Chapter 1

226 3 1
                                    

Ruel Panlilio

Ako Nalang Kase ;) ♥♥♥

April 19 - May 2, 2014

ruelpanlilio@yahoo.com

hi guys :)

papaketchup here :)

isang taon na akong nakikibasa sa wattpad ng kapatid ko. . at sobrang daming magagaling na manunulat dito kaya naisip kong gumawa na din ng sarili kong acct. at sariling kwento. . ang hirap magsimula

lalo na kapag wala kang inspirasyon. . (charot!!! ahehehe)

nawa'y magustuhan ninyo ang aking likha! pero kung hindi naman. wag nyo na ituloy ang pagbabasa. joke!!! ahehehe

--------------- ^_^ --------------

Chapter 1

"Sige na mommy payagan mo na po akong um-attend sa despedida ni Chesca. Promise hindi ako magpapagabi uuwi agad ako. please?"

"Jinca, iniisip ko lang ang kapakanan mo. isa pa, magiisang linggo palang tayo sa lugar na 'to. hindi pa nga natin kilala yung mga kapitbahay naten dyan. kung mapagtripan ka may magagawa kaba?"

"mommy nakalimutan mo yatang martial arts ang hobby ko. hehehe."

"ay nako Jaja ewan ko sayo. ."

"so payag kana mommy??"

"did I say yes??"

"amp! mommy naman killjoy e."

"o sige na nga. basta wag kang magpapa gabi okey?"

"yes mommy! yahooo! boompanes."

haist! akala ko talaga hindi ako papayagan ni mommy. muntik na kong magtampo sa kanya e.

Anyway pasensya na kung nauna ang daldalan namen ni mommy Neng ah. . nakalimutan ko tuloy magpakilala. well, ako nga pala si Jinca Panlilio, Jaja nalang para cute. hehehe

Marahil nagiisip kayo kung bakit gustong gusto kong pumunta sa despedida ni Chesca? actually, kaya gusto kong pumunta kase,

a) maraming gwapong invited.

b) may magpapakilalang gwapo saken. mga lima pwede na. XD

at c) liligawan nila ko!!

Ang sarap mag imagine no?? pero wala sa pagpipilian ang dahilan ko. well, ang totoo nyan kase, simula elementary hanggang college magkaklase na kame at pareho kami ng ayaw at gusto kaya naging mag bestfriend kame.

Never kameng nagkajowa dahil hobby namen ang pagaaral at martial arts. na naging dahilan kung bakit iniiwasan kame ng mga schoolmates naming lalake noon.

at ngayon magwowork na sya sa U.S. iiwan na nya ko. . :(

kaya mawawalan na ako ng kaututang-dila.

haist! pano na kaya ako pag umalis sya?? ....wala pa din kase akong jowa e. ;(

DIAMOND HOTEL

"Miss, Saan yung party ni Ms. Franchesca Fajardo?"

"This way Ma'am, follow me."

Pagpasok ko sa loob, bumungad na sakin ang mga lalaking makikisig, matatangkad at higit sa lahat masasarap!! ahahaha sorry sa term na masarap pero yun talaga ang perfect description ko sa kanila. halos mabali yung leeg ko dun sa isang lalaking tumawid sa harap ko. kamuka ni Derek Ramsey. ♥♥♥

"Jaja ikaw ba yan? Naghanda ka talaga ah? In fairness parang ikaw ang may padespedida" bati ni Chesca saken nang makita akong palingon lingon sa mga kalalakihan.

Ako Nalang kase ;) ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon