. Pinili ni Proserpine si Hades.

Alam ng lahat na hinding-hindi ito matatanggap ni Demeter kaya napagpasyahan na mahahati ang panahon ni Proserpine. Sa unang anim na buwan ng taon ay makakasama niya ang ina at sa huling anim na buwan ay makakasama n'ya sa impyerno ang kan'yang asawa.

Maganda ang naidulot sa pasyang iyon dahil naibsan ang pagkagutom ng sangkatauhan at nagkakaroon na ng masaganang ani sa unang bahagi ng taon kung kailan kapiling ni Proserpine ang Ina.

Bumalik na sa kaayusan ang lahat ngunit napansin na lamang ng lahat ng diyos at diyosa na naibsan ang pagdurusa at masalimuot na sitwasyon ng impyerno nang makasama na ni Hades si Proserpine. Hinayaan lamang ito ng mga diyos at diyosa.

Ngunit isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Hades nang sumobra ng isang buwan ang pananatili ni Proserpine sa piling ng kan'yang ina. Agad siyang sumugod sa Olympus kahit alam n'yang mapanganib ito sa kan'ya.

Nagtanong s'ya sa lahat ng diyos at diyosa kung saan dinala ni Demeter ang kan'yang asawa ngunit walang makasagot sa kan'ya.

Isang araw habang naghahanap sa asawa ay natagpuan n'ya na lamang ang patay na katawan nito sa isang patay na isla at napag-alaman n'yang ang Ina nitong si Demeter ang mismong pumatay sa diyosa.

Dahil sobrang galit sinunog nito ang isang malaking estatwa na iniingatan ng mga taga-Olympus at lalong nalagay sa masalimuot na sitwasyon ang impyerno.

Hindi nawalan ng pag-asa si Hades na makakasama at makitang muli ang pinakamamahal n'yang asawa. Ilang liham ng pag-ibig ang inalay n'ya kay Aphrodite upang pagbigyan s'yang makasama muli ang asawa sa ngalan ng pag-ibig ngunit hindi ito tinanggap ng diyosa.

Ilang libong taon na ang nakakalipas nang isang malaking pagkakataon ang dumating.

Lingid sa kaalaman ni Hades ay nabuhay muli ang kan'yang asawa sa katauhan ng isang mortal dahil pinagbigyan noon ni Attis ang kahilingan ni Demeter na buhaying muli ang kan'yang anak.

Nabuhay ngang muli ang diyosa malayo sa mga diyos at mga diyosa, malayo sa pag-aagawan ng kan'yang ina at kan'yang asawa dahil sa pasya ni Hypnos at Attis ngunit walang sino man ang makakapigil sa tadhana at sa pag-ibig.

Nang napag-alaman ni Hermes na buhay si Proserpine ay agad n'ya itong pinatulog sa mahabang panahon upang magtagpo ang landas nila ni Hades sa panaginip.

Nagkasama ang muli ang mag-asawa at ginawa ni Hades ang lahat mabalik lang ang pagiging diyosa ni Proserpine. Maaayos na ang pamumuhay nilang dalawa nang napagtanto na naman ng lahat ng diyos at diyosa ang paghupa ng malagim na salimuot sa impyerno.

Napansin nila na hindi na nakabalanse ang impyerno, Olympus at lupa. Nawawalan ito ng balanse sa tuwing magkasama ang dalawa na syang nakakaapekto sa mga taong patay at buhay.

Hindi ito matanggap ng lahat kaya binawi nila sa piling ni Hades si Proserpine at planong hindi na ito ibabalik pa sa asawa.

At kapag nasumpungan na magkasama ang dalawa ay may nakaambang parusa kay Hades na s'yang sumunog ng estatwa noonv nawala ang diyosa.

End of the story



"S-sigurado kabang paparusahan nila si Hades?" Tanong ko kay Hecate matapos n'yang ikwento sa akin ang lahat.

"Oo kaya dapat ay hindi kayo magkita o magsamang dalawa"

"B-bakit? Hindi pwede dahil isa rin sa pinakamakapangyarihang diyos si Hades!" Katwiran ko pa.

"Sinira n'ya ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay sa Olympus at mawawala ng balanse ang lahat kapag magkasama kayo. Hindi pwedeng humupa ang salimuot sa impyerno." Paliwanag muli ni Hecate na ikinagulo ng isip ko.

"S-si Ina? Bakit n'ya ako pinatay noon?

"Mahina ka Proserpine, hindi ka ganoon ka makapangyarihang diyosa upang hindi mapatay pero hanggang ngayon wala paring nakakaalam kung bakit ka n'ya pinatay."

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para lumabas sa gubat na'to at bumalik sa kasiyahan ng Olympus.

"Mag-iingat ka sa mga desisyon mo." Napalingon ako kay Hecate at ningitian s'ya dahil sa babala n'ya sa akin.

"Mangyayari ang dapat mangyari Hecate."

"Pero nakadepende parin ang lahat sa desisyon mo"

"Si Antheia? Wala ba s'yang kinalaman sa lahat ng nangyari noon?" Tanong kong muli.

"Iba ang pangyayari noon sa mangyayari ngayon"

Huminga ako ng malalim at tumango nalang bago naglaho si Hecate sa paningin ko at kumapal ang makukulay na usok sa paligid.

Dali-dali na akong lumabas ng gubat nang makarinig ulit ako ng isang pamilyar na boses ng babae "Hindi na kayo magkikitang muli"

"Antheia" Bulalas ko nang lumingon ako sa likod at nakita ko s'yang suot ang isang di ko maintindihang ngiti.

"Sa isang iglap lang ay hindi na kayo magkikitang muli, nakakalungkot" aniya at tumawa ng malakas.

"Huwad ka Antheia!" Sigaw ko na ikinatahimik nito at agad akong tinapunan ng isang matalim na tingin.

"Magbabago na ang lahat ngayon, magbabago na" yan ang huli n'yang sinabi bago siya maglaho sa paningin ko.

She's such a piece of shit! Huminga ako ng malalim at nag-isip. Ano ba talagang kinalaman ni Antheia sa lahat ng ito?

-MariaClaraPart2

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon