"Akala ko hindi mo na ko sisiputin Honey ko." Sabi ko sabay yakap at halik sa kanyang labi.
"Magagawa ko ba naman sayo yun Honey? Medyo trapik lang kaya naleyt ako ng dating. Tara punta na tayo sa Manila Hotel!"
"Teka lang."
"Bakit?"
Hindi ko na sya sinagot, inayos ko na lang yung neck tie nya at yung buhok nya.
"Ayan! Pogi ka na!"
"Akala ko naman kung ano gagawin mo sakin. ahehehe."
MANILA HOTEL
"Finally! we're here." Excited na sambit ko.
Sa sobrang excited ko nga ay hinihila ko na sya papasok sa loob ng Fiesta Pavillon.
Nagulat naman ako ng bigla syang huminto. Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha nya. Parang may kinatatakutan sya. Or nahihiya dahil wala syamg kakilala doon kundi ako lang.
"Okey ka lang mahal? Sabihin mo lang hindi na tayo tutuloy sa loob." Pagaalalang wika ko.
"Ah..ehh. Sige tumuloy tayo mahal, ginawa nga ang event na ito para sa inyo ng ka work mo diba? Andito ko para suportahan ka."
"Sigurado ka mahal?"
"Yup!"
Pilit ang mga ngiti nya. Pero hindi ko na lang sya pinansin tutal sya na ang nagyaya na pumasok kami sa loob.
"Hi Ma'am Jinca! Akala ko hindi ka na makakarating." Bati ni Angel ng makasalubong kami sa loob.
"Bakit naman hindi e matagal na tayong walang victory party, ngayon lang nang tumaas ulit ang sales natin kaya susulitin ko 'to. ahehehe"
"Sino yang kasama nyo Ma'am?" Paguurirat ni Angel. Hindi nga sya chismosa pero mausisa. ahehehe
"Ah. Boyfriend ko si Alex Santillan. Alec meet my Secretary Angel Cruz."
"Hi Sir!" Sabay shaking hands ng dalawa. "Infairness Ma'am ang pogi ng BF mo, bagay na bagay kayo!"
"Nako ikaw talaga Angel, daldal mo talaga. Ahahaha"
"Ay nako oo nga hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Sige na po maiwan ko na kayo pupuntahan ko muna yung grupo ko."
Pagkaalis ni Angel sa amin ay nagpa linga linga ako. Hinahanap ang table na para sa amin ni Alec.
Bigla naman akong hinila ni Alec papunta sa medyo sulok na pwesto na ang table ang pangdalawahan lang talaga.
"O diba perfect place ito para sa ating dalawa?" Nakangiting sabi niya.
"Okey lang kaso bakit sulok na aulok tayo? Para naman tayong may pinagtataguan.
"Huh? Bakit ayaw mo ba dito? Lipat na lang tayo." Medyo seryosong sambit nito.
"Nyek! Wala naman akong sinasabing ayaw ko. Okey na ko dito honey. No worries."
"Sure?" Paniniguro ni Alec.
"Yup! I'm pretty sure mahal."
Ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na kaming kumain ni Alec. Sumunod na ang pagdating ng alak na dala ng mga waiters.
Kumuha si Alec ng dalawang alak sa isang waiter na nagdaan sa pwesto namin. Iniabot sa akin ang isa at nagsimula na kaming tunggain yun. Tunggain talaga! ahahaha.
Maya-maya pa'y nabawasan ang ilaw sa loob at nagsimula na ang kasiyahan. Maraming nagpuntahan sa gitna at nagsayawan.
"Tara sayaw tayo mahal!" Higit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ako Nalang kase ;) ♥♥♥
RomanceMasakit para sa isang babae ang lokohin ng lalaking pinakamamahal mo , lalo na kung sya ang kauna unahang naging jowa mo. . . At buong puso mong pinagkatiwalaang hindi ka sasaktan. "Sobrang saket talaga, dahil kung kelan mahal ko na sya.....Saka ko...