Chapter 39: A Flower's Death
Third Person's Point of View
Abala ang lahat sa Olympus dahil sa gagawing pagtitipon ng lahat ng Diyos at mga Diyosa ng buong kalawakan. Inimbitahan silang lahat ni Rhea na s'yang Ina ng tatlong pinakamakapangyarihang diyos sa sa Olympus, karagatan at empyerno.
Ang pagtitipon ay idaraos sa kastilyo ni Zeus kung saan nakapuwesto ang tatlong napakahabang hapag para sa kanilang lahat. Iba't-ibang putahe ang nakahanda sa hapag at hinding hindi naman mawawala ang alak.
Isa-isang nagsidatingan ang mga diyos at diyosa suot ang kanilang magagara at kulay itim na kasuotan at nakakapanindig balahibong awra. Ramdam sa lugar ang napakalas na kapangyarihan dahil sa kanilang lahat.
"Ina," tawag ni Proserpine sa Inang si Demeter.
Lumapit s'ya rito at binati ito ng isang halik sa pisngi. "Bakit ho nakasuot ang lahat ng itim?" Tanong nito.
"Rhea asked everyone to wear black my dear," Sagot nito sa anak.
"I thought you won't wear black?"
"Well that's what I also thought," sagot ni Demeter kay Proserpine at natawa pa ito.
Umupo na si Demeter sa isang silya sa may hapag at sumunod naman si Proserpine. Hindi magkatabi ang dalawa dahil tinabihan ni Proserpine ang kaibigan nitong si Nyx, ang diyosa ng gabi.
Hindi lamang ang mga diyos o diyosa ang nasa Olympus kundi maging ang mga kalahating diyos at diyosa. Ang takdang ito ang pinakaunang pagkakataon na magkakatipon ang lahat sa loob ng ilang libong siglo.
Mayroong isang bahagi ng pinagdausang lugar ang parang isang intablado na kita ng lahat kung saan mayroong tatlong upuan ng mga hari. Makikitang sinasagisang ng tatlong upuan ang malakas na dangal at kapangyarihan.
Isang bagay lamang ang alam ng lahat, may isang napakaimportanteng bagay na sasabihin si Rhea na kailangang malaman ng lahat.
Walang sinoman ang may ideya kung ano ito.
"Look who's here," bulong ni Nyx sa katabing si Proserpine dahilan upang mapangisi ito.
"Antheia, wearing unsuitable black," natatawang saad naman ni Proserpine hindi dahil naiinggit s'ya kundi dahil alam nitong hindi nababagay kay Antheia ang suot nitong itim.
Umupo si Antheia sa isa sa mga silya. Sunodsunod namang nagsidatingan ang mga diyos at diyosa hanggang sa mapuno ang tatlong hapag.
Maya't-maya lang ay lumabas ang pinaka hinihintay ng lahat, si Rhea. Lahat ay tumayo at nagsipalakpakan bilang paggalang dito bilang Ina ng makakapangyarihang diyos.
Lahat ng atensyon ay napunta sa kan'ya nang magsimula itong magsalita.
"Universal Gods, Goddesses, Demi Gods and all immortal were gathered in this place to receive a very important message. You are all here to witness a very remarkable day among our history, we are all here to be united to be able to do our duties."
Proserpine's Point of View
Ramdam ng lahat ang napakamaawtoridad at makapangyarihan na boses ni Rhea. There's no doubt that she's the mother of the big three.
"My three sons— oh well... let's proceed," medyo nalilitong saad nito.
"The king among all gods, among all of you. I believe that he did firmly done his duty well, yes. He's a great womanizer but that's normal. You know who he is..."
"Zeus of course," bulong ko mula sa aking upuan.
"Rhea, seemed to be confused on what she is saying," natatawang bulong naman ni Nyx sa akin.
BINABASA MO ANG
Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed)
FantasyMyth Series 1 Title: Hades: King of Underworld Genre: Fantasy Romance Hades is cursed to live in darkness forever. Among his brothers, Zeus and Poseidon, the universe bestowed on him the realm of the dead. His beloved wife, Proserpina, the daughter...