Prologue

25K 706 30
                                        

#TheMythSeries
#Myth1Hades
Catch me on Twitter : @MariaClaraPart2

Stories of Romance featuring the Olympians

It's been century since I fall asleep. My mind is wandering inside an unknown place, a place full of darkness and hugged with silence.

Hindi ko alam pero parang hindi na ako makakaalis sa lugar na'to. Parang walang katapusang kadiliman at walang katapusang katahimikan lang ang nilalakad ko. Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ko, hindi ko narin alam kung ano ang ibig sabihin ng liwanag. Nakalimutan ko narin kung ano ang itsura ng gabi at araw, nakalimutan ko na ang dating mundong tinitirhan ko, ang Real World.

Palakadlakad ako sa mundong hindi ko alam kung may liwanag ba. Nangangapa sa gitna ng kadilimang binabalot ng katahimikan, hanggang kailan ba ako maglalakbay sa mundong 'to?

I don't know where the hell I am.

Patuloy parin akong naglalakad sa kawalan nang bigla akong makaapak ng isang malamig na bagay. When was the last time I felt the touch of the water? A century I think.

Muli akong humakbang at naramdaman ko nalang na parang unti-unting umaangat ang tubig sa katawan ko, maya't-maya pa ay naramdaman kong nalulunod ang sarili ko. Niyayakap na ako ngayon ng napakalamig na tubig.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, gusto kong iahon ang sarili ko sa tubig na'to pero di ko magawa. Hindi ako makahinga, hindi ko kayang huminga sa tubig. Hindi ko alam kung nakadilat pa ba ang mga mata ko o hindi dahil wala akong maaninag. Ang alam ko lang ay nalulunod ako at unti-unting bumababa ang katawan ko sa tubig na'to.

"Faith" Someone's calling my name. Who is he? I want to beg for help.

"Faith" Rinig kong muling sambit n'ya sa pangalan ko.

Why the fvck he keeps on calling my name? Why don't he help me?!

Itinaas ko ang kamay ko para humingi ng tulong pero parang huli na ang lahat dahil nararamdaman ko na ang napakalalim na tubig. I just don't know what to do.

Nawawalan na'ko ng pag-asa, dito na matatapos ang mahabang paglalakbay ko sa kawalan.

I smile a bit knowing that this would be the last moment of my useless life, till I felt someone's holding my hand. Parang unti-unti nitong hinihila ang katawan ko para umahon. Umangat ang katawan ko mula sa tubig dahil may humihila sa'kin.

"Faith" tinatawag n'ya parin ako. Bakit n'ya binabanggit ang pangalan ko? Who is he?

Hindi ko magawang gumalaw, hindi ko magawang magsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinahabol ko ang hininga ko na para bang naubusan ako ng hangin. Hindi ko maintindihan ang biglaang pag-init ng buong katawan ko nang maramdaman kong may unti-unting yumayakap sa'kin.

Isang napakainit na katawan, nararamdaman ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko. Who is he? Anong ginagawa n'ya sa gitna ng dilim?

Naramdaman ko nalang ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. This is the first time I felt something like this. What kind of sh!t is this?

"I've been searching for you." Bulong n'ya na nagpataas ng balahibo ko. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapagsalia, hindi ko alam ang gagawin ko.

I can only feel his masculine body near me, his hot breath on my neck, the echo of his voice and his dark presence. I can't see him but I can feel his presence.

Nanginginig ngayon ang buong katawan ko. Fvck what's happening?

"I'm your King" Yan ang huling katagang narinig ko sa kan'ya nang bigla kong namulat ang mata ko at napabangon sa kama ko.

Hinahabol ko ngayon ang hininga ko na para bang mauubusan na ako ng hangin. "What was that?" Bulong ko sa sarili ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto ko, puting kurtina, puting bedsheets, puting dingding, puting kisame, lahat puti. This is really my room years ago.

I was wandering inside that dark world for years 'til someone whispers my name and let me wake up from a bad dream.

Who the fvck is he?

"I'm your king." That was his last words.

-MariaClaraPart2

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon