Chapter 5

47 2 0
                                    

"Goodmorning my EHU girl!" Nakangiting bati ni Jake.

As usual, late na naman syang pumasok. Pero sabi nga nya wala syang oras ng pasok at uwi.

Tinanguan ko nalang sya habang nakatutok ang mata ko sa ginagawa ko. Isa pa naiirita talaga ko sa presensya nya.

"Ang aga aga busy ka na agad my EHU girl? Hindi ba pwed..."

"Will you please shut up? Magtrabaho ka na lang okey? Mind your own shit!" Pagtataray ko.

"Relax ka lang, eto na po magwowork na boss. May period ka ba ngayon?" Seryoso at kunot noong sambit nito.

"Wala kang pakialam!" Sa mataray na tono ulit.

"Alam mo? Nakakapikon na yang ugali mo e. Nagtitimpi lang talaga ko sayo. Nako baka di kita matancha!"

"Gawin mo wag puro salita." Paghahamon ko sa kanya. Tiyak masasaktan sya sakin.

Isa pa matagal na din akong hindi nakakapag praktis mag martial arts, kaya sa kanya ko na lang ia-apply.

Nagulat ako nang mabilis na lumapit sa table ko si Jake. Kuyom ang mga kamay kaya medyo kinabahan ako kasi baka sapakin nga ako. Kahit papaano lalaki pa rin  'to at babae ako.

Aktong tatayo na ko para salubungin sya ay nahawakan nya ang dalawang kamay ko at nabigla ako sa ginawa nya dahil walang patumanggang inangkin ang mga labi ko.

Sisipain ko na sana sya sa kanyang ari-arian... Pero bakit nagbago ang pakiramdam ko?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lambot ng labi niya at sa bawat hagod ng kanyang dila ay tila dinadala ako sa rurok ng tagumpay.

Napapikit ako sa sarap nyang humalik, at hindi ko na rin napigilang tumugon sa mga halik nya.

Walangju ang sarap palang humalik ng abnormal na ito. Pero hindi pa man nagtatagal ang halikan namin ay kumalas na sya at ngumiti ng matamis.

"Hindi ka na ba galit sakin?"

"Ha?? Ah.. Eh.. Galit pa rin ako sayo!" Wala sa hwisyong sagot ko.

"Ow common Jinca! Alam ko my feelings ka sakin!" Sambit nito habang papalayo sa akin.

"Hoy! ang kapal mo abnoy wala akong gusto sayo!"

"Weee?? Bakit nung hinalikan kita, gumaganti ka din ng halik sakin?"

Bigla akong natahimik, wala akong mahagilap na idadahilan. Bakit nga ba ko gumanti ng halik? Kase masarap sya humalik? Nako hindi ko pwedeng sabihin sa kanya 'to.

Haist! Nakakahiya talaga. . Yumuko na lang ako para di nya mapansing namumula na mukha ko sa hiya. Sa puntong yun ay lumapit na naman sya sakin.

"O ano bakit di ka sumagot? May gusto ka sakin no?"

"Wala nga kulit mo ha!" Pataray na sabi ko pero nakayuko pa din.

"So ibig sabihin, you're a type of girl that easy to get?" Sarkastikong sambit ni Jake.

"Anong sabi mo?" Medyo pigil ang galit na tanong ko.

Nagpanting ang tenga ko dun sa huling tatlong salitang binitawan nya. Kaya pinapaulit ko baka kasi mali ako ng dinig.

"You're a type of girl that easy to get!" Walang kaabog abog na sambit nya sa harapan ko.

Sa puntong yun ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sinampal ko sya ng malakas at makikita mo talaga sa mukha nya ang sakit ng ginawa ko.

Alam kong hindi ako ganung klase ng babae. Oo malandi ako pero hindi ako easy to get.

"Bakit mo ko sinampal?"

Ako Nalang kase ;) ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon